Inakit Ko si Sir, Makapasa Lang Ako

Si Marjorie ang tipo ng estudyante na pa-easy easy lang sa pag-aaral. Hindi mahalaga sa kanya kung mababa ang grado niya, basta pumapasa siya. Kapag nalaman niya na tagilid siya sa isang subject ay gagawa siya ng paraan para malusutan iyon.

Image courtesy of www.googgle.com

“Ms. Marjorie Eduque, huwag na huwag kang magrereklamo kung makita mo ang bagsak mong grado sa class card mo!” sabi ng titser niya sa Math.

“Ma’am, baka naman po puwedeng gawan ng paraan. Alam ko pong nagbebenta kayo ng tocino at longganisa, kung gusto niyo pakyawin ko na ang tinda niyo, makapasa lang po ako,” aniya.

“Hmmm…bueno, dalawang libo, Ms. Eduque. May mailalabas ka bang dalawang libo?” bulong ng titser.

“Yes, ma’am! Narito sa wallet ko at mainit-init pa!”

Ganoon lang kadali, pasado na siya!

Minsan ay bumagsak siya sa isang exam sa History.

“Ma’am, baka maaari pong gumawa na lang ako ng special project para mabawi ko ang bagksak kong exam?” pakiusap niya rito.

Advertisement

“Kung gayon, kailangan kasi na ma-dekorasyunan itong silid natin. Bumili ka na lang ng mga materyales na gagamitin para mapaganda ang dingding at pinto,” sabi ng titser.

“Iyon lang pala, ma’am e. Ako na po ang bahala!”

Ganoon ang eksena ni Marjorie tuwing nagkakaroon siya ng problema sa mga grado niya.

Isang araw, hindi siya nakapag-review sa final exam nila sa Filipino. Maghapon kasi siyang nasa galaan noong mga nakaraan at gabi na nakakauwi sa bahay kaya hindi niya naalala na kailangan niyang mag-aral.

Image courtesy of www.googgle.com

“Sh*t, nakakaasar, hindi ako nakapag-review!” inis niyang sabi sa sarili.

Ang titser pa naman niya sa subject na iyon ay si Mr. Sandoval. Ang pinakaguwapo at pinakamalakas ang dating nilang titser.

Aminado siya na malaki ang paghanga niya kay Mr. Sandoval kaya ayaw niyang napapahiya rito.

“Okay, class be ready at magsisimula na ang final exam!” wika ng titser.

Advertisement

Hindi malaman ni Marjorie kung ano ang gagawin. Hindi naman siya maaaring makakopya sa katabi niya dahil malayo ang agwat ng kanilang upuan sa isa’t isa.

“Bahala na!”

Image courtesy of www.googgle.com

Nang matapos ang exam ay kakamot-kamot pa rin siya ng ulo dahil halos kalahati ng exam ay hinulaan lang niya.

“Di bale, kapag bumagsak ako gagawan ko na lang ng paraan!”

Habang papunta siya sa canteen ay nakita niya si Mr. Sandoval na may mga kausap na babaeng estudyante. Panay ang landi ng mga ito sa guwapong titser. Ang isa pa nga ay halos idikit na ang hinaharap sa lalaki. Parang balewala naman kay Mr. Sandoval ang ginagawang panlalandi ng mga babaeng estudyante nito.

Sa kanyang nakita ay may nabuong plano si Marjorie.

Kinaumagahan ay hindi na siya mapakali sa resulta ng kanilang final exam. Patayu-tayo at paikot-ikot si Marjorie sa loob ng silid hanggang sa dumating na ang inaabangan niya.

“Class, narito na ang resulta ng final exam niyo. Malaki ang magiging epekto nito sa huling grado niyo sa akin!” sabi ni Mr. Sandoval.

Advertisement Image courtesy of www.googgle.com

Nang matanggap ng iba niyang kaklase ang resulta ay hindi matawaran ang saya ng mga ito dahil matataas ang nakuhang mga grado. Ang iba naman ay kuntento ng nakapasa sa mahirap na exam ng guwapo nilang titser. Ngunit nang tanggapin niya ang resulta ng kanyang exam ay parang gumuho ang mundo niya.

“Bagsak ako!” aniya.

Habang nagtuturo si Mr. Sandoval ay wala siya sa sariling nakatanghod lang sa ginagawa nitong pagsusulat sa pisara. Iniisip niya kung itutuloy ang plano.

Nang matapos ang klase ay napagdesisyunan ni Marjorie na personal na kausapin si Mr. Sandoval tungkol sa bagsak niyang grado sa fnal exam. Malaki ang epekto ng hindi niya pagpasa sa exam dahil kailangan niyang ulitin ang subject na iyon sa susunod na semester. Para hindi iyon mangyari ay handa niyang gawin ang lahat.

Pinuntahan niya si Mr. Sandoval sa faculty room at kinausap. Hinintay niya na mapag-isa ang titser bago lapitan sa mesa nito.

“O, Miss Eduque! Ano’t naparito ka?” wika ng lalaki.

“Tungkol po dun sa bagsak kong grado sa exam. Handa ko pong gawin ang lahat, pumasa lang sa subject mo, sir!” Aniya habang dahan-dahang nilalamas ang kanyang dibdib sa harap ni Mr. Sandoval. Inalis din niya ang butones ng kanyang blouse hanggang sa bra na lamang ang tumatakip sa kanyang dibdib. Tinangka niya din hubarin iyon sa harap ng titser.

Image courtesy of www.googgle.com

Hindi nakakilos ang guwapong titser sa ginagawang pang-aakit ni Marjorie. Alam nito na tahasan na ang pag-aalok ng kanyang estudante sa sarili para makapasa. Lalaki ito at kahit anong oras ay maaaring pagbigyan ang hiling ng dalagita. Ngunit iba si Mr. Sandoval.

Advertisement

“Ms. Eduque, please stop that!” anito.

Nagulat si Marjorie sa sinabi ng titser at itinigil ang ginagawa. Hindi siya makapaniwalang tatanggihan siya nito.

“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaari mong ialok ang iyong katawan, Ms. Eduque. Oo at makukuha mo ang inaasam mo kapalit ng panandaliang ligaya, ngunit malalaman mo na lang sa huli na nasira na pala ang iyong pagkatao para lamang sa isang pabor.” Paliwanag nito.

Natauhan si Marjorie sa mga sinabi ni Mr. Sandoval at nahiya sa kanyang ginawa.

“Sorry, sir! Ayoko lang po talagang bumagsak!” paliwanag niya.

“Mas gusto mo pang madungisan ang iyong pagkababae para makapasa?”

Hindi na siya nakapagsalita pa. Pakiramdam niya ay lulubog siya sa kinatatayuan sa sobrang kahihiyan.

“Sige na, ayusin mo ang sarili mo, Ms. Eduque at pag-isipan ang sinabi ko,” pahabol pa nito.

Advertisement

Napagisip-isip ni Marjorie na tama si Mr. Sandoval. Nasa huli ang pagsisisi sa hindi tamang desisyon. Bumagsak man siya sa subject nito ay malaking aral naman ang natutunan niya rito, na huwag magpadalus-dalos ng desisyon para makuha lamang ang hinahangad. Bagkus ay tanggapin ang resulta at ituwid kung anuman ang pagkakamaling nagawa.

Image courtesy of www.googgle.com

Inulit ni Marjorie ang subject ni Mr. Sandoval at naipasa na niya iyon. Masaya siya dahil nakuha niya ang hinahangad na grado sa sarili niyang pagsisikap at walang inaalok na kung ano.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!