Kumalat ang Video Scandal ng Matalino at Mahusay na Student Leader, Huli na nang Malaman na Malapit sa Kanya ang may Kagagawan Noon

Hinahangaan si Larry dahil bukod sa guwapo at matalino ay isa rin siyang mahusay na lider ng mga estudyante sa pinapasukang unibersidad.

“Congrats, pards! sigurado na naman ang panalo mo sa student council!” masayang bati ng kaibigang si Thirdy.

“Oo nga, Larry! Balita ko malakas ang laban mo!” wika naman ni Ronald.

“Guys, marami pang puwedeng mangyari, okay! Huwag muna tayong magsaya! Ang mabuti pa ay pag-usapan natin ang night out party!” aniya.

Matagal nang plano ng magkakaibigan ang lumabas at magliwaliw. Gusto nilang mag-relax. Sa dami ng ginagawa nila bilang estudyante ay naisip nila na kailangan din nila ng pahinga at maglibang paminsan-minsan.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng magkakaibigan. Napagdesisyunan nila na sa bahay bakasyunan nina Thirdy gawin ang kanilang night out party. Bukod sa alak at pulutan ay may isinama rin silang mga babae para mas masaya ang party nila. Inanyayahan nila ang ilan sa mga babae nilang estudyante kasama rin ang mga nobya nina Thirdy at Ronald.

Alas otso ng gabi nang magsimula ang kasiyahan. Malakas ang tugtog habang bumabaha ng alak sa loob ng bahay bakasyunan. Lumabas ang pagiging mapusok ng mga kabataang naroon.

“O, ano pards, lasing ka na ba? Marami pang alak!” sabi ni Thirdy.

Advertisement

“No, pards! Kilala mo ako, hindi ako madaling malasing at alam mo iyan!” wika ni Larry.

Nang biglang lumapit sa kinauupuan nila ang maganda at seksi nilang kaklase na si Ashley.

‘Hi, boys! ano ang pinag-uusapan niyo?” tanong ng dalaga sa malanding boses.

Napansin ng nobya ni Thirdy ang paglapit ng dalaga kaya agad nitong hinablot ang binata.

“Babe, lika nga dito sa tabi ko!” inis na wika ng dalaga.

Napakamot sa noo si Thirdy at napilitang sumama sa nobya. Naiwan sina Larry at Ashley na magkatabi sa upuan.

“Buti naman at naisipan niyo na mag-party!” sabi ng dalaga habang nilalaro ng daliri ang lamang alak sa basong hawak.

“A, e…itinuloy lang namin ang matagal na naming balak ng mga kaibigan ko!”

Advertisement

Mayamaya ay nakaramdam na ng pagkahilo si Larry. Tinamaan na siya sa nainom na alak.

Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari ng gabing iyon.

Kinaumagahan ay nagising si Larry na nasa loob na siya ng kuwarto. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo dahil sa naparami ang kanyang nainom ng nagdaang gabi. Ikinagulat niya nang makitang wala na siyang suot na saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa kanyang katawan.

“Ughh, anong nangyari?” aniya.

Paglabas niya sa kuwarto ay naabutan niya ang mga nagkalat na basyo ng bote ng alak sa sala. Wala na rin ang mga kaklase na kasama niyang nakainuman.

“Pards, musta kayo ni Ashley kagabi, ayos ba?” panunuksong bati ni Thirdy.

“W-wala nga akong matandaan, e! Basta nagulat na lang ako na wala na akong suot na damit.”

“Ibig mong sabihin, wala kang matandaan?” anito.

Advertisement

Umiling lang si Larry. Hindi niya talaga maalala ang nangyari.

Sa pagpasok nila klase ay naabutan nilang may pinagkakaguluhan ang mga kaklase nilang lalaki. May pinapanood na video ang mga ito sa cellphone.

“Larry, grabe ka pala! Hindi ko akalaing magaling ka pala sa kama?” pang-aasar ng isa nilang kaklase.

Kumunot ang noo ni Larry sa sinabi ng lalaking kaklase.

“Teka, anong sinabi mo p’re?” inis niyang sabi rito.

“Hindi mo ba alam, Kalat na kalat na ang s*x video mo!”

“A-ano?”

Agad niyang pinanood ang video. Medyo madilim ang background ngunit kitang-kita niya ang lalaki at babae na nagtatalik sa kama. Nakasuot ng sando ang lalaki at nakatatak ang pangalan niyang “Larry Magdiwang” sa likod niyon. Ganadong-ganado ang lalaki habang inuulos ang humahalinghing na babae.

Advertisement

“H-hindi ito maaari!”

Mabilis na kumalat sa buong unibersidad ang scandal ni Larry na ikinaalarma ng mga guro at mga magulang ng mga estudyante.

Dahil sa kinasasangkutang eskandalo ay nanganganib na masira ang kanyang iningatang pangalan sa unibersidad bilang magaling at hinahangaang estudyante ng lahat.

Kasabay ng pagkalat ng ng video scandal ay samu’t saring paninira at panghuhusga ang ibinato sa binata. Sari-saring negatibong komento ang nabasa niya sa social media account niya na halos dumurog na sa kanyang pagkatao.

“Ma, pa, hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko! Lasing ako at wala ako sa sarili ko!” paliwanag niya sa mga magulang.

“Naniniwala kami sa iyo, anak! Tibayan mo lang ang loob mo at malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na ito!” wika ng kanyang ina.

“Manalig ka lang sa Diyos at maaayos din ang lahat!” payo naman ng kanyang ama.

Isang araw, nagulantang si Larry nang malamang may isa pang kumakalat na video sa facebook. Iyon ang malinaw na bersyon ng naunang s*x video na lumabas. Laking gulat niya nang mapanood iyon.

Advertisement

Ang lalaki sa video ay hindi pala siya kundi ang kaibigan niyang si Thirdy na nakikipagtalik sa nobya nito.

“T-Thirdy?”

Kinompronta niya ang kaibigan at tinanong kung bakit nito pinakalat ang nasabing video. Umamin naman si Thirdy na ito ang lalaki sa video. Inirekord ng binata ang pakikipagtalik sa nobya pero hindi raw nito kasalanan ang pagkalat ng video dahil naisnatch ang bag nito na naglalaman ng laptop na ginamit nito sa pagrerekord ng mga mandurukot habang pauwi sa bahay.

Napag-alaman din na ang sandong may tatak na pangalan ni Larry ay ang ipinahiram ng binata kay Thirdy nang minsang nagkayayaan silang mag-swimming at walang pamalit na damit ang kaibigan. Inamin din nito na walang nangyari sa kanila ni Ashley. Pinagtangkaan raw siyang akitin ng dalaga ngunit nang makita nito ang kanyang pagkalalaki ay nadismaya ito at hindi na itinuloy ang balak.

Aminado naman si Larry na hindi siya binigyan ng malaking pagkalalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nobya. Nasa kanya na ang talino at gandang lalaki ngunit pagdating sa kanyang hinaharap ay hindi talaga siya biniyayaan.

“Patawarin mo ako, pards! Hindi ko naman inakala na malaki ang epekto nito sa iyo! Nasira ang pangalan mo ng dahil sa kag*guhan ko!” nagsisising sabi ni Thirdy.

Hinawakan ni Larry sa balikat ang kaibigan.

“Wala na, pards, nangyari na ang nangyari at hindi na natin iyon maibabalik pa! Ang mahalaga ay may natutunan tayo!” matipid niyag sagot.

Advertisement

Tinulungan ni Thirdy na linisin ang pangalan ng kaibigan. Nagpaliwanag ang binata sa social media na siya ang nasa kumakalat na video scandal at hindi si Larry. May mga positibong reaksyon ngunit mayroon pa ring mangilan-ngilan na bulag sa katotohan.

Lumipas ang ilang buwan at unti-unting nakalimutan ng mga tao ang eskandalong kinasangkutan nila. Umiwas na rin si Larry sa mga party na may inuman dahil ayaw na niyang maulit pa ang kahihiyang pinagdaanan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!