Sinorpresa ng Nobyo ang Kaniyang Kasintahan sa Kaarawan Nito; Laking Gulat Nila nang may Iba pa Palang mga Sorpresa na Darating Para sa Kanilang Dalawa

Sinorpresa ng Nobyo ang Kaniyang Kasintahan sa Kaarawan Nito; Laking Gulat Nila nang may Iba pa Palang mga Sorpresa na Darating Para sa Kanilang Dalawa

KarmaLoveStories

Papunta na dapat si Cyrene sa date nila ng kaniyang kasintahan na si Benedict nang bigla siyang tawagan ng kaniyang bisor upang ayusin ang naging problema nila sa isang mahalagang kliyente. Nais niya sanang tanggihan ito dahil alam niyang inaantay na siya ng kasintahan ngunit ayon sa kaniyang bisor ay siya ang naging dahilan ng problema kaya siya ang kailangang umayos nito. Nang dahil dito ay hindi na siya nakatanggi pa. Agad niyang ipinaalam ito kay Benedict.

“Sorry babe, bibilisan ko na lang. Please don’t get mad,” ang sabi ni Cyrene bago pumunta sa restaurant kung saan niya kakausapin ang kliyente.

Pagkarating niya roon ay nagtataka siya kung bakit parang walang ibang mga tao. 

Nagulat na lang siya nang biglang naglabasan ang kaniyang mga katrabaho at binati siya ng “Happy Birthday!”

Ilang sandali pa ay kinantahan na siya ng mga katrabaho at nagpakita mula sa likuran si Benedict na may dala-dalang cake at mga bulaklak.

Abot tainga ang mga ngiti ni Cyrene sa tuwa at kilig nang abutin ang mga bulaklak at nang hipan niya ang mga kandila sa cake.

“Babe, ano ba ‘to? Ikaw ba ang nagplano nito?” tanong ni Cyrene kay Benedict habang patuloy na kinikilig.

“Well, yes! Gusto kong sorpresahan ang babe ko sa napakahalagang araw niya kaya nakipagkuntsaba ako sa bisor mo,” sagot ni Benedict.

“Hala si Sir, grabe! Best actor! Kinabahan pa naman ako kanina,” ang sabi ni Cyrene sa Bisor.

“Thank you, Babe! Thank you Sir! Thank you guys! Hindi ko inaasahan ‘to,” ang sabi ni Cyrene sa lahat.

Matapos ang mga batian at konting kuwentuhan ay nagsalo-salo na ang lahat sa gabihang iyon. Nagkaroon rin ng mga mini-games upang mas magkaroon ng buhay ang selebrasyon.

Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay biglang may malaking cake na inihatid sa kanila. Namangha ang lahat dito habang si Cyrene ay muli na naman napangiti sa panibagong sorpresa.

“Babe, ano na naman ‘yan?” tanong ni Cyrene.

“Hindi ko alam ‘yan, Babe,” nagtatakang sagot ni Benedict.

“Teka lang Kuya, baka mali ‘yan ng deliver?” tanong ni Benedict sa naghatid ng cake.

“Dito raw po Sir. Para raw po kay Ms. Cyrene Panganiban,” sagot ng nag deliver.

Sa pagtataka kung kanino galing ‘yun ay agad silang nag lapitan doon. Binuksan ito ni Cyrene at tinanggal ang takip. 

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakasulat sa cake, “Happy Birthday Cyrene Panganiban! Happy Birthday sa Kabit ng Asawa Ko!” Agad siyang napatingin kay Benedict na puno ng kahihiyan. 

Labis naman itong ikinagulat ng mga kasamahan sa trabaho ni Cyrene. Sila ay nagkatinginan at nagkaroon ng mga bulong-bulungan. ‘Di nila akalain na ganun ang klase ng relasyon ng dalawa. Hindi nila akalain na kabit ang kanilang katrabaho.

Nang dahil dito ay agad na ipinatanggal ni Benedict sa mga server ang cake.

Pagkatanggal ng cake ay mayroon namang dumating na bulaklak ng p*tay kung saan nakasulat ang mga pangalan nila Cyrene at Benedict doon.

Naiyak na si Cyrene nang makita ito. Hindi niya na ito kinayanan kaya sa labis na kahihiyan ay nagmamadali siyang umalis sa kaniyang selebrasyon. Binalak siyang sundan ni Benedict upang kausapin ngunit inabutan siya ng liham nang naghatid ng mga bulaklak. 

Ito ay liham mula sa kaniyang legal na asawa na si Lennie. Nakasaad doon na matagal nang alam ni Lennie ang relasyon ng asawa niya sa kabit nitong si Cyrene. Iinantay lamang daw niya ang tamang pagkakataon upang makipaghiwalay kay Benedict kung saan ngayon ang tamang araw na pakikipaghiwalay niya sa asawa. Ayon din sa liham ni Lennie ay ipinadala niya na ang lahat ng mga gamit ni Benedict sa bahay ng kabit niya kaya ‘wag na raw itong magpapakita pa sa bahay nila.

Nang dahil sa mga pangyayaring ‘yun ay maagang natapos ang selebrasyon at nag-uwian na lamang sila.

Ilang araw na hindi nakapasok si Cyrene sa trabaho dahil sa nangyari. Bandang huli ay nagbitiw na lamang siya sa trabaho dahil sa labis na kahihiyan.

‘Di nagtagal ay nagkalabuan din ang relasyon nina Cyrene at Benedict. Naging madalas ang pagtatalo ng dalawa noong sila ay nagsama na sa iisang bubong. Parating pinagmumulan ng away nila ang kahihiyang nangyari sa kaarawan ni Cyrene na naging dahilan upang bumitiw siya sa trabaho. Bandang huli ay naghiwalay na lang din ang dalawa. Talaga nga namang walang mabuting nadudulot ang isang masamang gawain.

More Stories