Tampulan ng Chismis ang Babaeng Ito Dahil 15-anyos Lamang Siya nang Magkaanak, Ngunit Isang Lihim Pala ang Tinatago Niya Tungkol sa Bata

Palaging laman ng usap usapan sa eskwelahan si Carlina, paano kasi, sa edad na 20 years old ay mayroon na siyang isang anak na pumapasok sa kinder, si Jaden, at walang nakakakilala sa ama nito. Ibig sabihin, 15 years old pa lang siya nang magbuntis sa bata. Malandi, iyan ang laging bansag sa kanya.

Tila naman bingi na, o marahil sanay nang mapag usapan ang dalaga kaya hindi niya na lamang iniintindi iyon. Tutal ay graduating na naman siya sa college kaya malapit na rin siyang makaalis sa eskwelahang ito. Malapit na siyang makatakas sa usap usapan. Minsan nga, sabay pa silang pumapasok ng anak sa eskwela, malapit lang kasi ang Daycare Center na pinapasukan nito sa kanya.

Tanggap ng mga magulang ni Carlina ang kanyang anak, pinangako rito ng babae na babawi siya sa mga ito pagka-graduate. Malaki ang utang na loob niya dahil ang mga ito bumubuhay at tumutustos sa pag aaral nila ni Jaden.

Hindi naman iyon lihim sa boyfriend niyang si Kiko, tanggap nito ang kanyang anak at minsan ay ito pa ang sumusundo kay Jaden sa Daycare Center lalo na kapag may ginagawa pa sa school si Carlina. Mabait na bata ang anak ni Carlina, magalang ito at palangiti.

Isang hapon, magkatabi si Carlina at Kiko sa park habang tinatanaw si Jaden na nakikipaglaro sa ibang bata.

“Bakit di mo sabihin sa kanila ang totoo?” Tanong ni Kiko sa nobya.

“Anong totoo?” tanong naman ng babae na nilingon lang siya sandali at muli nang tumingin sa direksyon ng anak.

“Na hindi mo anak si Jaden?” mahinang sabi ng lalaki.

Advertisement

“Anak ko sya.” sabi lang ng babae.

“Bakit di mo sabihin na napulot mo lang siya sa bakanteng lote dati? At hindi mo lang natiis na nasa bag ang sanggol kaya inuwi mo at inako?” tanong ulit ni Kiko.

“Mahal ko ang anak ko. Mas ayos na ako ang mapahiya, kaysa siya.” Simpleng sagot ng babae.

Nakangiti si Kiko, kung anong ganda ng nobya ay ganoon rin kaganda ang puso nito. Hindi siya nagkamali sa babaeng minahal.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.