Di Kayang Makipagtalik ng Babae sa Mister sa Kanilang Honeymoon, Mayroon Pala Siyang Madilim na Lihim

Nang makarating sa Maynila si Rosa ay nangako siyang hinding-hindi na muling lilingunin ang mga karanasang pinagdaanan sa kanilang probinsiya.

Payat siyang babae at may katangakaran. Maganda ang kanyang labi at may mapupungay na mata.

Nagsumikap siya sa trabaho at nag-ipon para sa sarili. Naging mabuti siyang empleyado at kaibigan sa mga kasamahan.

Sa edad na dalawampu’t lima ay narating kaagad niya ang posisyon ng pagiging manager sa isang malaking kompanya sa Ortigas.

Mayroon na siyang sariling condo, sasakyan, at magandang trabaho. Biro nga ng iba ‘asawa na lang ang kulang.’

Bukas naman si Rosa sa mga nangyayari sa kanyang buhay, ngunit hindi pag tungkol na sa pamilya. Ang tanging alam lamang ng tao sa kanya ay wala na siyang ina simula pagkabata, bukod doon, wala na.

Dahil nga sa angking ganda ay maraming lalaking nagtangkang siya ay suyuin, pero wala kahit isa sa kanila ang nagtagumpay. Ang tanging focus naman niya ngayon ay ang sarili at trabaho.

“O Rosa, Overtime na naman? Kaya wala ka nang love life eh.” Natatawang biro sa kanya ng isang ka-opisina.

Advertisement

“Nako mas mabuti na ito kaysa magkaroon ng sakit sa ulo.” Natatawa niya namang tugon.

“Baka mawala ka na niyan sa kalendaryo, pero single ka pa rin ha?” Muling banat ng kausap.

“Pag nangyari yun, kunin mo na lang akong ninang ng anak mo! Hahaha! O sige na, mag-ingat ka pag-uwi ha?” Pagpapaalam niya. Kinawayan na lamang siya nito, senyales na mauuna na.

Napaisip siya sa birong iyon ng ka-trabaho, nagkaka-edad na nga naman siya ngunit single pa rin. Marami sa kasamahan niya na mas bata sa kanya ay nauna nang magpakasal at bumubuo na ng pamilya.

Kinuha niya ang malaking salamin sa kanyang harapan at tiningnan ang mukha.

“Di bale nang walang boyfriend, basta fresh at hindi ako haggard.” Natatawang sabi niya habang tinitignan ang repleksyon.

Tinapos niya ang natitirang trabaho at nag-ayos na ng mga gamit pauwi. Papatayin na sana niya ang laptop nang biglang may nag pop-up na e-mail.

Pauwi ang anak ng presidente ng kanilang kompanya bukas. Magkakaroon ng isang malaking meeting para sa mga empleyado.

Advertisement

Kinabukasan ay di magkamayaw ang mga tao sa opisina. Lahat ay abala sa paglilinis ng kanilang mga lamesa at pag-aayos ng mukha.

Alas nuwebe ng umaga ay dumating na ang presidente ng kompanya kasama ang gwapong anak nito.

Ipinakilala ni Mr. Gerry ang anak nito na si Luis bilang susunod na tagapamahala at tagapagmana ng kompanya.

“Ms. Rosa Vallesteros, base sa tagal at performance mo dito sa company, you are chosen to train my son to learn the basics sa pagma-manage ng kompanya.” Nakangiting alok sa kanya ni Mr. Gerry.

Kita naman na nagulat si Rosa sa alok na ito, ngunit maluwag naman niyang tinanggap ang malaking obligasyon.

Nagsimula na ang training nila ng anak ng presidente.

“Hi I’m Rosa Vallesteros, ako ang magiging trainer mo.” Bati niya kay Luis.

“I know. I have read your records already.” Nilahad nito ang kanyang kamay. Iniabot naman din ni Rosa ang kanyang kamay sa binata.

Advertisement

“Let’s start?” Pag-aaya niya.

Naging matagumpay naman ang kanilang training noong araw na iyon. Gabi na rin sila nang matapos at parehong nakakaramdam na sila ng gutom.

“Ms. Vallesteros?” pagbasag ni Luis ng katahimikan.

“Rosa, Rosa na lang. Masyadong formal kasi yung Ms. Vallesteros.” Natatawang tugon naman niya.

“Oh okay, Ms. Rosa. Do you want to grab some dinner with me?” Nahihiyang tanong ng binata.

“Drop the word ‘miss’ na okay? Masyado ka namang pormal.” Napahagikhik si Rosa nang hindi sinasadya.

“Alam mo, mas lalo kang gumaganda pag nakangiti.” Pagbawi naman ni Luis habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.

Hindi maipagkakaila na namula si Rosa sa mga salitang narinig niya.

Advertisement

Madaling nagkapalagayan ng loob ang dalawa habang nagtatawanan at kumakain ng hapunan sa isang Japanese restaurant.

“Are you staying with your family dito sa Manila?” tanong ni Luis.

“Hindi eh. Mag-isa lang ako dito.” Napalagok naman ng inumin si Rosa.

“Ang lungkot siguro mag-isa no?” Tanong ng binata.

“Nakasanayan ko na din siguro.” Malungkot na sagot ng dalaga.

“Gusto mo samahan kita?” Ngumiti ang lalaki na nagpakita ng malalim niyang dimples. “Samahan habangbuhay?” At tsaka ito natawa.

Uminit ang mukha ni Rosa at ngayo’y namumula na naman. Hindi siya sanay na makarinig ng mga ganoong salita galing sa ibang tao. Hindi naman maitatanggi na nakaramdam siya ng kiliti sa kanyang sikmura.

“Siguro ang dami mo nang naloko sa mga punchline mo na yan. Kayong mga lalaki dyan talaga magaling, sa pambobola.” Nakangiting sagot naman niya.

Advertisement

“Hindi naman lahat ng lalaki ganoon. Mayroon naman ding seryoso.” Uminom ng isang lagok ng softdrink ang binata, “Gusto mo bang patunayan ko sa’yo?”

“Hay nako. Mag bill out na tayo. Puro ka kalokohan!” Hinampas lamang siya ni Rosa sa balikat at tsaka tinawanan.

Nakangiting umuwi si Rosa. Ibang kilig ang nararamdaman niya pag inaalala ang mga banat ng binata.

Kinabukasan ay nagulat siya ng makitang may isang teddy bear, tsokolate at bouquet ng bulaklak sa kanyang lamesa.

“Kanino galing ang mga ito?” Tanong niya sa mga kaopisina. Ngunit walang sumagot sa kanya, bagkus isang malaking ngiti lamang ang isinagot sa kanya.

Napansin niyang may maliit na note na nakaipit sa kamay ng teddy bear. Kanyang kinuha ang binasa ito.

‘Mas maganda ka pa kaysa sa mga bulaklak na ito, at ang mga ngiti mo ay mas matamis pa kumpara sa mga tsokolateng nasa harap mo. Araw-araw kong gustong masilayan ang matatamis mong ngiti. Ang mga tawa mo ay parang musika na gusto kong marinig nang paulit-ulit. – L’

Ito ang naging simula ng matamis na pagtitinginan ni Rosa at Luis. Naging masaya ang araw-araw nilang training at pinatunayan ni Luis na seryoso siya sa pagsuyo sa dalaga. At sa unang pagkakataon, binuksan ni Rosa ang kanyang puso para sa pag-ibig.

Advertisement

Natapos na ang training at nakaupo na ngayon si Luis bilang Vice President ng kompanya.

Matapos ang isang taon, inaya niya si Rosa upang magpakasal. Desidido na siya na ang dalaga ang nais niyang makasama habangbuhay.

Nag-aayos na sila ng mga guests sa kasal nang mapansin ni Luis na wala ni isa sa pamilya ni Rosa ang kasama sa imbitasyon.

“Wala ka bang iimbitahan sa family mo, love?” Tanong ng lalaki.

“Ah eh wala na kasi akong nanay…” Nauutal-utal na sagot naman ni Rosa.

“How about your Dad? Mga kapatid?” Muling tanong ng kasintahan.

“Okay na yan mga close friends ko na lang siguro. Wala na akong pamilya.” Malamig at seryosong tugon naman ng babae.

“I’m sorry.” Hindi naman na inusisa pa ni Luis ang buhay ni Rosa.

Advertisement

Dumating ang araw ng kasal. Puno ng bulaklak ang paligid. Napakagandang Garden wedding ang kanilang magiging kasal.

Lumakad si Rosa sa puting carpet, namangha naman ang mga tao at ilan pang mga kaibigan sa ganda ni Rosa.

Natapos ang nakakapagod na araw at oras na para sa kanilang honeymoon.

Binuhat ni Luis ang asawa papunta sa kanilang kwarto. Malaking kama na punong-puno ng talulot ng pulang rosas.

Hinalikan ng lalaki ang kanyang asawa at inilapit papunta sa kanya. Niyakap niya ito at ikinulong sa kanyang braso.

Nagulat naman si Luis ng bigla siyang itulak ni Rosa.

“W-What’s wrong?” Naguguluhang tanong nito.

“Ah..p-pagod na kasi ako eh. P-pwede bang next time na lang?” Pakiusap ni Rosa na para bang takot na takot ito.

Advertisement

“It’s our wedding day, Love.” Nagpapaawang tugon ng lalaki. “But I understand. Baka pagod ka din.”

Tumayo ang lalaki at pumasok sa banyo upang maligo na lamang. Paglabas niya ay nakita niyang nakahiga at asawa at natutulog na.

“Pagod na pagod ata talaga ang misis ko.” Napangiti lamang ito habang minamasdan ang napakagandang asawa. Hinalikan niya ito sa noo at natulog na din.

Ilang araw pa ang lumipas ngunit wala pa ring nangyayari sa kanila. Laging nagkakaroon ng dahilan si Rosa para tumanggi.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na makapagpigil si Luis. Paglabas ni Rosa galing sa shower ay nitong hinila ang asawa at inihiga sa kama.

“Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” Sigaw ni Rosa habang itinutulak ang asawa.

“Ano bang problema? Mag-asawa naman na tayo di ba?” Sigaw naman ni Luis habang hinahalikan sa leeg ang babae.

“Please… Wag… Please…” Umiyak na ngayon si Rosa at kitang-kita sa mukha niya ang takot.

Advertisement

Itinigil ng lalaki ang kanyang ginagawa at bahagyang nagulat sa naging reaksyon ng asawa.

“Ano’ng problema, Love? May dapat ba akong malaman?” Naguguluhang tanong ng lalaki.

“Meron…” Tipid na sagot ni Rosa sa kanyang asawa.

“Well, ano!? Para hindi ako nagmumukhang tanga dito.” Galit na tugon ni Luis.

“Pinagsamantalahan ako! Paulit-ulit na pang-aabuso! Ayoko nang maalala…” Iyak ng babae, “Ayoko na…” humihikbing pakiusap niya.

Nilapitan naman siya ng asawang lalaki at idinikit sa kanyang dibidb. Niyakap ni Luis nang mahigpit ang misis upang iparamdam na nandoon lamang siya para sa kabiyak.

Ipinagtapat ni Rosa ang katotohanan sa madilim niyang nakaraan. Umalis siya sa kanilang probinsya dahil sa pang-aabuso sa kanya ng kanyang pamilya. Simula ng mamatay ang kanyang ina, ay naging lasenggo ang kanyang ama. At ang kasuklam-suklam na pwedeng mangyari ay nangyari sa kanya.

Pinagsamantalahan siya ng sariling ama.

Advertisement

Naulit pa ito nang naulit at sa kasamaang palad, hindi na lamang ang ama niya ang gumagawa sa kanya nito. Ang mga pinsan niyang lalaki at tiyuhin ay nakisali na rin sa kawalanghiyaan.

Hindi niya matanggap na sarili niyang ama at kadugo ang lalapastangan sa kanyang pagkatao. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakas siya sa kanilang probinsya at nagtungo sa Maynila.

Ibinuhos niya ang atensyon niya sa trabaho at pinilit na ibaon sa limot ang mapait na karanasan. Hanggang sa dumating ang araw na nakapag-asawa siya.

“Tutulungan kita, okay? Wag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan katulad ng ginawa nila sayo.” Naawang tugon ng lalaki. “Walang kahit ano sa karanasan mo ang makapagpapabago ng pagmamahal ko sa’yo.” Sabay yakap at halik sa babae.

“Salamat, Love.” Habang pumapatak ang luha nito. Nakaramdam ng kaligtasan si Rosa sa braso ng kanyang mister.

Sinamahan siya nito sa isang Psychiatrist upang gumaling sa trauma na tinamo noon. Niresetahan siya ng ilang gamot at binigyan ng mga assignment na kailangan niyang gawin upang malagpasan ang takot na nadarama.

Sa kabutihang palad ay naging maganda ang epekto ng counseling at Psychiatric therapy kay Rosa. Sinuportahan siya ng kanyang asawa at naging pasensyoso ito sa kanya. Ipiniramdam nito kay Rosa kung ano ang tunay na pagmamahal.

Nauna siyang umuwi sa bahay upang maghanda ng sorpresa para sa mister. Siya ang nagluto at naghanda ng hapunan para sa kanilang mag-asawa.

Advertisement

Pagpasok ni Luis sa kwarto ay namangha siya sa ayos noon. May mga nakasinding kandila at mga rosas sa kama, at sa gitna nito ay ang asawa na nakasuot lamang ng night gown.

“Hi Love. Gutom ka na ba?” Pang-aakit ni Rosa.

Nag-init naman bigla ang katawan ni Luis at agad itong nilapitan. Hinalikan niya ang asawa ng isang matamis na halik.

“A-ano ‘to?” tanong ni Luis.

“Honeymoon…” tugon naman ni Rosa.

“Wait, ready ka na ba para—” bago pa man siya matapos ay hinalikan na siya ng babae.

Sa pagkakataong ito, ipinaubaya na ni Rosa ang kanyang katawan at pagkababae sa asawa.

Ang takot na kanyang nararamdaman noon ay napalitan ng kasiguraduhan. Ramdam na ramdam niya na ligtas siya sa bisig ng kanyang asawa.

Advertisement

Kanyang napagtagumpayan ang trauma na kanyang tinamo noon. Naging malaking parte ng pag galing niya ang suporta na nakuha mula sa asawa.

Araw ng pasko noon nang ibigay ni Rosa ang pinakamagandang regalo sa kay Luis, isang maliit na box na kulay asul.

“Magiging Daddy na ako?!” Excited na tanong ni Luis.

“Oo, Love.” Masayang tugon naman ng babae.

“Yes! Magiging Daddy na ako! Woohoo!” Nilapitan nito ang kanyang asawa at hinalikan.

Naging madilim man ang karanasan ni Rosa, lahat naman ay binigyang liwanag ng kanyang asawa. Pinatunayan nito na mayroong lalaki na handang tumanggap sa katauhan niya kahit ano pa ang kanyang nakaraan.

Nagawa naman na din pakawalan ni Rosa ang galit sa kanyang puso at napatawad ang mga taong nang-abuso sa kanya.