Inisip ng Babae na Pag-iinarte Lamang ang Paglilihi ng mga Buntis; Napahiya Siya nang Siya Mismo ang Makaranas ng Hirap

Pitong buwan na ang tiyan ni Kathleen at handang-handa na sila ng kanyang asawa sa paglabas ng bata, ito ang kanilang panganay. Swerte siya dahil hindi naman siya masyadong sensitibong magbuntis, konting hilo lang at pagsuka noong unang tatlong buwan ang naramdaman niya. Iniisip niya rin na umaarte lang ang mga babaeng ‘naglilihi’ dahil normal lang naman na magutom ang isang tao, ginagamit lang ang pagiging buntis para masunod ang gusto.

“Sure ako, noong magbuntis ang pinsan kong si Jane, puro arte lang lahat ng yun. Ano’ng craving craving? Normal lang naman yun, kahit nga hindi buntis may craving diba? Nagpapaawa lang para makuha ang gusto niya.” mataray na wika niya.

Tuwing sinasabi niya iyon ay tila nasasaktan ang kanyang ina, biyenan, at mga tiyahin dahil ang lahat ng mga ito ay nakaranas maglihi, at nakakasama ng loob na pag-isipan silang ‘nag iinarte’ lang.

“Anak, kakausapin mo ang baby, naririnig ka niya. Apo ko, excited na ang lola sa’yo,” sabi ng kanyang nanay minsang dinalaw nila ito ng kanyang mister. Hinimas-himas pa nito ang tiyan niya. Tila nakaramdam naman ang sanggol sa kanyang sinapupunan dahil sumipa ito, normal lang yan. Sabi pa rin ni Kathleen sa kanyang sarili.

“Naku di ako naniniwala sa ganyan ‘ma. Mga sinaunang beliefs yan eh, paano ako maririnig ng bata eh nasa loob siya ng tiyan ko? Siguro paglabas niya, doon ko kakausapin. Pag ngayon, edi mukha naman akong tanga nun?” tatawa-tawang sabi niya.

“Totoo iyon! Ikaw nga dati, kapag kinakausap ko, sumisipa ka.” pagbabahaging muli ng ginang.

“Natural na sisipa dahil iyon lang naman ang alam na gawin ng baby, Ma eh. Doon ako sa may scientific basis, moderno na ang panahon ngayon kaya tigilan ninyo na ang mga kalokohang yan,” sabi niya sa ina, gumamit siya ng mga salitang Ingles para magmukhang kapani-paniwala siya at manalo lamang sa argumento, kahit pa hindi niya naman sigurado kung totoo ang sinasabi niya.

Napailing na lang ang ginang, iniwasang magtampo sa anak. Inisip niya na lang na buntis ito kaya emosyonal at padalus-dalos sa mga sinasabi.

Advertisement

Lumipas ang dalawang buwan at nakaramdam ng pananakit ng puson si Kathleen, una muna ay ang kanyang likod, hanggang naging paikot na sa kanyang balakang. Pumipitik-pitik lang ang kirot hanggang naging madalas na at segundo na lang ang pagitan, mas tumindi rin ang paghilab.

“Hon.. Ricky! Manganganak na yata ako!” sigaw niya sa mister, buti na lang ay araw ng Linggo ngayon at day off ng lalaki sa opisina, agad siya nitong itinakbo sa ospital, pero dismayado sila nang makarating doon at sabihin ng doctor na di pa siya maaaring ipasok sa delivery room para manganak.

“Ano?! Nakita ninyo ho bang napakasakit na?! Ano’ng.. ano’ng hindi pwede?!” sigaw niya sa mga ito, habang napapahawak sa sandalan ng upuan dahil sa sobrang sakit.

“Misis, dapat ho ay nakabuka na ang cervix ninyo, o iyong lagusan ng bata ng 10cm, pero 4cm palang po ang pagkakabuka kaya hindi siya kasya. Dapat ho ay bumuka iyan para makalabas siya.” sabi ng doctor.

“Kung ganon po doc, ano ang maari naming gawin?” natatarantang sabi ng kanyang mister.

“Maghihintay lang muna tayo, kung nais ninyo ng normal. Pero i-uultrasound natin ang sanggol para makita ang kalagayan niya sa loob, kung sakali mang magkaproblema ay kailangan nating i-cesarean si misis.” sagot nito.

Nanlambot naman si Kathleen, mayroon naman silang pera pero naka-budget na iyon para sa normal na panganganak. Kung mase-cesarean siya ay magagalaw pati ang nakalaan sana na panggastos nila dahil naka-leave siya sa trabaho ng dalawang buwan.

Lumipas ang dalawang oras, walang pagbabago. Maya’t maya ay minomonitor siya ng doctor, tagaktak ang kanyang pawis at lakad siya ng lakad upang ‘bumuka’ na ang lalabasan ng bata, himas siya ng himas sa kanyang tiyan. Noon niya naisip na subukan ang sinabi ng kanyang ina.

Advertisement

“A-anak, please labas kana.. hirap na hirap na si M-mommy.. Please baby ko.. lumabas ka na..” bulong niya sa sarili, habang hinihimas ang tiyan.

Kasunod noon, ang akala niyang walang kasing sakit na nararamdaman ay mas tumindi pa, muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at naroon ang kanyang asawa at sinalo si Kathleen. Agad siyang tinignan ng doctor at sinabing pwede na siyang umire. Makalipas lang ang 30 minutes ay maririnig na sa delivery room ang malakas na iyak ng isang sanggol.

Paggising ni Kathleen ay saktong papasok ang nurse sa kanyang kwarto upang i-abot sa kanya ang anak, kumpleto ang kanyang buong pamilya na lahat ay excited makita ang baby. Napaluha pa nga ang babae pagbuhat sa anak.

“Anak, I am proud of you isa ka nang nanay..” sabi ng nanay ni Kathleen.

Tumingin ang babae sa kanyang ina at ngumiti,

“Proud po ako sa ating lahat na mga nanay, kung nakinig lang ako sa mga payo nyo edi sana hindi na ako nahirapang mag-labor ng ilang oras, masyadong naging matigas ang ulo ko. Sorry po.”

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?