Nang Mauhaw Ang Tigang Na Lupa

“Berto… Ihatid mo na ang mga pinalabang kobre-kama ni Aling Jasmin…” narinig na utos ng nanay ni Berto. Nahinto sa pagbabasa ng kanyang aralin si Berto, 15 taong gulang. Narinig na naman niya ang pangalan ni Aling Jasmin. Hangga’t maaari, ayaw na niya sanang magpunta sa bahay nito. Subalit wala naman siyang lakas ng loob upang sabihin ito sa kanyang ina.

“Berto… Nakikinig ka ba?” untag ng kanyang ina. Bitbit na nito sa kanyang harapan ang dalawang pink na kobre-kama. Isang labandera ang kanyang ina, at siya ang tiga-hatid at tiga-kuha ng mga labadang pinalalaba sa kanila.

“O-opo… Sige po…” bantulot na sabi ni Berto. Kinuha niya mula sa ina ang mga kobre-kama at nagsimula na siyang lumakad.

Kakaiba kasi si Aling Jasmin. Napakagiliw nito sa kanya. Sa kabila ng edad nito, mapostura pa rin ito. Malagkit kung tumitig. Kapag nagpupunta siya sa bahay nito, lagi siyang binibigyan ng ginagawa nitong kakanin na biko. Mula ulo hanggang paa kung tingnan siya! Isang biyuda si Aling Jasmin. Wala itong kasama sa bahay dahil may sari-sarili nang pamilya ang mga anak nito. Iniisip niyang baka nangungulila lamang ito sa kanyang mga anak, subalit sa tuwing nakikita niya ang makahulugang titig nito sa kanya, pakiramdam niya’y hindi anak ang tingin nito sa kanya.

Nagsimula ang ganitong pakiramdam ni Berto kay Aling Jasmin noong una siyang maghatid dito ng mga labahan. Ang ipinagtataka ni Berto, hindi naman ganoon kayaman si Aling Jasmin upang magpalaba pa sa kanila. Sa tingin nga niya, marunong naman itong maglaba. Bigla na lang inamoy ni Aling Jasmin ang kaliwa niyang balikat. Nabigla si Berto, subalit hindi niya alam ang gagawin. Malaki pa rin ang paggalang niya sa mga nakatatanda. Sa tuwing nagpupunta si Berto upang maghatid ng mga labada, lagi na siyang inaamoy-amoy ni Aling Jasmin.

Nagbihis at gumayak na si Berto. Pagdating sa bahay ni Aling Jasmin, naabutan niyang nagdidilig ito ng kanyang mga halaman.

“Uy, Berto… Nariyan ka na pala. Pasensya na, nagdidilig ako. Uhaw na ang tigang na lupa… Kailangan nang mabasa…” nakangiting sabi ni Aling Jasmin sabay kindat. Napalunok si Berto. Nakasuot nang maiksing shorts si Aling Jasmin, litaw na litaw ang mapuputi ngunit kulubot na nitong mga binti. Pakiwari ni Berto ay nasa 50 taong gulang na ang ginang.

Inilapag ni Berto ang mga plastik na kinalalagyan ng mga kobre-kama sa isang upuan.

Advertisement

“Sige po… Mauna na po ako, Aling Jasmin…” nagmamadaling sabi ni Berto.

“Sandali… sandali lang… ikaw naman, nagmamadali ka ba? Hindi pa ako nakakapagbigay ng bayad,” nakangiting sabi ni Aling Jasmin. Oo nga pala, sa isip-isip ni Berto. Hinawakan siya nito sa kanyang kaliwang balikat. Pinisil-pisil.

Inaya siya ni Aling Jasmin na pumasok sa kanyang bahay. Bantulot namang pumasok si Berto. Gaya ng dati, pinaupo siya nito sa hapag-kainan at dinulutan ng biko at softdrinks. Pumwesto ito sa kanyang likod, at naramdaman ni Berto na idinikit nito ang kanyang dibdib.

“Masarap ba, Berto?” tanong ni Aling Jasmin sabay amoy sa kanyang kaliwang balikat.

“Hmmmm iyan ang gusto kong amoy… natural na amoy ng lalaki…” bulong ni Aling Jasmin kay Berto. Nakiliti ang tenga ni Berto dahil naramdaman niya ang buga ng mainit na hininga ni Aling Jasmin.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. May bahagi sa kanyang pagkatao na naiilang siya sa ginagawa ni Aling Jasmin, subalit siya ay isang lalaki. Teenager. Sa totoo lang, wala pa siyang karanasan sa mga bagay na madalas niyang marinig sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Maraming nagsasabing gwapo siya. Dahil sa madalas na pag-iigib ng tubig, unti-unting nagkakahugis ang kanyang mga braso. May katangkaran din siya. Kayumanggi ang kanyang balat. Malakas ang kanyang dating. Lalaking-lalaki. Maraming nagkakagusto sa kanyang mga kaklaseng babae.

Kinuha ni Aling Jasmin ang kanyang kanang kamay at hinatak siya papasok sa kwarto nito.

“A-ano pong gagawin natin, Aling Jasmin?” napapalunok na tanong ni Berto.

Advertisement

“Huwag ka nang maraming tanong. Ako’ng bahala sa iyo…” namumungay ang mga matang sabi ni Aling Jasmin. Hinaplos nito ang kanyang mga balikat. Hinipo nito ang kanyang matigas na dibdib, pababa sa kanyang tiyan…

“Ayoko po… ayoko po…” tumakbong palabas si Berto. Naramdaman niya ang kakaibang pag-iinit sa kanyang katawan, subalit tutol niya sa gustong mangyari ni Aling Jasmin. Para na niya itong ina. Sa pagmamadali, nadulas si Berto at natumba sa sahig. Tumama ang kanyang ulo sa sahig. At nagdilim ang lahat sa kanya.

Pagkamulat ng mga mata, nasa ospital si Berto. Tinanong siya ng kanyang ina kung ano ang nangyari. Hindi na nakapagpigil pa si Berto. Isinalaysay niya sa ina ang mga pagtatangka sa kanya ni Aling Jasmin. Nagalit ang kanyang ina, kaya nagsampa ito ng kaso laban kay Aling Jasmin. Matapos ang paglilitis sa korte, nahatulang mabilanggo si Aling Jasmin dahil sa kaso ng h*rassment at physical injury lalo’t menor de edad pa lamang si Berto. Naawa si Berto kay Aling Jasmin, kaya bago ito tuluyang mapiit sa correctional, kinausap muna niya ito. Humingi naman ito ng tawad sa kanya.

“Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko sa iyo, Berto. Pasensya ka na. Muntik ko nang masira ang buhay mo…” humahagulhol na paghingi ng tawad ni Aling Jasmin kay Berto.

Tuluyan ngang pinagbayaran ni Aling Jasmin ang kanyang kasalanan, habang si Berto naman ay nagpatuloy sa masikhay na pag-aaral at pilit kinalimutan ang bangungot ng kanyang nakaraan. Sumali siya sa mga organisasyon na nagsusulong ng karapatang magsalita ng kabataan kapag nakararanas ng pangmom*lestya mula sa mga nakatatanda.