Naglalagas na ang Dahon, Ikaw Rin Sana

Naglalakad papuntang eskwela si Lea kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Stephanie. Matagal na silang magkaibigan, simula noong bata pa lamang sila. Magkalapit lang ang bahay ng dalawa kaya madali silang nagkakilala. Si lea ay isa sa mga pinakamahusay na mag-aaral sa eskwelahan, at si Stephanie ang panlaban naman ng kanilang seksyon sa tuwing may beauty pageant.

“Lea! Kumpleto ka na sa requirements?” tanong ni Stephanie.

“Oo, nakumpleto ko na. Bayad na lang kulang para matawag na officially enrolled ako,” sagot ni Lea.

“Hindi pa pala kayo nakakabayad. Kung kailangan ninyo, pwede namang magbigay kami kahit kaunti.”

“Hindi na Steph, kakayanin naman namin. Nakakahiya na kasi,” sagot ni Lea.

“Okay lang ‘yun no, magkaibigan naman mga mama natin at naiintindihan namin sitwasyon niyo.”

“Nakakahiya pa rin, pero salamat na lang Steph.”

“Okay lang ‘yun no! Akong bahala sa’yo,” aniya at niyakap ang kaibigan.

Advertisement

Hindi gaanong marangya ang buhay ni Lea. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Minsan ay kumukuha na rin ng iba’t ibang trabaho si Lea para may pantustos ang mga kapatid niya. Samantlang namumuhay sa yaman si Stephanie at ang kanyang pamilya. Iisang anak lamang si Stephanie sa pamilya kaya wagas ang pag-aalaga sa kanya ng mga magulang niya.

“Oo nga pala, bili tayo ng pagkain, tapos daan tayo sa kabilang kanto. Doon tayo maglakad ulit,” wika ni Lea.

“Bibigyan mo ulit ng pagkain ‘yung si Lolo Tasyong?” tanong ni Stephanie kay Lea.

“Oo, nakakaawa naman kasi, lagi siyang nandun sa ilalim nung malaking puno.”

“Bakit ba nandoon si Lolo? Wala ba siyang bahay o pamilya?” tanong ni Stephanie.

“Iyon ang hindi natin alam. Sinusubukan ko namang kausapin siya ngunit ayaw niyang magsalita,” malungkot na sinabi ni Lea.

Pagkarating sa convenience store ay bumili sila ng tinapay, palaman at isang bote ng tubig at plano nilang ibigay iyon kay Lolo Tasyong. Kahit pa noong maliit pa lang ang dalawa ay naroon na ang matanda. Ngayong malaki na sila at may sobra silang baon, napagpasyahan nila Lea at Stephanie na paminsan-minsan ay bigyan ng makakain ang matanda.

Matapos bumili ay dumaan ang dalawa sa pwesto ni Lolo Tasyong. Binigay nila ang mga binili nilang pagkain, ngunit walang imik ang matanda. Hindi rin nila maka-usap ang matanda nang maayos kaya tumuloy na lamang muna sila sa eskwelahan. Miling lumingon si Lea kung ginalaw na ba ng matanda ang pagkain ngunit hindi nagbago ang pwesto ng matandang laging nakaupo sa may puno.

Advertisement

Pagpasok ay nagpakilala ang isa’t isa muli sa kani-kanilang mga guro sa klase. Kilala si Lea sa kanyang angking talino at Stephanie sa kanyang angking kagandahan. Natutuwa ang dalawa dahil karamihan ng kanilang mga kaklase ay ang madalas na rin nilang kasama sa silid noong mga nakaraang taon.

“Inay Lea!” biglang tinawag si Lea sa kanyang palayaw na bigay rin naman ng mga kaibigan niya.

“Inay Lea? huwag niyo ko tawagin ng ganyan!” sabi ni Lea.

“Bakit naman, bagay nga sa’yo kasi sobra mong maalagain.” biglang wika ni Stephanie.

“Tumahimik ka diyan Steph,” anito at tinawanan lang ni Stephanie ang sinabi ng kaibigan.

“Oh tahimik na, nandiyan na si Ma’am!” biglang may sumigaw sa loob ng klase.

Ganito lang ang mga simple ngunit masayahing araw ng magkaibigang Lea at Stephanie. Mag-aaral nang mabuti tapos manonood sila ng paborito nilang programa matapos umuwi ay aalagaan ng dalaga ang mga kapatid niya at sisimulan na ni Stephanie ang mga gawaing bahay.

Matapos ang ilang araw na pagpapakilala at pagsisimula ng klase ay nagyaya si Stephanie kay Lea na manood sila ng sine. Tinanong ng dalaga kung anong papanoorin nila. Sinabi naman ni Stephanie na gusto niyang manood ng horror. Pumayag si Lea at magpapaalam na silang dalawa sa kani-kanilang mga magulang.

Advertisement

Sabado ang naging oras ng sine na papanoorin nila. Bumili ng popcorn at inumin si Stephanie para sa kanilang dalawa. Parehas silang hindi takot sa mga pelikulang ganito, kaya natatawa sila habang nanonood dahil sa mga reaksyon ng mga iba pang naonood. Pagkatapos ng pelikula ay dumiretso sila sa isang kainan.

“Parang medyo nagsisisi akong pinanood natin ‘yun. Hindi maganda pagkagawa sa movie,” sabi ni lea.

“Ako okay naman, para ngang tulad doon sa sabi-sabi ni James na may nagmumultong babae sa puno,” tila natatakot na tugon ni Stephanie.

“Nagmumultong babae? Anong chismis ‘yun?” tanong ni Lea sa kaibigan.

“Sabi nila James na dito raw sa lugar natin may isang babae na nagmumulto sa mga puno at poste. Sabi niya na huwag daw tayong titingin sa itaas natin, kung hindi ay mukha nung babae makikita natin.”

“Anong kalokohan naman ‘yan? Wala ‘yan, sabi-sabi lang ‘yan ‘no!”

Nang matapos silang kumain ay umuwi na rin ang dalawa. Dahil sa sinabi ni Stephanie, natauhan si Lea na hindi tumingala. Tawang-tawa si Stephanie dahil napansin niyang takot si Lea na tumingala.

“Akala ko ba hindi ka naniniwala Lea?” wika nito habang natatawa ang dalaga.

Advertisement

“Hindi nga! Baka lang mapuwing ako kapag tumingala ako ‘no!” naiinis na sabi ni Lea.

“Lagot ka, sasabayan ka na nung babae sa puno. Wooo!” pananakot ng kaibigan.

“Wala ngang multo diyan, kutosan kita eh!”

“SShh, huwag niyo siyang guluhin,” may biglang nagsalita habang naglalakad ang dalawa.

Biglang nagulat ang magkaibigan na tila gusto na nilang tumakbo papalayo. Nang tumingin si Lea ay nakita niya ‘yung matandang lagi nilang binibigyan ng pagkain, naroon pa rin ito at nakaupo sa puno. Lumapit ang dalawa at tinanong nila kung si Lolo Tasyong nga ang nagsalita. Tumango naman ang matanda.

“Hala Lo…bakit ninyo naman po nasabi? tanong ni Stephanie kay Lolo Tasyong.

“Huwag niyo siyang guguluhin dahil asawa ko siya,” sagot ng matanda.

Tila naguguluhan ang dalawa sa sinabi ng matanda. Sinubukan pa nila itong kausapin at ito ang sinabi ng matanda:

Advertisement

“Bata pa lang kami ay binaril siya dito sa pwesto na ito. Hindi ko alam kung sino. Hindi niya ninakaw gamit ni Florence. Hindi ko alam kung anong pakay niya. Hindi agad nadala sa ospital asawa ko, kaya dito na siya namatay. Hindi ko matanggap ang pangyayari. Bakit ba kasi ako bumili pa noon ng pagkain habang pinaghintay ko siya dito,” kuwento n Lolo Tasyong.

“Kaya po ba hindi kayo makaalis dito Lolo?” tanong ni Lea sa matanda.

“Hindi ako umaalis, lagi akong napapadpad dito. Hindi na ako nagtrabaho. Hindi na ako nakabalik sa pamilya ko. Wala na ako. Hindi ako makaalis. Kaya, huwag niyo gagawing chismis asawa ko…siya na lang meron ako,” wika pa ng matanda.

“Lolo, hindi po ba mas maganda kung ituloy niyo na lang buhay niyo po at tanggapin na wala na siya?” tanong ni lea sa matanda.

Walang imik ang matanda sa dalaga. Yumuko na lang ito at tila umiiyak.

“Lolo, mas mabuti nang tanggapin niyo na po iyon. Sigurado ako mas gugustuhin niya na maging masaya po ulit kayo,” sabad naman ni Stephanie.

Ngunit hindi inangat ng matanda ang kanyang ulo at hindi na pinansin muli ang dalawa. Wala nang nagawa sina Lea at Stephanie kung hindi magpaalam kay Lolo Tasyong at umuwi na. Gabi na sila nakauwi kaya panay ang alala ng mga magulang ni Stephanie. Parehas mabigat ang kalooban ng dalawa noong umuwi kaya mabilis na lang silang humiga at nagpahinga.

Kinabukasan, naghanda na si Lea marahil pupunta siya sa mga pinsan niya. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at mga kapatid bago umalis. Dala-dala ang earphones niya upang makinig ng musika. Habang nasa daan, binusinahan siya ng isang ambulansya at nagulat siya. Buti na lang hindi siya nabangga sa isip-isip niya.

Advertisement

Habang naglalakad ay napadaan siya ulit upang kumustahin si Lolo Tasyong, ngunit iba ang tumambad sa kanya. Naka-stretcher ang matanda na tila walang malay. Dinala si Lolo Tasyong sa loob ng ambulasya at agad umalis ang mga ito. Pansin din ang maraming tao sa paligid. Biglang nalungkot si Lea dahil kagabi lang nila nakausap ang matanda.

Simula noong nangyari ang insidente ay hindi na nila nakita si Lolo Tasyong sa pwesto nito. Masaya na rin si Lea para sa matanda dahil hindi na ito mahihirapan at makakapagpahinga na ito sa wakas mula sa bangungot ng nakaraan nito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!