Naholdap na nga ang Lalaki ay Nagawa pa Nitong Imbitahin para Kumain ang Binatilyong Holdaper; Isang Buhay Pala ang Mababago Magmula nang Tagpong Iyon

Halos araw-araw ay sumasakay ng MRT ang empleyado na si Christopher. Isang gabi ay pauwi na siya galing sa trabaho nang mapagdesisyunan na dumaan sa paborito niyang restorant para kumain ng hapunan.

Habang naglalakad siya upang umakyat sa hagdanan ng istasyon ng MRT ay isang binatilyo na may bitbit na patalim ang lumapit sa kanya.

“Wag ka nang papalag, ibigay mo sa akin ang pitaka mo!” bulong ng binatolyong holdaper.

Hindi naman na kumibo ni Christopher habang dinudukot ng binatilyo ang pitaka niya. Nang makuha na ang pakay ay nagmamadaling umalis ang batang holdaper, subalit bago pa ito makalayo ay kinausap pa siya ni Christopher.

“Boy! Boy! Sandali lang!” pagtawag niya sa binatilyo, “eto na pa yung dyaket ko, kunin mo na rin! Gabi na at mukhang bubuhos na rin ang ulan. Malamig na rin at kung aabutin ka pa ng ulan sa kalsada ay baka magkasakit ka pa,” dagdag pa niya.

Labis na nagtaka ang batang holdaper sa asal ng kanyang biktima, “niloloko mo ba ako? Bakit mo ginagawa ito?” tanong pa nito.

“Naisip ko lang na baka malaki talaga ang pangangailangan mo kaya nagagawa mong kumapit sa patalim kapalit ng kaunting halaga. Kaya hahayaan ko nang mapasayo itong pitaka ko at itong dyaket ko,” sagot ni Christopher.

“Ano bang pinagsasasabi mo?” muling tanong ng binatilyo.

Advertisement

“Ang totoo niyan ay pupunta dapat ako sa paborito kong restorant para kumain ng hapunan. Kung hindi ka pa kumakain ay pwede mo akong saluhan,” alok naman ng lalaki.

“Paano kung inuuto mo lang ako at biglang isuplong sa mga pulis? Paano kita mapagkakatiwalaan?” naguguluhang tanong ng binatilyo.

“May mga paa ka naman para makatakbo, hindi ba? Isa pa, kakarimpot na halaga lamang din naman iyang nasa wallet ko. Halika ang sumama ka na lang sa akin. Mukhang hindi ka pa kumakain eh,” tugon at pag-anyaya ni Christopher.

Nagliwanag namang bigla ang mukha ng batang holdaper at saka ito bahagyang napangiti. Sabay silang naglakad ni Christopher at nagtungo sa kakainang restorant. Sa pagpasok nila ng restorant ay sinalubong kaagad si Christopher ng isang pagbati ng manager.

“Sir Christopher, maganda gabi po! Bakante po ang lamesang ito kaya dito na lamang kayo umupo,” sabi ng manager sa lalaki.

“Salamat po Mr. Marquez,” nakangiting pagpapasalamat naman niya.

Maya-maya ay dumating na ang waiter, “Sir Christopher, mabuti at nakabisita po kayong muli dito. Maaari ko na po bang kunin ko na ang order ninyo?” tanong ng waiter.

“O Joseph! Nice to see you again!” bati ng lalaki sa waiter, “yung order ko ay yung gaya pa rin ng dati, yung specialty ninyo dito. Pakikuha na rin yung order ng kaibigan ko,” sagot naman ni Christopher.

Advertisement

“Ah sir, kayo po? Ano pong order ninyo?” tanong ng waiter sa binatilyo.

“Yung katulad na lang din po ng sa kanya,” sagot naman ng binatilyo.

“Right away sir,” nakangiting sabi ng waiter.

Habang kumakain ay hindi pa rin maiwasan ng binatilyo na magtaka, “manong, kayo po ba ang may ari ng restorant na ito? Kilala kasi kayo ng halos lahat ng empleyado dito eh?” tanong ng binatilyo.

“Nako hindi, boy. Hindi ko ito pag-aari. Madalas lamang ako dito kumain,” sagot ng lalaki.

“Eh bakit kahit yung taga hugas ng pinggan ay kilala kayo at napakabait ninyo sa kanya?” muling tanong ng binatilyo.

“Alam mo kasi, nung bata pa ako ay tinuruan ako ng mga magulang ko na maging mabait ako sa lahat ng tao na nakakasalamuha ko. Lalong-lalo na sa mga taong nagsisilbi sa’yo, dahil kung mabait ka sa ibang tao ay tiyak na kabutihan din ang isusukli nila sa’yo” paliwanag ni Christopher.

Nang tumahimik ang batang holdaper ay isang tanong naman ang binitawan ng lalaki, boy, ito ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay? Ang ilagay ang sarili sa mo panganib para lamang sa maliit na halaga? Meron ka bang pangarap sa buhay?” tanong ng lalaki.

Advertisement

Hindi naman makaimik ang binatilyo. Mahahalata sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan. Ilang saglit pa ay dumating na ang bayarin sa restorant.

“Boy, ito na yung bill. At dahil nasa’yo ang pitaka ko, ikaw din ang magbayad ng lahat ng kinain natin, pero kung ibabalik mo sa akin ang pitaka ko eh di ako na ang manlilibre sa’yo,” nakangiting sabi ng lalaki.

Hindi naman na nagdalawang isip pa ang binatilyo na isauli ang pitaka ni Christopher. Matapos bayaran ang bayarin ay kumuha pa ng isang libo sa pitaka ang lalaki at ibinigay sa batang holdaper, kapalit nito ay hiniling niya sa binatilyo na ibigay sa kanya ang patalim nito bilang hudyat ng kanyang pagbabago.

Bago tuluyang maghiwalay ay isang paalala mula ang iniwan ni Christopher sa binatilyo, “boy! Masyado nang masama ang mundong ito, huwag ka nang sumabay pa sa agos nito. Bata ka pa ang marami pang magandang mangyayari sa iyo.

“Kung mayroon kang pangarap ay simulan mo nang abutin ito, pero sa malinis na paraan. Sana sa paghihiwalay nating ito ay ipangako mo sa iyong sarili na gagawa ka na ng kabutihan at sisimulang magbagong buhay.

“Dalangin ko ang tagumpay mo sa hinaharap. Sana sa susunod nating pagkikita ay matagumpay ka na at ako naman ang ililibre mo sa restorant na ito,” pagpapaalam ni Christopher.

Nangingilid naman ang mga luha ng binatilyo na nagbabadyang bumagsak na galing sa kanyang mga mata. Tumango lamang ito ang muling nagpasalamat sa lalaki para sa pagkain at aral na ibinahagi nito sa kanya.

Matapos isuko ang patalim ay umuwi ang batang holdaper na bitbit ang kabutihang ipinamalas sa kanya ng bago niyang kaibigan. Pansamantalang lumisan naman si Christopher sa bansa upang sa Canda magtrabaho at manirahan.

Advertisement

Makalipas ang anim na taon ay muli siyang nagbalik ng bansa. Una niyang pinuntahan ang paboritong restorant na kanyang kinakainan noon. Labis ang pananabik niya na muling matikman ang paboritong espesiyalidad nila dito.

Napangiti lamang siya ng maalala ang araw na kasama niyang maghapunan dito ang binatilyong holdaper. Naisip niya kung kumusta na kaya ito at ano ang kalagayan nito ngayon?

Hindi niya malaman kung nag-iba lang ba ang kanyang panlasa o mas sumarap ang mga pagkain na kanyang kinakain ngayon. Matapos ang masarap na hapunan ay sumenyas na siya na dalhin na ang bill sa kanya. Laking gulat ni Christopher na makitang wala siyang babayaran na kahit ano.

“B-bakit wala akong babayaran?” naguguluhang tanong ng lalaki.

“Ah saglit lang po sir,” umalis ito at saka pumasok sa pintuan ng kusina.

Maya-maya ay lumabas ang isang matangkad na lalaki na may malalaking ngiti sa kanyang mga labi. Bagama’t tumanda ng ilang taon ay pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking ito.

“Paano ba yan manong? Nailibre na kita,” natatawang biro ng Head Chef ng restorant.

Hindi naman makapaniwala si Christopher sa nakikita, “boy? Ikaw na ba yan?” nakangiting tanong niya.

Advertisement

“Ako na nga po manong. Long time, no see ah? Tagal ko kayong hinintay para ipaalam sa inyo sa chef na ako sa paborito ninyong restorant, buti at nakilala ko kaagad kayo pagpasok ninyo kanina,” nangingilid na luha naman ng lalaki.

“Sobrang proud ako sa’yo boy. Big time ka na ngayon ha? Ako na ang nilibre mo,” sagot naman ni Christopher.

“Tony po pala ang pangalan ko, manong. Simula noong gabi na inilibre ninyo ako ay sinimulan ko nang baguhin ang buhay ko. Iginapang ko ang sarili ko upang matupad ang pangarap ko na maging isang chef.

“Ang paalala niyo ang nagsilbing motibasyon ko para ipagpatuloy at ilaban ang pangarap ko. Kayo ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, manong! Tagal ko rin kayong inantay na muling makita manong.”

Humakbang si Tony at lumapit sa kay Christopher at saka ito yumakap ng mahigpit sa lalaki habang pumapatak ang mga luhang kanina pang pinipiit.

“Maraming salamat, manong! Ang kabutihan ninyo ang nagpaalala sa akin na hindi lang sa masama iikot ang buhay ko. Ang kabutihang pinamalas ninyo ang siyang nagbigay lakas sa akin upang lumaban ako sa buhay,” bulong ni Tony sa lalaki.

“Masaya ako sa narating mo, Tony. Ipagpatuloy mo lamang iyan at huwag na huwag mong kakalimutan na gumawa rin ng kabutihan sa iba. Maraming buhay rin ang iyong mababago. Ang tagumpay mo ay para ko na ring tagumpay,” lumuluhang tugon naman ni Christopher.

Isang madamdaming tagpo noon ng muling mag krus ang landas ng dating binatilyong holdaper at nang lalaking nagbigay pag-asa sa kanya upang magbago. Minsan ay ang munting kabutihan na ating tinatanim sa kapwa ay nagbubunga ng higit pa sa ating inaasahan.

Advertisement

Sa maliliit na tulong at kabutihang ating ginagawa sa kapwa ay hindi natin namamalayang nagiging daan din nila ito upang mabago ang kanilang buhay. Ang buhay na ito ay parang isang digmaan, bawat isa ay may kinakaharap na pagsubok, kaya ugaliin natin ang pagiging matulungin at mabuti sa ating kapwa.