Tumakas ang Magkaibigan Upang Magbakasyon at Magliwaliw, Ngunit Isa sa Kanila ang Hindi na Nakabalik

Napagdesisyunan ng magkaibigang sina Mikaela at Jhonina na magbakasyon ng ilang araw sa Samar bago magsimulang muli ang eskwela. Nagpaalam sila sa kanilang mga magulang, ngunit pareho silang hindi pinayagan.

At dahil gustong-gusto nila na makalayas at makapag-gala, palihim silang bumili ng tiket ng eroplano, at tumakas upang matuloy lamang ang planong bakasyon. Hindi nila inaasahan na isang isang malaking hiwaga at kababalaghan pala ang nag-iintay sa kanila sa ginawang pagtakas.

Tuwang-tuwa sila nang makarating sa Samar. Iba’t-ibang tanawin ang kanilang nakita, iba’t ibang magagandang kuweba at talon naman ang kanilang binisita. Sa may parteng norte naman ay naligo sila sa tabing-dagat na may kulay puting buhangin.

Isang gabi noon ay nag-ayang lumabas si Jhonina upang mag -ala pa sana, pero tinanggahin siya ni Mikaela. Ngunit naging naging mapilit ni Jhonina, kaya’t pinagbigyan na lang ito ng kaibigan.

Habang naglalakad sa labas ay may nadaanan silang isang ilog. Tahimik ito at madilim, ngunit sa kanilang paglalakad ay nasilaw sila sa ilaw ng isang malaking barkong dumadaan sa ilog.

“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” tanong ni Jhonina.

“A-ano ‘to? Bakit may barko sa ilog?” di makapaniwalang tugon naman ng kaibigan.

Napakaraming ilaw ng barko at tila ba ay napakasaya sa loob nito. Matapos dumaan ay bigla na lamang itong nawala. Napatigil lamang ang dalawa at iniisip mabuti kung paano kumasya ang ganung kalaking sasakyang pandagat sa maliit na ilog.

Advertisement

Pinagpatuloy na lamang nila ang paglalakad-lakad, hanggang hindi na nila namalayan kung nasaang lugar na sila.

“Kanina pa tayo paikot-ikot dito, pero bakit hindi ko makita yung dinaanan natin kanina?” tanong ni Mikaela.

“Teka, kanina pa natin dinadaanan ‘to ah? Bakit parang pabalik-balik lamang tayo sa mga dinadaanan natin?”

Maya-maya pa’y biglang may babaeng lumabas mula sa kung saan.

“Naliligaw ba kayo?” tanong ng babae.

“S-sino ka?” sambit ni Jhonina.

Napakaganda ng babae, napakakinis nito at may makintab na buhok. Tila ba maikukumpara sa isang artista ang babaeng kaharap nila.

“Gusto ninyo bang sumabay sa akin sa pag-uwi?” muling tanong ng babae.

Advertisement

“Kanina pa nga po kami paikot-ikot, pero parang iisa’t-iisang daan lang din ang aming tinatahak,” sagot naman ni Mikaela.

“Sumama na lang kayo sa’kin. Nandito, mayroon naman akong sasakyan,” nakangiting alok ng babaeng kausap, “tara sumakay na kayo!”

“W-wala naman po ‘yang sasakyan na yan kanina ha? Saan ho nanggaling ‘yan?” gulat na tanong ni Jhonina.

“Baka hindi niyo lang napansin kanina, tara na at baka wala na kayong iba pang masakyan dito pauwi,” muling pag-aya nito sa magkaibigan.

Sumakay ang dalawang babae sa sasakyan. Noong una’y puro puno lamang at ilang madamong lugar ang kanilang dinaanan, ngunit isang napakaliwanag na lugar ang bumungad sa kanilang mata.

Maraming ilaw, ang mga puno ay tila ba gawa sa ginto at dyamante, maraming taong nagkakasiyahan, at para bang pasko sa sobrang sigla ng paligid.

Image courtesy of www.google.com

“Nasa Pilipinas pa naman ho tayo ‘di ba?” pag-usisa ni Mikaela.

“Huwag kayong mag-alala dahil lubos kayong liligaya sa lugar na ito. Igagala ko muna kayo saglit upang makita niyo kung gaano kasaya dito sa amin,” nakaka-engganyong tono ng pagsasalita ng babae.

Advertisement

Iniikot ang magkaibigan sa iba’t ibang lugar doon. Napakaraming kasiyahan. Kahit saan ay madaming masasarap na pagkain. Tila ba isang siyudad na paraiso ang kanilang napuntahan.

“Napakagandang lugar naman nito, nananaginip ba ako?” tanong ni Mikaela.

“Ang dami din gwapo dito, ayoko na atang umalis dito, ang sarap na lang tumira dito,” sigaw naman ni Jhonina.

Napangiti naman ang babaeng nagmamaneho ng sasakyang ng marinig ang mga sinabi ng magkaibigan.

Ilang saglit pa ay tumigil na sila sa harapan ng tila isang napakalaking bahay, palasyo na nga kung titignan, na gawa din sa kulay ginto.

“Pasok kayo,” pag-iimbita ng babae.

Naglakad naman ang dalawa at pumasok. Ibang pagkamangha ang makikita sa mukha ng magkaibigan. Ilang saglit pa ay nakarating sila sa may malaking kusina kung saan napakadaming pagkain ang nakahain.

“Kumain muna kayo, sigurado ay napagod kayo sa byahe. Kumuha lang kayo diyan ng kahit anong inyong maibigan,” alok ng babae.

Advertisement

“Wow! Ang daming pagkain, mukhang masasarap pa lahat!” sigaw ni Jhonina.

“Siya nga pala,” sambit ng babae, “ang pangalan ko ay Carolina, at ako ang Reyna ng siyudad na ito,” pagpapakilala ng babaeng kaninag nagsakakay sa magkaibigan.

“Reyna po?” tanong naman ni Mikaela.

“Oo. Nandito kayo ngayon sa Biringan, lugar kung saan piling tao lamang ang nakakapunta at nakakapasok,” nakangiting saad ni Carolina, “sige at kumain lang kayo diyan!”

Naglagay kaagad ng napakadaming pagkain ni Jhonina sa kanyang plato at saka umupak ng kain. Nakatingin lamang si Mikaela na tila ba ay pakiramdam niya na may mali.

“Kumain ka na huy!” pag-aaya ni Jhonina habang punong-puno ang bibig.

“Ayoko…” mahinang tugon ni Mikaela.

“Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Carolina kay Mikaela.

Advertisement

“H-hindi ho, mamaya na lang po siguro,” magalang na sagot naman ng babae.

“Sige, maya-maya ay pwede kayong makilahok sa kasiyahan, dahil dito sa Biringan, wala na kayong hahanapin pa, lahat ay nandito na,” masayang saad ni Carolina, “at saka, kung may maibigan man kayong lalaki, maaari niyo sila pakasalanan kung nanaisin ninyo,” dagdag pa nito.

Napaisip naman si Mikaela tungkol dito. Tunay ngang napakaganda ng lugar, ngunit may kakaiba, tila ba hindi nila kauri ang mga nakikita, parang napakaganda ng lugar upang maging totoo.

Maya-maya ay isinama ni Carolina ang dalawa sa labas upang lumahok sa kasiyahan. Hindi naman makapaniwala ang dalawa sa nakikita, lahat ng nandoon ay napakaganda ng hitsura, halos lahat ay perpekto na.

“Kumusta magagandang binibini? Ako nga pala si Felipe,” pagpapakila ng matipunong lalaki.

Tila biglang naging puso ang mga mata ni Jhonina sa nakikita.

“Ako si Jhonina, single pa ako, kaya pwede ako,” tumingin siya sa kaibigang si Mikaela, “wag eto, puro libro lang ang alam nito,” at saka tumawa.

Natawa naman ang lalaki, habang si Mikaela ay hinihila naman ang buhok ni Jhonina.

Advertisement

“Pwede ba kitang maimbitahang sumayaw?” pag-aaya ni Felipe kay Jhonina. Sumama naman ang dalaga at nakisayaw sa mga tao doon.

Palaisipan kay Mikaela ang mga nangyayari. Hindi niya matukoy kung ano ang mali, pinagmasdan niyang mabuti ang mga tao doon at napansin na hindi tulad nila ng kaibigan, ang mga tao doon ay walang piltum, ang tila ba uka sa ibabaw ng ating labi.

“Jhonina!” pagtawag ni Mikaela. Lumapit naman agad ang kaibigan dito.

“Bakit? Halika at makisaya sa amin!” pag-aaya naman sa kanya nito.

“Hindi sila tao, Jhonina, umalis na tayo dito, halika na!” hinihila niya ang kaibigan, ngunit bigla namang dumating si Carolina.

“Ayaw na ninyo bang makisaya?” seryosong tanong nito.

“Gusto na po namin umuwi, pwede ho ba?” sagot naman ni Mikaela.

“Ayaw ninyo ba sa Biringan, lahat ng yaman, pagkain, at iba pang pangangailangan ay naririto na, ano pa bang hahanapin niyo?” muling tanong ng babae.

Advertisement

“Oo, nga naman Mikaela, dito lahat libre, dito lahat walang limitasyon, ayoko nang umalis dito!” sabat naman ni Jhonina.

“Ano bang pinagsasasabi mo Jhonina? Tara na!” muling kinuha ni Mikaela ang kamay ng kaibigan, ngunit binitawan siya nito.

“Dito na ako, ayoko nang bumalik pa sa atin.”

“Jhonina, hindi tama ito…” naluluhang saad ni Mikaela.

“Ayaw na daw ng kaibigan mo, paano ba yan? Iiwanan mo ba siya, o pipiliin mong samahan na lang din siya dito?” tanong ni Carolina.

Inaya namang muli ni Felipe ang dalaga na sumayaw, at buong ngiting sumama na si Jhonina na tila ba nahipnotismo.

“Hindi kayo tao, hindi tayo magkauri, hindi ba?” seryosong tanong ni Mikaela kay Carolina.

“Matalinong babae,” at saka ngumiti si Carolina, “kami ay mga engkanto dito, mayroon kami ng wala kayong mga tao, naandito ang kayamanan, kapayapaan at kasiyahan.

Advertisement

Ano pa ba ang hahanapin mo, hindi ba? Sa mundo ninyo, puro sakit lamang at pighati. Walang katahimikan at lahay ay nasisira,” dagdag pa nito.

“Maaaring nasa inyo nga lahat ng wala sa mga tao, pero mayroon kaming isang bagay na kahit kailan ay hinding-hindi kayo magkakaroon,” tugon ni Mikaela.

“At ano na naman yun tao?”

“Pagmamahal, Carolina. Anong silbi ng lahat ng yaman at kasiyahan na ito kung wala naman sayo ang mga mahal mo sa buhay? Wala rin kwenta, wala rin saysay,” malamig na tugon ng dalaga.

“Hindi madaling makaalis dito sa Biringan, kaya kung ako sa iyo, manatili ka na lamang at mag-asawa ng mga magagandang lalaki dito,” alok ni Carolina.

Ngunit tinalikuran siya ni Mikaela at nilapitan si Jhonina. Pinilit niya itong sumama na pauwi, subalit hindi na mapigilan si Jhonina, ayaw na nitong umalis. Inalok na daw siya ng kasal ni Felipe at magsasama na sila at magpapakasaya. Tila ba wala na sa katinuan si Jhonina.

Lumapit muli si Mikaela kay Carolina at saka ito kinausap.

“Aalis na ako, ayoko na dito!” sigaw niya.

Advertisement

Ngumiti lamang si Carolina at saka kumumpas, “sinabihan na kita, ngunit matigas ang ulo mo. Paalam, Mikaela.”

Pagkumpas ng kamay ni Carolina ay biglang nahulog sa isang napadilim na lugar. Bumagsak siya sa lugar na mapuno at madam, pero may kung anong tunog ang kanyang narinig, maya-maya pa ay may biglang lumabas na singtangkad ng tao, ngunit may nakakatakot na hitsura.

Napasigaw si Mikaela at tumakbo, ngunit sa kanyang pagtakbo ay kung saan-saang madilim na lugar siya napunta, sa mababatong lugar, matalahib, at ang huli ay sa tubig.

Pagod na pagod na siya at tila ba hinang-hina na. Napaluhod na lang siya at saka bumagsak.

Natagpuan siya ng kanyang pamilya na nakadapat malapit sa ilog kung saan unang nakita ng magkaibigan ang malaking barko.

Nang magkamalay ay agad siyang sinabihan na mag tatatlong linggo na silang nawawala ni Jhonina kaya hinanap sila ng kanilang pamilya. Nang tanungin si Mikaela kung nasaan ang kaibigan, ang tanging sagot lamang niya ay nasa Biringan.

Walang nakakaalam sa kahit sino sa kanila tungkol sa Biringan, pwera lamang kay Mikaela. Hindi naman na nahanap pa si Jhonina, ngunit may natanggap daw na sulat ang pamilya nito na masaya na si Jhonina sa Biringan, lugar na hindi matukoy sa mapa ng Pilipinas.

Bumalik si Mikaela sa Samar upang hanapin ang kaibigan, ngunit isang matandang albularyo ang pumigil sa kanya.

Advertisement

Ayon sa matanda, ang Biringan nga ay siyudad ng mga engkanto, nagpapapasok sila ng mga tao, upang doon ay magparami ng lahi ang mga ito. Lahat ng yaman ay nandodoon, at ito ang kanilang ginagawang pang-akit.

Iilan lamang daw ang nakakalabas mula rito, dahil karamihan ay doon na nananatili. May ilang nagsabi na, pag wala nang silbi ang tao doon, ay naiiwanang nakakulong lamang sila na parang baboy.

Hanggang ngayon ay marami pa ring sabi-sabi tungkol sa lugar na ito, ngunit ang katotohanan ay tanging si Mikaela lamang ang nakakaalam. Wala naman na ding naging balita kay Jhonina mula noon.