Magreretiro na Sana ang Pedikab Drayber na Ito sa Pagpadyak, Ngunit may Isang Malaking Misyon pa Pala Siyang Kailangang Gampanan

Dugo at pawis ang puhunan ni Lolo Peping para maitaguyod ang kanyang pamilya. Hindi siya nakapagtapos ng pa-aaral kaya nagtityaga siya sa maliit na kinikita sa pagpadyak ng pedikab. Sa paglipas ng mga taon ay idinadaing na ni Lolo Pipeng ang matinding pananakit ng kanyang likod, dulot marahil ng kanyang trabaho.

Kaya nang siya’y magkaedad ay iminungkahi ng kanyang mga anak na manatili na lamang siya sa bahay at tumigil na sa pagpepedikab.

“Tay, matanda naman na ho kayo, mukhang mas okay nang manatili na lamang kayo dito sa bahay. Kumikita naman na po kami kaya magpahinga na lamang kayo,” mungkahi ng anak.

“Mukhang kailangan ko na ngang tumigil sa pagpadyak anak. Madalas na din kasi akong inaatake ng rayuma at pananakit ng likod eh,” tugon naman ng matanda.

Handang-handa n asana ang matanda sakanyang tigil pasada, subalit isang bagay ang biglang nagpabago sa kanyang desisyon na magretiro. Habang naglalakad sa kanyang kinalakhang lugar ay napansin niya ang maraming kabataan nagtatrabaho sa bukid.

Sila ang mga kabataang walang sapat na pera upang makapag-aral. Sila rin ang dahilan kung bakit muling nabuhayan ang magpapahinga n asana katawan ni Lolo Peping. Bitbit sa puso ang isang inspirasyon ay masigasig na inilabas ng matanda ang kanyang lumang pedikab para muling mamasada.

Sa edad na pitongpu’t dalawa ay sinimulan niya muling magtrabaho para kumite ng pera. Sa kanyang munting paraan ay nais ni Lolo Peping na makatulong na mainangat ang pamumuhay ng ibang kababayan sa kanilang lugar at ang edukasyon ang nakikita niyang susi para matupad ito.

Ipinagwalang bahala niya ang katandaan at pananakit ng katawan. Kumayod siya ng kumayod upang makaipon ng panghulog sa matrikula ng mga kabataang napili niyang pag-aralin. Pursigido siyang na maigapang ang pag-aaral ng mga kabataang ito kaya halos bente kuwatro oras na siya kung kumayod at mag-abang ng pasahero.

Advertisement

Labis na pagtitipid din ang ginagawa ni Lolo Peping upang hindi maantala ang pagbabayad niya ng matrikula ng mga bata. Hindi siya bumibili ng mga bagong damit, sa halip ay nagtityaga na lang sa mga lumang damit na ibinibigay sa kanya.

Hindi rin maluho sa pagkain ang matanda at pinagkakasya na lamang ang isang pirasong tinapay para sa maghapon. Halos magbuhay pulubi na siya para lamang matupad ang kanyang pangarap sa ibang tao. Kapalit ng kanyang mga sakripisyo ay ang mga matatamis na ngiti ng mga kabataang natutulungan niya.

“Tay, kailangan ho ba talaga ninyo itong gawin?” tanong ng kanyang anak.

“Ang dahilan kaya may maganda at maayos kang trabaho ngayon at dahil sa pagpadyak ko noon, ngayon ay nais kong ibahagi ito sa iba upang marami pang matulungan,” nakangiting sagot naman ng matanda.

“Halos sa kalsada na kayo tumira tay eh. Baka naman kung mapaano na kayo niyan! Magpahinga na lamang kayo tay,” pakiusap pa ng anak.

“Walang edad at mukha ang pagtulong anak. Hangga’t may lakas pa ako at hangga’t kaya pa, ay aking ibibigay lahat ng aking makakaya upang makatulong sa marami. Kung nais natin ng pagbabago, dapat nating simulant ito sa ating mga sarili,” paliwanag pa ni Lolo Peping.

“Iba ka talaga tay. Tunay kang inspirasyon!” maluha-luhang sabi naman ng kanyang anak.

“Sana ay kayanin ko pa upang marami pa akong estudyante na matulungan, upang marami din akong buhay na mabago pa,” sabi pa ng matanda.

Advertisement

Sa loob ng halos labing apat na taon ay sinusuportahan niya ang pag-aaral ng mga kabataan, subalit pagdating sa edad na walongpu’t anim ay hinatid na ng matanda ang huling hulog niya sa matrikula. Humarap siya sa mga estudyante at kinausap ang mga ito.

“Pasensya na kayo mga bata. Gustuhin ko mang ituloy pa ang pagtatrabaho ay hindi na talaga kaya ng katawan ko. Wala akong hinihingi na kahit anumang kapalit, ang gusto ko lamang ay pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral nang sa ganoon ay makahanap kayo ng disenteng pagkakakitaan at makatulong sa ating bayan,” malungkot na saad ni Lolo Peping.

Makalipas ang ilang buwan ay tuluyan nan gang namaalam si Lolo Peping. Ngunit bago ito tuluyang bawian ng buhay ay lagpas isang daan ang nagtungo sa kanya upang magpasalamat, dahil ang mga taong ito ang natulungan niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Habang naghahabol ng hininga ay pinilit pa rin ng matanda na makapagsalita, “lubos kong ikinalulugod na makita kayong lahat sa huling sandal. Walang pagsisisi sa aking buhay na nagawa ko kayong tulungan. Nawa’y kahit mawala na ako ay ipagpatuloy ninyo ang magandang halimbawa na iiwan ko.

Kayo ang pag-asa ng ating bayan, kaya’t magtulong-tulong kayo upang mas mapaunlad pa ito sa pamamagitan ng edukasyon. Hindi ako nakapagtapos kaya ito lamang ang tanging magagawa ko upang matulungan pa ang marami. Huwag ninyong ipagkait sa iba ang pagkakataon na mabago pa ang kanilang buhay,” wika pa ni Lolo Peping.

Napakadaming tao ang nagtungo sa kanya upang personal siyang pasalamatan. Bumuhos ang mga luha nang pasalamatan nila ang matanda sa huling sandali. Napakagandang pamana at aral ang iniwanan ni Lolo Peping bago niya tuluyang nilisan ang mundong ibabaw.

Sa tulong ng anak ng matanda at ang daang propesyonal na napag-aral niya, ay nakapagpatayo sila ng isang kawangga na tumutulong ngayon sa mga kapos-palad upang makatapos ng pag-aaral. Ginagawa nila ito bilang pagsusukli sa kabutihang ipinamalas sa kanila ng isang matanda na magreretiro n asana, subalit ibinuhos ang natitirang lakas para sa edukasyon at kapakanan ng ibang tao.

Darating ang araw na makakalimutan ng marami ang pangalan ni Lolo Peping, ngunit mananatili sa puso ng mga buhay na kanyang hinaploas ang alaala ng kabutihan ng ipinamalas nito noong siya ay nabubuhay pa. Isang napakabuting puso na handang mag-alay ng dugo’t pawis upang maiangat ang buhay ng kanyang kapwa.