Sinubukan ng Magulang ng Babae ang Tunay na Intensyon ng Nobyo sa Anak, Laking Gulat Nila sa Ginawa ng Lalaki

Linggo ng tanghali noon nang imbitahin ni Cheska ang kanyang nobyong si Jerald upang dumalaw at kumain sa kanila. Pagkakataon na din ito upang makilala ng kanyang mga magulang sa unang pagkakataon ang kasintahan.

Dumating si Jerald ilang minuto bago sila kumain ng tanghalian. Agad naman siyang pinapasok ng kasambahay at sinamahan patungo sa kusina kung saan nag-iintay ang buong pamilya sa kanya.

“Magandang tanghali po,” masiglang bati ng lalaki.

“Hi babe!” bati naman ng kasintahan. Lumapit ang lalaki sa kanya at saka siya binigyan ng isang halik sa noo. Napangiti naman ang ina ng babae nang makita ito.

“Maupo ka hijo, sabayan mo kami sa pagkain,” pag-anyaya naman ng ginang.

Naupo si Jerald sa tabi ni Cheska, na siyang katapat naman ng ama nito. Nakatitig lamang ang ama ng tahanan sa lalaki, habang minamasdan itong kumain.

“Alam mo hijo, nag-iisang anak lang namin itong si Cheska, kaya sobra ang pagpoprotekta na ginagawa namin sa kanya, kaya ‘wag na ‘wag mong lolokohin ang anak ko ha?” saad ng ama ni cheska.

“O-opo. Makakaasa po kayo,” tugon naman ng binata.

Advertisement

“Anong kurso pala ang kinukuha mo?” tanong naman ng ginang.

“Electronics Engineering po, malapit na din po akong makatapos, nag-aayos na lamang po ako ng thesis,” sagot muli ng binata habang sumusubo ng mainit na kanin.

Lumapit naman ang kasambahay sa kanila at saka ito nagpaalam ng pag-alis.

“Ah, sir at ma’am, aalis po sana ako mamaya pagkatapos ninyong kumain, bibisitahin ko po kasi yung anak ko, gawa ng may sakit daw po. Kung okay lang po sana eh mamayang gabi ay babalik din po ako,” pagpapaalam nito.

“Nako sige yaya, bisitahin mo muna ang anak mo. Kumain ka na muna bago umalis ha?” sagot ng ginang, “maya-maya ay aalis din kasi kami upang pumunta sa birthday party ng kumare ko,” dagdag pa nito.

Nagpatuloy naman sila sa pagkain. Nagkakasiyahan sila habang nagkukwento ang binata tungkol sa mga nakakatawang pangyayari sa kanila ni Cheska. Kilig na kilig naman ang ina ng babae habang nakikinig sa istorya kung paano nagkakilala ang anak at ang nobyo nito.

Naging mainit naman ang pagtanggap ng pamilya sa binata. Nakitaan naman nila ito ng kagandahang-asal at galing sa pakikisama. Laking tuwa naman ni Cheska dahil nagustuhan ng kanyang magulang ang nobyo.

Habang nanonood ng pelikula sa telebisyon ay nagpaalam naman ang ina at ama ni Cheska na aalis muna, dahil may okasyon daw silang pupuntahan.

Advertisement

“Cheska, aalis muna kami ng daddy mo, kasi may birthday party kaming kailangang puntahan pa,” wika ng ginang.

“Sigurado ba kayong okay lang kayong dalawa dito?” tanong naman ng ama.

“Opo daddy. Manonood lamang naman po kami maghapon,” nakangiting tugon ni Cheska.

“Oh hijo, iiwanan ko muna sa’yo ang anak namin ha? May tiwala kami sa’yo kaya huwag na huwag mong sasayangin iyon. Ipinagkakatiwala namin ang anak namin sa’yo,” pahayag ng ama habang nakatingin kay Jerald.

“Opo tito, makakaasa po kayo na iingatan ko po si Cheska,” paninigurado naman ng binata.

Maya-maya ay umalis na rin ang mag-asawa. Tanging si Cheska at ang kanyang nobyo na lamang ang naiwan sa loob ng bahay. Nagkaroon ng kaunting ilang ang dalawa na maiwan lamang na mag-isa.

Makalipas ang halos isang oras ng panonood ay umusog si Cheska papunta sa tabi ng kanyang nobyo,

“Medyo mainit, ‘no? Parang nakakaantok tuloy,” mahinang bulong niya habang hinuhubad ang suot na kardigan.

Advertisement

Napatingin naman ang lalaki at saka napalunok, “m-medyo nga.”

“Gusto mo ba dun sa kwarto ko? May aircon dun, saka pwede tayo mahiga ng tayong dalawang. Tara?” pag-aaya ng dalaga.

“O-okay lang Cheska, pero dito na lamang tayo, intayin na lamang natin makabalik ang mommy at daddy mo,” sagot ng lalaki.

“Sayang naman, gusto ko pa naman sana mag shower muna at saka mahiga,” tugon ng babae na tila ba nang-aakit.

Maya-maya pa ay gumagapang na ang mga daliri ng dalaga sa tuhod ng binata. Dahan-dahan nitong hinihimas ang mga hita ng lalaki habang pataas ng pataas. Tila ba napapahinga na lamang ng malalim ang lalaki sa ginagawa ng nobya.

Sobrang nag-iinit ang katawan ng lalaki dahil sa ginagawa ng kasintahan. Pataas na ng pataas ang kamay ni Cheska hanggang sa makarating sa zipper ng lalaki. Tumingin ang babae at saka nagsalita.

“Gusto mo ba sa kwarto ko na lang muna tayo?” tanong ng dalaga.

Akmang hihilahin na sana niya ang zipper pababa nang bigla mapatayo ang lalaki at siya’y pinigilan.

Advertisement

“S-sorry babe. Alam kong tayo lamang dalawa ang nandito, ngunit masyado pa tayong bata para diyan, at saka ayokong samantalahin ang pag-iisa natin, para lamang sa init ng katawan.

Pinagkatiwalaan ako ng mommy at daddy mo, at ayokong sirain ang tiwala nila. May tamang panahon para rito. Handa naman akong maghintay hanggang sa maikasal tayo, ngunit hindi maaaring gawin natin ito ngayon,” saad ni Jerald.

Bigla namang pumatak ang luha ng babae, “I’m sorry babe… I’m sorry.”

Umupo si Jerald at saka pinunasan ang mga luha ng nobya, “mahal na mahal kita, at malinis ang intensyon ko sayo babe. Nirerespeto kita at nirerespeto ko ang mga magulang mo,” saad pa nito.

“Sorry babe. Kasi napagkasunduan namin nila daddy na subukan ang tunay na intensyon mo sa akin, kaya pumayag ako na akitin ka para malaman kung kakagat ka. Kaya patawarin mo ako na niloko kita,” iyak pa ng dalaga.

“It’s okay babe. I love you so much! Naiintindihan kita,” sambit ng lalaki habang pinupunasan ang luha ng kasintahan.

Maya-maya pa ay may kamay na pumatong sa balikat ni Jerald. Nagulat siya nang makita ang magulang ni Cheska kasama ang kasambahay. Nakangiti sila sa binata, dahil nakita at narinig nila ang mga sinabi nito.

“I am so proud of you hijo. You passed the test!” wika ng ama ni Cheska habang naka-thumbs up.

Advertisement

Napangiti na lamang si Jerald at saka niyakap ng mga magulang ng nobya. Nanatili pa siya doon hanggang hapunan. Labis na kasiyahan ang nadarama ng magulang ng dalaga dahil alam nilang maipagkakatiwala nila ang anak sa butihing nobyo nito.

Mas lalo namang lumalim ang pag-iibigan ni Cheska at Jerald magmula ng araw na iyon. Tunay ngang napaka-suwerte ni Cheska na makatagpo ng isang mabuting lalaki tulad ni Jerald.

Sa mundong ating ginagalawan ay bihira na lamang ang mga lalaking marunong rumespeto sa kasintahan at lalong-lalo na sa mga magulang nito. Kaya’t napakaswerte ng ilang nakatagpo ng taong mamahalin sila ng buong-buo at malinis ang intensyon.

Sana ay magsilibing inspirasyon si Jerald, lalong-lalo na sa mga kabataan, na ang pagrespeto sa kasintahan at ang malinis na intensyon ay napakalaking puntos sa magulang ng minamahal, at pagpapakita lamang ito ng magandang asal na kinagisnan na natutunan mula sa pamilya kinalakhan.