Inakala ng Dalaga na ang Lalakeng Ito na ang Inilaan ng Diyos Para sa Kaniya; Hindi Niya Inakalang May Asawa na Pala Ito

Isang singer sa barko ang 24 anyos na dalagang si Rina. Sanay na siyang pinagkakaguluhan ng mga lalake. Gayunpaman ay wala sa isip niya ang makipagrelasyon sapagkat pinag-aaral pa niya ang bunsong kapatid na si Ryan at sinusuportahan niya ang mga magulang na may katandaan na.

May edad na nang nagkakilala at nagpakasal sina Tatay Roel at Nanay Gemma. Hindi man sila mayaman ay labis ang kaligayahan at pagmamahalan ng dalawa. Kaya naman pinangako ni Rina sa sarili na ang pipiliin niyang magiging nobyo ay kagaya ng kaniyang amang masipag sa paghahanapbuhay, mapagmahal sa mga anak at asawa, tapat at may mabuting kalooban.

Tila perpekto na ang takbo ng buhay ni Rina hanggang nakilala niya ang 36 anyos na si Daniel. Guwapo ito, matipuno, mayaman, at mabait. Kaya naman hindi naiwasang mahulog ang loob ng dalaga dito.

“Napanood ko ang performance ninyo kanina. Napakagaling mo. Ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko nang masilayan kita.” Gulat na gulat ang dalaga nang may lalakeng nagsalita sa kaniyang likuran.

“Ako nga pala si Daniel. Pasensiya ka na kung bigla-bigla na lang akong sumulpot. Mahina talaga ako sa mga ganitong pagkakataon. Baka kaya sa tanang buhay ko’y isa lang ang naging GF ko at hindi pa kami nagkatuluyan.” Inosenteng sambit ng lalake.

“Ah.. Eh.. I’m Rina.” Nahihiyang tugon ng dalaga.

Agad namang sinamantala ni Daniel ang pagkakataon at kinuha ang number nito at buong pangalan upang i-add sa Facebook. Isa siyang supplier ng mga alak sa naturang barko at naninirahan sa Korea. Ang barkong pinagtratrabahuhan naman ni Rina ay umiikot sa buong Asya.

Napadalas na ang pagsampa ni Daniel sa barkong iyon upang masilayan si Rina tuwinang napapadaan ito ng Korea. Hanggang sa hindi na ito nakuntento at kumuha na ng tiket upang sumama sa tour ng naturang luxury cruiseship para mas matagal pang masilayan at makasama ang inosenteng dalaga.

Advertisement

“Daniel, seryoso ka ba? Sumama ka pa talaga sa tour para lamang makasama ako?” Sambit ni Rina.

“Oo naman, dear. Kaya kong gawin ang lahat para sa iyo.” Nangungusap ang mga matang saad ni Daniel.

Alagang-alaga naman nito si Rina. Tuwing nagpeperform ito’y bantay sarado ang dalaga at sinasaway pa ni Daniel ang lahat ng nambabastos dito. Regular din ang pagdadala ng pagkain nito kay Rina.

Halos mapuno na rin ang kabina ni Rina ng mga mamahaling bags, make-up, sapatos at damit mula kay Daniel.

Tila paniwalang-paniwala si Rina na sinsero ang damdamin sa kaniya ng inakala niyang binatang si Daniel. Hulog na hulog na rin ang loob niya dito.

“Pare, iba ‘to! Birhen, inosente, mabait. Ayoko na sanang ituloy pero sobrang nahulog na ang loob ko sa kanya. Habang mas nakikilala ko siya’y lalong sumisiklab ang nararamdaman kong atraksyon. Ilang beses ko nang kinausap si Norma na hindi ko na siya mahal at kung maghihiwalay kami ay susuportahan ko naman ang dalawa naming anak pero ayaw talaga akong pakawalan! Ano’ng magagawa ko? Oo, tila perpekto na si Norma. Mayaman, maganda, sexy, maalaga at mabait pero kahit nga ang paborito kong ulam na kare-kare… Kung araw-araw ba naman na ihahain sa akin ay pagsasawaan ko din.” Kuwento ni Daniel sa bespren nitong si Jack na barista naman sa naturang barko.

“G*go ka, pare! Huwag naman si Rina… Mabait ‘yan at responsableng anak. Ipagtapat mo na ang totoo! Putulin mo na ‘yang namumuo ninyong pagtitinginan. Kaibigan kita pero hindi kita kukunsintihin. Mas gugustuhin ko pang magbayad ka na lang ng mga bayarang babae kaysa ganyan.” Saad ni Jack.

“Hindi ko kaya, pare. Basta… Tignan na lang natin.” Sagot ni Daniel.

Advertisement

At tila hindi na nga mapigilan ni Daniel ang paghanga kay Rina. Habang pinanonood niya ito sa entablado na nakasuot ng masikip na bestida’y bakat na bakat ang malulusog nitong dibdib at malalaking pisnge ng puwet. Angkop na angkop ang laki ng mga iyon sa liit ng kaniyang bewang. Tila hindi na makapaghintay si Daniel na makuha ang pagkababae ng dalaga.

“Rina, gusto mo, mamaya’y dumaan ka sa kuwarto ko. Para naman makapag-usap tayo ng matagal. Palagi na lang bitin ang mga date natin. Seryoso talaga ako sa ‘yo. Ayaw ko na ngang mawala ka sa paningin ko. Desidido na ako. Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habangbuhay.”

“Ah.. Oo.. Sige.. Kakatok na lang ako sa silid mo mamaya.” Nahihiya pang sagot ng dalaga.

At dumating na nga ang pinakahihintay na sandali ni Daniel. Halos isang oras itong naligo at uminom pa ito ng gamot na pampatagal sa kama.

Nang buksan ang pintuan ng kaniyang pinakamahal at pinakamagarang silid sa barko ay agad niyang naamoy ang matamis na halimuyak ng pabango ng dalaga. Doon pa lamang ay tila tumigas na ang kaniyang pagkalalake. At dahil sa suot niyang manipis na pajama ay agad naman iyong bumakat.

Ilang na ilang si Rina sa nakita.

“Ah… Maupo ka muna diyan sa kama ko…”

“Pagod ka siguro, hilutin ko muna ang likod mo.” Wika ni Daniel.

Advertisement

“Ah, sige. Thank you, ha. Ang totoo’y hirap na hirap ako minsan pagkagising ko. Masakit ang likod ko sa kakasayaw habang kumakanta.” Sambit ng inosenteng dalaga.

Habang minamasahe’y nagugulat si Rina sa likot ng kamay ni Daniel. Gumagapang na iyon sa kanyang puwet pataas sa kaniyang malulusog na dibdib.

Agad namang tumayo si Rina at sinampal ng pagkalakas-lakas si Daniel. Halos mabingi ang lalake sa lakas ng sampal ni Rina.

Hindi naman na makakapayag si Daniel na hindi makuha ang pagkababae ni Rina ng gabing iyon. Pinuwersa niya ito hanggang sa mapahiga ito sa kama.

“Huwag! Tulong!!! Diyos ko!!!” Paghuhumiyaw ng takot na takot na dalaga.

“Pakipot ka pa, eh! Akala mo siguro hindi ko nararamdaman na gusto mo din.” Nanlilisik na ang mga mata ni Daniel.

Maya-maya’y kumakatok ang kaibigan nitong si Jack. “Pare! Tarantado ka talaga! Rina, nandiyan ka pa ba sa loob?”

Agad namang lumabas ng silid si Rina at paglabas ay halos madapa ito sa pagmamadali. Mabuti na lamang at nasapo ito ni Jack.

Advertisement

“Ang tanga tanga ko! Mabuti na lamang at dumating ka!” Sa sobrang takot ay napayakap na lamang si Rina sa binata.

“Kahit kaibigan kita, g*go ka pare! Ipapakulong kita!” Galit na galit na sambit ni Jack.

Agad na ipinatawag ng binata ang security at pinadampot si Daniel. Matapos noon ay humingi ito ng tawad kay Rina sa hindi nito agad pagsasabi ng katotohanan ukol kay Daniel.

“Patawarin mo ako, Rina. Kung hindi dahil sa akin ay hindi na sana ito mangyayari pa. Kung sinabi ko lang sana sa iyo ng mas maaga.”

“Hindi mo ito kasalanan! Ako ang may kasalanan dahil agad akong nagtiwala at nagpadala sa mga matatamis na salita, mamahaling regalo, at pagiging maginoo kuno ng hayop na lalakeng ‘yan. Bukod pa do’n, hindi ako dapat basta na lamang pumayag na pumunta sa kaniyang silid ng gabing iyon.”

Agad namang ibinaba ng barko ang tatlo upang gawing pormal ang reklamo. Nakiusap si Rina na sa Pilipinas na magsampa ng kaso.

“Hayop ka talaga! Ilang beses na kitang pinatawad pero palala ka ng palala! Tandaan mo ito, hinding-hindi mo na masisilayan ni anino ng mga anak natin! Walanghiya ka!” Saad ng asawa ni Daniel na si Norma.

Takot na takot naman sa isang sulok si Rina ngunit inaalo na lamang ito ni Jack.

Advertisement

Napatunayan namang nagkasala si Daniel at napag-alamang napakarami na pala nitong iba’t-ibang babaeng nakarelasyon. Ang tuwinang pagpapakilala niya sa mga ito’y binata s’ya. Agad itong ikinulong at unang pasok pa lamang sa loob ng preso’y pinagsamantalahan agad ito ng kaniyang mga ka-kosa.

Hagulgol ito sa halong sakit ng kaniyang tumbong at pandidiri sa kababuyang ginagawa sa kaniya ng mga mababahong preso.

Sumapit ang ilang buwan at nakabalik na ulit sa trabaho si Rina. Nang makita niyang muli si Jack ay iba na ang nararamdaman niya para dito. Palibhasa’y nakilala na niya ang pamilya nito at nalaman niyang tunay ngang napakabuti nitong lalake. Nalaman din ni Rina na matagal na palang may gusto sa kaniya ang binata.

“Jack, hindi ko alam kung bakit sa tatlong buwan na nagpahinga ako’y ikaw lang ang laman ng isip ko.” Wika ni Rina.

“Rina… Matagal na kitang gusto… Matagal na kitang hinahangaan…” Saad ni Jack.

At doon nagsimula ang matamis nilang pag-iibigan.

Lumipas ang dalawang taon at sinagot na ni Rina ang binata. Nagpasya silang manatili na lamang ng Pilipinas bilang may sapat na rin naman silang ipon.

Nagbukas sila ng restawran at dahil pinag-planuhan nilang maigi ang negosyo’y pumatok ito. Ilang buwan lamang ang lumipas ay nagpakasal na sila. Nagkaroon sila ng tatlong anak at namuhay ng masaya at mapayapa.