Hindi Sumusunod sa Magulang at Naging Mapusok sa Makamundong Bagay ang Babae, Nang Nagdalang Tao Siya, Hindi Niya Malaman Kung Sino ang Ama

Isa si Arra sa mga kabataan na naging suwail at pasaway sa kanilang mga magulang.

Minsan na rin siyang nag-alsabalutan at pansamantalang umalis sa kanilang bahay ng dahil lamang napagsabihan siya ng ama tungkol sa paglabas-labas nito ng gabi at pag-uwi ng madaling-araw.

Minsan na rin siyang nasaktan ng ina dahil umuwi ito ng gabi na lasing na lasing.

“Arra, ano bang plano mo sa buhay mo?” Seryosong tanong ng ina.

“Bakit?” Nakataas na kilay na sagot niya.

“Hindi ka na ba talaga makikinig sa amin ng tatay mo?”

“Bakit ba kasi ang hilig niyong makialam sa buhay ko?” Pabalang na tanong niya.

“Mahal ka namin anak. Ayaw lang namin na mapariwara ka.” Mapagkumbabang tugon naman ng kanyang ina.

Advertisement

“Mahal? Kung pagalitan niyo nga ako eh halos oras-oras na. Yun ba ang mahal?” Pagtatas niya ng boses sa ina.

“Dahil ayaw namin na mapahamak ka, anak.” Malumanay na sagot naman ng kanyang ina.

“Wala kang kwentang ina! Alam mo ba yun?”

Namula sa galit ang kanyang ina at di sinasadyang nasampal nito ang anak.

“Di ba? Kita mo? Sinampal mo ako!?” Sigaw ni Arra habang nakahawak sa kaliwang pisngi.

“Anak, hindi ko naman sinasadya.” Pang-aamo ng kanyang ina.

Hahawakan sana niya ang anak, ngunit tinapik nito ang kanyang kamay at tumakbo papalayo.

Naglayas muli si Arra at sa panahong iyon nagsimula ang lahat-lahat ng kamalian sa buhay niya.

Advertisement

Labing anim na taon pa lamang si Arra noon. Mapusok, hindi nakikinig sa magulang at interesado sa mga makamundong bagay. Tulad ng ibang kabataan, ang tanging nais lamang niya ay ang kalayaan.

Siguro nga ay may iilan siyang rason para magkaganoon. Lumaki siya sa hirap, marami silang magkakapatid, at kulang siya sa atensyon.

Pag magtatrabaho ang kanyang ama at magtitinda sa palengke ang ina, madalas silang iniiwang magkakapatid sa pangangalaga ng kamag-anak o kapitbahay.

Umuuwi ang mga magulang niya na pagod at para bang wala man lang malasakit kung ayos lang sila. Kaya’t lumayas ulit siya para ipakita na malakas siya at kaya na niyang harapin ang buhay ng mag-isa.

Alam naman niyang para sa kanila ang pagtatrabaho ng mga magulang pero tila mayroon pa ring kulang. Pinilit niyang lumayo sa mga ito dahil ayaw na ayaw niyang pinapakialaman at napagsasabihan siya.

Umalis siya at nakitira sa kung kani-kaninong kaibigan. Natikman niya ang saya ng kalayaan. Inom dito, inom doon. Tagay dito, tagay doon. Tuwang-tuwa siya na walang nakikialam sa mga ginagawa niya.

Dumating ang araw na kanyang naisip na walang-wala na pala siya. Wala siyang pera, walang permanenteng tirahan at wala na rin trabahong pwedeng bumuhay sa kanya.

Mas matimbang ang pride ni Arra. Kaya’t imbes na umuwi, humanap siya ng pwede pagkakakitaan.

Advertisement

Lumapit siya sa mga kaibigan, pero ni isa sa kanila, walang sobrang perang pwedeng ipautang at trabahong kayang ibigay sa kaniya.

Dumaan ito sa parlor kung saan madalas siyang magpagupit. Sinubukan niyang mag-apply kahit taga-walis lamang ng buhok ngunit wala namang bakanteng trabaho na pwede sa kanya.

Palabas na sana siya nang mapansin siya ng baklang matalik na kaibigan ng may-ari ng parlor, kilala ito bilang si Mona.

“Psssst! Hoy merlat!” Tawag nito sa kanya.

“A-ako po?” Tanong niya habang itinuturo ang sarili.

“Oo, ikaw nga. Halika dito!” At lumapit nga si Arra.

“Naghahanap ka ng trabaho?”

“Opo. May maibibigay ba kayo?” Tanong niya sa kausap.

Advertisement

“Aba syempre. Ako pa ba mawalan ng side line? Ilan taon ka na ba?” Pag-uusisa ng bakla dito.

“16 na po ako. Pero kaya ko naman pong mag trabaho na.”

“Ayy fresh pa. Virgin ka pa?” Tila naman natigilan si Arra sa tanong sa kanya.

“A-ano po kasi…”

“Ay nako alam ko na. Ikaw ha, ang bata mo pa malandi ka na ha!” Biro nito sa kanya.

“Halika dun sa loob, sasabihin ko sa’yo ang magiging trabaho mo.”

Lumiwanag ang mukha ni Arra at agad na sumunod kay Mona.

“Ipapa-booking kita ha? Ihahanap kita ng kliyente. Madami akong kakilala na gusto ang fresh na gaya mo.”

Advertisement

“Booking ho?” Tanong niya sa kausap.

“Oo. Booking! Di mo alam? Yun yung may ide-date ka tapos papasok sa motel at mag jujugjugan, ganern!” Pagpapaliwanag nito sa kay Arra.

“Parang call girl po ganun?” Parang nandidiring tanong naman niya.

“Oo day. Call girl, p*kpok, prosti o kahit ano pang itawag mo, ganon.”

“Di ko po ata kaya iyon.” Pagtanggi ni Arra.

“2 kiyaw hanggang 5 kiyaw kada gabi, ayaw mo? Kapal lang ng mukha at tibay ng sikmura ang puhunan dito.”

Napaisip saglit si Arra, ngunit mataas pa rin ang kanyang pride. Kaya labag man sa kalooban, ay pinatos pa rin niya ang alok ni Mona.

“S-sige ho.” Napangisi ang bakla nang marinig ang sagot nito.

Advertisement

“O sige, bumalik ka dito mamayang 6pm. Maligo ka ha at magpabango. Ako na ang bahalang mag-ayos sa’yo.”

Tumango lamang si Arra doon dumeretso sa kaibigan para makiligo.

Saktong alas sais ng hapon ay bumalik siya sa parlor. Sinalubong siyang nakangiti ng baklang kausap kanina. Nilagyan siya nito ng make-up at inayos ang kanyang buhok.

Pinagsuot siya ng sexy na damit at pinabanguhan.

Maya-maya pa ay isinama siya nito sa tapat ng isang kainan. Doon kinatagpo nila ang unang customer ni Arra, si Mr. Francis.

Medyo may edad na si Mr. Francis, parang mga anim na taon o higit pa ang tanda nito sa ama ni Arra.

“Ah Mr. Francis, ito pala si Arra, kaibigan ko.” Pagpapakilala sa kanya sa lalaking kaharap.

“Ang gandang bata mo naman hija.” Nakangiting bati sa kanya ni Mr. Francis.

Advertisement

“Oh maiwan ko na muna kayo ha?”

Ibinaling ni Mona ang tingin kay Arra at tsaka bumulong dito. “Galingan mo ha? Malaki magbayad yan.”

Matapos umalis ni Mona, nagtungo naman sa malapit na motel si Mr. Francis at Arra.

Nakakaramdam si Arra ng kaunting pandidiri ngunit kailangan niyang maging matapang para sa perang kikitain. Natapos ang gabi at masaya namang umuwi si Mr. Francis, habang si Arra ay dala ang malaking pera sa kanyang bulsa.

Nasundan pa ng nasundan ang kanyang mga booking. Iba’t ibang lalaki, sa iba’t ibang araw, ngunit naging regular na customer naman niya si Mr. Francis.

Hindi naman na bago kay Arra ang kanyang mga ginagawa. Dahil madalas naman din nilang gawin iyon ng kanyang nobyo. Madalas pag magkasama sila ay may nangyayari din sa kanila.

Oo, may nobyo si Arra. Isa’t kalahating taon na sila, pero hindi alam ng kanyang nobyo ang kanyang pinaggagagawa. Alam niyang kasusuklaman at itatakwil siya nito pag nalaman ang karumihan niya.

Mahal na mahal ni Arra ang kanyang nobyo, pero kailangan niya ng pera. Kailangan niyang kumapit sa patalim para mabuhay.

Advertisement

Naranasan niya ang tamis ng kalayaan ngunit makalipas ang isa’t kalahating buwan, siningil siya ng pansamantalang kalayaan na kanyang tinikman.

Mag dadalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Ang masama pa dito, hindi niya alam kung sino ang ama ng batang kanyang dinadala.

Sumubok siya ng pregnancy test at lumabas na positibo ito.

“Dugo pa naman yan. Ipalaglag mo na. Gamot lang ang katapat niyan.” Payo sa kanya ni Mona.

“Pag-iisipan ko.” Seryosong tugon ni Arra.

Ayaw niyang ituloy ang pagbubuntis, pero ayaw din naman niyang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Nagtungo muna siya sa simbahan upang doon ay makaramdam ng kaunting katahimikan.

Lumuhod siya at nagdasal. Maya-maya lamang eh tumulo na ang kanyang mga luha.

“Kasalanan ko ‘to eh. Kasalanan ko…” Bulong niya sa sarili.

Advertisement

“Kung nakinig lang sana ako kay nanay, hindi sana ako aabot sa ganito.”

Nagdasal siya ng taimtim at humingi ng patnubay sa Diyos.

Una niyang nilapitan ang kanyang nobyo. Ipinaalam niya dito na nagdadalang tao siya, ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang narinig.

“Paano ka nabuntis? Ako ba talaga ang ama niyan?” Galit na tanong ng kanyang nobyo.

Hindi naman makaimik si Arra at napaiyak na lamang.

“Anong ipapakain ko sayo? Anong ipangpapagatas ko diyan sa batang yan pag lumabas? Ipalaglag mo na yan!” Galit na saad ng kanyang nobyo.

Hindi matanggap ni Arra ang kanyang mga naririnig, pero wala siyang karapatang magreklamo, kasalanan niya ito.

Huminga siya ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.

Advertisement

“Wag na. Hindi mo naman kailangang panagutan ito, pero hindi ko ipapalaglag ang anak ko.” Tumayo siya at naglakad palayo sa nobyo.

Nakatingin lamang si Arra sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung sino sa mga nagging kliyente niya ang tatawagan para sabihin ang kondisyon.

Wala na siyang ibang pwedeng puntahan. Wala na rin siyang ibang malapitan, dahil lahat ng kaibigan niya ay isa lang ang sinasabi, ‘umuwi siya sa kanila at ipaalam ang kondisyon sa kanyang magulang.’

Naalala niya ang sinabi ni Mona sa kanya, “Kapal ng mukha at tibay lang ng sikmura ang puhunan.”

Kung kinaya niya ito sa pagiging prosti, siguro naman ay kakayanin niya din ito pagbalik sa kanyang mga magulang.

Kinapalan niya ang kanyang mukha at umuwi sa kanila. Nakita niya ang kanyang ama at ina na nakatayo sa labas ng kanilang bahay.

Naghalong tuwa at gulat naman ang naging reaksyon ng kanyang mga magulang nang makita siya. Tumayo agad ang kanyang ina at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi mapigilan ni Arra na hindi maiyak. Muli niyang naramdaman ang init ng yakap ng isang ina. Nagpahinga siya ng konti at kinausap ng puso sa puso ang kanyang mga magulang.

Advertisement

Ipinagtapat niya na nagdadalang tao siya at hindi niya alam kung sino ang ama. Inaasahan na niya ang magiging galit na reaksyon, at masasakit na salita galing sa kanyang mga magulang, ngunit nagkamali siya.

“Anak…” Ayun lamang ang nasabi ng kanyang ama. Napahawak ito sa kanyang noo at napaiyak.

“Sorry po nanay. Sorry po tatay. Patawarin niyo po sana ako.” Umiiyak na ng sobra ngayon si Arra.

Lumapit sa kanya ang kanyang ina at muli siyang niyakap.

“Alam ko anak, mayroon naging pagkukulang sa inyo sila nanay at tatay, pero ginagawa namin ang lahat para mabigyan kayo ng magandang buhay.” Humihikbing saad ng kanyang ina.

“Sorry po talaga nay…” Yumakap siya ng mas mahigpit sa ina.

“Nagkamali ka man at nagkaroon ng maling desisyon, lagi mong tatandaan na mahal kita. Mahal namin kayo ng tatay mo. Mas malaki ang pagmamahal namin kaysa sa mga takot at pagkakasala mo.”

“Salamat nay, salamat po.” Ngayon ay humahagulgol na rin si Arra.

Advertisement

“Lagi mong tatandaan na mahal ka ni nanay. Ipagpapatuloy mo iyang pagbubuntis mo at itataguyod natin ang magiging anak mo. Tutulungan ka namin hangga’t kaya namin.” Hinalikan siya ng ina sa noo at pinunasan ang kanyang mga luha.

Lumapit sa si Arra sa kanyang ama, dahil alam niyang higit din itong nasaktan. Yumakap siya ng sobrang higpit, at niyakap din naman siya ng kanyang ama pabalik.

Itinuloy ni Arra ang kanyang pagbubuntis. Sobrang ligaya ang nararamdaman niya ngayon, dahil kahit na nilayasan niya ang kanyang mga magulang, buong puso pa rin siya nitong tinanggap.

Natutunan niyang magsimba tuwing lingo kasama ang buong pamilya. Itinuloy niya ang pag-aaral ilang buwan matapos manganak, at itinuwid niya ang kanyang buhay para sa kanyang anak.

Ngayong ina na rin siya, alam na niya ang pakiramdam kung paano maging isang magulang. Nakita at naramdaman na niya ang hirap magpalaki ng isang anak.

Naging isang malaking aral ito sa kanyang buhay, pero hinding-hindi niya pinagsisihan na pinili niyang ituloy ang kanyang pagdadalang tao, dahil ngayon ay may rason na siya para mabuhay at bumangon sa umaga nang may layunin.