Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Ang Pagkawala Ng Mga Kandado Sa Upahan ni Aling Sonya - Inday Trending

Ang Pagkawala Ng Mga Kandado Sa Upahan ni Aling Sonya

Gabi nang huling makita ni Aling Sonya ang malaking kandado na ginagamit nito sa gate ng kanyang upahan. At laking gulat niya nang paggising nila ay wala na ang kandadong ito. Agad tinanong si Yolly dahil ang asawa nito ang pinakamaagang umaalis sa paupahan.

Noon ay kakagising pa lamang ulit ni Yolly.

“Huli ko po ‘yon nahawakan noong inihatid ko po si Carding sa baba. Bago ito umalis ay binilhan ko pa ito ng pandesal para baunin, isinabit ko naman po ang kandado sa rehas ng gate,” sabi ni Yolly.

“Nagtaka nga po ako dahil pagkabalik ko ay wala na ang sinabit kong kandado. Akala ko ay nagtangay nito nang lumabas sa bahay dahil baka wala siyang susi,” dagdag na kwento nito kay Aling Sonya.

Sunod naman nitong tinanong si Mila dahi isa rin ito sa pinakamaagang nagigising sa loob ng paupahan.

“Baka naman po naiwan ni Yolly ang kandado nang hindi nakalagay ng maayos sa gate kaya baka ninakaw ito ng mga tambay,” dagdag ni Mila.

“Pagkagising ko po ay wala ang kandado sa gate,” sagot ni Mila.

At tuluyan na ngang hindi na nahanap ang nawawalang kandado nila Aling Sonya. Labis naman ang galit at panghihinayang ng asawa nitong si Mang Rolando. Bukod kasi sa malaki ito at matibay, ay matagal rin niyang nagamit ang kandado na ito.

Dahil na rin sila Yolly ang nakawalang sa naturang padlock ay sila ang inatasan na bumili at magpalit sa nawalang kandado. Mula rin naman ng mangyari iyon ay naging mainit na ang mga mata ni Mang Rolandosa mag-asawa dahil sa labis nilang kapabayaan. Hanggang sa paglipas ng ilang buwan ay naging madalas ang pag-aaway ng mag-asawang sina Yolly hanggang sa unti-unti silang napaalis ni Mang Rolando dahil naka-abala ang mga ito sa ibang umuupa.

Lumipas ang mga ilang linggo, at kahit na wala na ang naging pabayang mag-asawa na nakawala ng kandado, ay naulit na naman ang pangyayaring ito. Sa pangalawang pagkakataon ay nawala na naman ang kandado na ipinalit sa nila Yolly noon dahil sa nawalang nilang kandado. Hindi lubos maisip ni Mang Rolando ang labis na kapabayaan na taglay ng mga umuupa sa kanyang bahay.

Araw iyon ng Linggo nang nawala ang pangalawang kandado. Maraming tao sa bahay nila Aling Sonya dahil may kanya-kanyang bisita ang mga umuupa rito. Nang mawala ng pangalawang kandado, ay agad-agad na nagtanong si Aling Sonya sa mga nakatira sa kanilang bahay, ngunit tulad noong nakaraan ay wala na namang umamin sa kanilang lahat. Nagsawa na si Mang Rolando at Aling Sonya sa paulit-ulit na paghahanap sa nagwala ng pangalawang kandado. Kaya mas pinili na ng mag-asawa na sila na lang ang bunili ng panibagong kandado.

Mahigpit ang naging susunod na bilin ni Mang Rolando sa mga umuupa sa kanyang tirahan na ingatan maigi ang kandado sa gate. Hindi dahil sa magastos ang pagbili nito, kundi dahil napakaimportanteng hindi nawawala ang kandado dahil isa iyon sa nagsisilbing proteksyon nila sa panganib lalo na kapag mahimbing ang pagakakatulog ng lahat sa gabi.

Isang buwan din ang lumipas, at sa pagkakataong ito at nawala na naman ang kandado sa gate nila Aling Sonya, kasabay nito ang pag-aaway na nagaganap sa mag-asawang si Mila at Edgar.

“Aling Sonya, nawawala na naman ang kandado niyo. Si Edgar ang huling lumabas sa bahay at tangay-tangay niya ito papunta sa kanilang mga kainuman,” sigaw ni Mila sa loob ng bahay at rinig na rinig ito ng lahat ng umuupa.

Agad namang bumaba si Mang Rolando para sundan ang asawa ni Mila na si Edgar. Kahit gabi na ay pinuntaham niya ito, at eksakto naman sa bahay pala siya ng kanyang kumapare nag-iinom.

Hinahanap ni Mang Rolando ang kandado, ngunit ayon kay Edgar ay wala sa kanya ito. Agad naman sumang-ayon ang mga kainuman nito na wala sa kanya ang kandado.

Bumalik si Mang Rolando sa kanilang bahay, inis na inis ito dahil hindi na ito natutuwa sa kalokohang nangyayari sa kanyang mga kandado. Maya-maya ay sunod niyang dumating si Edgar sa kanilang bahay, at dali-dali itong pumasok sa loob. Nagkaroon ng kaunting bangayan ang mag-asawang Mila at Edgar at maya-maya ay lumabas ito ng may hawak na kandado. Ito ang kandadong binabanggit ni Mila na nawala ng kanyang asawa.

“Hindi naman talaga nawawala ang mga kandado, na kay Mila lahat ng kandado niyo,” galit na sinabi ito ni Edgar habang dirediretso itong umalis ng bahay.

“Hindi po totoo iyon Aling Sonya,” dipensa na sagot ni Mila.

“Eh paano mo nagawang itago ‘yang padlock na yan ha?” panunuring tanong ni Aling Sonya.

“Tinago ko po ito para pagbintangan ang asawa kong si Edgar para mapilitan siyang umuwi dito sa atin,” pagpapaliwanag ni Mila.

“Tigilan mo yan, Mila!” galit na sigaw ni Mang Rolando.

“Diba paulit-ulit ko ng pinaliwanag sa inyo na ‘wag niyo gagawing biro ang mga kandado na ‘yan. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo ngayon Mila, ayaw konng ganito ang kasama sa bahay. Ayusin niyong mag-asawa ang pag-aaway niyo, at bukas na bukas ay umalis na kayo dito at humanap na ng malilipatan,” galit na sabi ni Mang Rolando kah Mila.

Agad namang kinuha ni Aling Mila ang kandado na hawak ni Mila. Habang labis naman ang pagmamakaawa ni Mila na patawarin siya ng mag-asawang may-ari ng bahay.

Magdamag na gising si Mila kakaisip sa kasalanang nagawa, at sa huli ay napagdesisyunan nitong umamin sa mga nagawang kasalanan, at umaasa itong mapatawad siya ng may-ari ng bahay.

Kinaumagahan ay maagang kumatok si Mila sa pintuan nila Aling Sonya, bitbit nito sa kamyang kamay ang dalawa pang kandado na nawala noon.

Ibinalik ito ni Mila sa may-ari. Ikinwento nito ang dahilan kung bakit kinuha nito ang malaking kandado na unang nawala.

“Nalaman ko po kasing ginagawan po ako ng kwento ni Yolly. Kaya naisip ko po na kung sila ang masisisi sa pagkawala ng malaking kandado na ito ay magiging dahilan ito ng pagpapalayas na unti-unti rin nangyari,” pagku-kwento nito sa mag-asawang may-ari.

“Ang pangalawang kandado naman po ay ginamit ko pong panakot sa aking asawa nang magplano itong umalis ng Linggo ng gabi, kaya hapon pa lamang at itinago ko na ito para takutin si Edgar na huwag ng lumabas ng bahay dahil baka mapagbintagan ito,” dagdag na paliwanag ni Mila.

Nang marinig ni Mang Rolando ang kwento ni Mila ay mas lalong naging sigurado ito na paalisin na sila. Wala na rin kasing magiging halaga ang mga kandado, hanggat doon nakatira si Mila.

Wala nang nagawa si Mila dahil talagang huli na ang desisyon ni Mang Rolando at Aling Sonya na paalisin sila. Nagsilbing aral din naman ito kay Yolly, lalo na at naging usap-usapan ang panglolokong ginawa nito sa may-ari ng dating inuupahan.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.