Ma, Paminta Ako

Ilang beses na sinulyapan ni Benj ang sarili sa salamin, naku, medyo oily siya. Nakakairita naman, ganito pala kapag nagbi-binata na. Ay mali, nagda-dalaga pala! Kumuha siya ng pulbos sa kanyang bag, kasalukuyan niyang kinakapa iyon nang mapakunot ang kanyang noo sa nahawakan sa loob.

“Face powder? Saan naman galing ito?” takang tanong niya sa sarili, pagkaraan ng ilang minuto ay napangiti rin. Malamang ay galing iyon sa mga kaibigan niyang sina Alan at Kimpoy.

Tulad niya, beki rin ang dalawa. Ang pagkakaiba lang niya sa mga kaibigan ay lantad ang mga ito habang siya ay kloseta- ibig sabihin ay tago at walang nakakaalam. Kaya nga kadalasan ay nakakantsawan siya ng mga ito na umamin na, tingin niya ang paglalagay ng mga pang-kikay na gamit sa kanyang bag ay paraan nina Alan at Kimpoy upang udyukan siyang magladlad na rin.

“Loka talaga ang dalawang iyon,” iiling iling niyang sabi.

Isinara niya ang bag at lumabas na sa kanyang kwarto. Nakita niya ang ina na nagbabasa ng dyaryo sa salas habang umiinom ng kape.

“Pasok na po ako Ma,” mahinang wika niya.

Sinulyapan lang siya ng ginang tapos ay bumalik na sa binabasa nito ang paningin.

“Hindi ka na ba kakain?” tanong nito bago siya tuluyang makalabas ng pinto.

Advertisement

“H-Hindi na ho. Baka kasi ma-late ako sa first subject namin, may exam pa naman. Kakain nalang ho ako sa canteen.”

Tumango ang kanyang ina kaya naglakad na palabas si Benj. Ganoon lamang sila palagi, walang masyadong kibuan. Bata pa siya nang pumanaw ang kanyang ama sa sakit sa puso, buhat noon ay nanay niya na ang mag isang kumayod para mabuhay silang dalawa.

Nagawa naman iyon ng babae dahil stable na ngayon ang kanilang pamumuhay. Ang problema lang ay naisakripisyo nito ang samahan nilang dalawa, hanggang ngayon na 1st year college na si Benj ay malayo ang loob niya rito.

Aber, paano niya pa aaminin sa nanay niya na beki siya? Baka tadyakan siya ng ginang, o palayasin, o sabihan na isa siyang malaking kahihiyan. Ma-imagine palang ni Benj ang mga salitang maaari niyang marinig ay nanlalambot na ang tuhod niya.

“Bakit ang tagal mo bakla? Diyos ko ha, hulas na kami nitong kaibigan mo kakahintay sayo!” asar na wika ni Alan.

“Huy, wag ka ngang maingay! Mamaya may makarinig sayo eh! Pasensya na, tinanghali ako ng gising. Tara na, male-late tayo sa exam.” yaya niya at hinawakan na sa braso ang dalawa.

Pero hindi pa siya nakakahakbang ay pinigilan na siya ng mga ito.

“Ano?” maang na tanong niya.

Advertisement

“Sure ka ba na gusto mong pumasok?” nakangising tanong ni Kimpoy.

Napakunot naman ang noo ni Benj, “Ano ang ibig ninyong sabihin?”

“Ang ibig naming sabihin, mas masarap kung hindi nalang tayo papasok today. At..gimik nalang tayo! Mall ganyan, or much better..hanap ng boys,” kinikilig na wika ni Alan, kinindatan pa siya.

Nagulat si Benj, bagamat may parte ng pagkatao niya na nais pumayag.

“Kayong dalawa talaga, hindi ako pwedeng magganyan-ganyan. Kapag mababa ang grades ko magagalit ang-“

“Mama mo? Diyos ko naman bakla, tingnan mo nga. Ni hindi niya alam na beki ka! Walang pakialam sayo ang mama mo. Magagalit kamo siya kapag mababa ang grades mo, bakit, isipin mo nga..kapag ba mataas ang grades mo natutuwa ba siya? Diba hindi rin naman?” taas ang kilay na tanong ni Alan.

Hindi nakasagot ang lalaki, may punto ang kaibigan. Kahit na anong gawin niya ay wala namang pakialam ang ina at para lang siyang hangin kung ituring nito sa bahay nila. Bakit nga ba niya ikukulong ang sarili sa kagustuhan nito kung pwede naman siyang magpakasaya?

Nakangiti siyang bumuntong hininga, “Tara!”

Advertisement

Naghagikgikan pa silang tatlo na sumakay ng jeep papunta sa mall. Ready na ang dalawa dahil may baong civilian shirts ang mga ito, pag kasi naka-uniporme ay hindi pinapapasok lalo kung oras ng klase.

Ang paglibang iyon ni Benj sa klase ay naulit nang naulit. Minsan nga ay siya na ang nagyayaya sa mga kaibigan para lang magcutting classes.

“Sure ba kayo rito? Kinakabahan ako,” sabi ni Benj. Inaakay siya ngayon ng dalawa palapit sa isang binatang naghihintay sa fast food chain.

“Oo, sure yan. Gwapings tsaka mukhang daks sister!”

“H-Huy. Kilala ninyo ba ito?” tanong niya pa.

“Hindi. Nakilala lang namin online, pero hayaan mo na. Naka-chat naman namin at mukha namang mabait.” sabi ni Alan.

Ilang sandali pa ay nagkaharap na sila ng lalaki, “Hi! Ito yung friend namin na inirereto ko sayo. Siya si Benj. Baby pa yan ha, no bf since birth yan. Benj, ito si TJ, mas gwapo sa malapitan.” kinikilig na sabi ni Kimpoy.

Inilahad ng binata ang kamay at tinanggap naman iyon ni Benj, alam niyang namula ang kanyang mukha.

Advertisement

“Maiwan na muna namin kayo ha, ingatan mo ang sister namin TJ,” sabi ng dalawang kaibigan niya at umalis na.

Masayang kausap si TJ. Naisip nga ni Benj na tamang nakinig siya sa mga kaibigan dahil kung sinunod niya ang kanyang ina, hindi siguro siya ganito ka-saya ngayon.

“Ihahatid na kita pauwi ha? I wont take no for an answer,” sabi ni TJ sa kanya.

Nangingimi namang tumango na lamang si Benj. Habang nasa sasakyan sila ay wala silang imikan, panaka-nakang lumilingon sa kanya ang binata tapos ay ngingiti.

“So wala ka pang naging boyfriend?” tanong nito.

“W-Wala pa. Iliko mo dyan sa kanan, malapit na ang sakayan ng jeep papunta sa amin. Kahit doon mo nalang ako ihatid kasi alam mona.. hindi pa naman ako lantad.”

“Sige lang, may bibilhin lang ako rito. Okay lang ba?” tanong ni TJ sa kanya.

Nagulat ang lalaki nang masulyapan ang direksyong tinatahak ng kotse nito, isang motel!

Advertisement

“Wag kang mag-alala. Mahilig ka ba sa pancit? Or sisig? Masarap rito eh, bitin ako sa kinain natin. Kakain lang tayo don’t worry,” wika nito.

Ayaw niya namang mabastos ang binata kaya di siya umimik, pumasok sila sa loob at tahimik na naghintay. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang sunggaban nito pagsarang-pagsara ng pinto ng kwarto.

“Ano ang ginagawa mo? Sabi mo, kakain lang!” tabig niya.

“Ang arte mo! Akala mo naman, hindi ito ang gusto mo kaya ka nakipagkita!” marahas na sabi ni TJ. Mas malakas ito kaysa sa kanya kaya isang malakas na suntok lamang sa sikmura ni Benj ay tumumba na siya sa kama.

“Wag please!”

“Wag ka ngang mag inarte! Bakla ka lang, pasalamat ka nga at makakaranas ka sa akin!”

Umiiyak siya habang pinagsasamantalahan ng lalaki, lalo siyang napahagulgol nang ilabas nito ang isang babasaging bote at pinilit iyong ipasok sa kanya.

Sinikap ni Benj na abutin ang kanyang cellphone at wala siyang ibang maisip na i-dial roon kundi ang kanyang ina.

Advertisement

“M-Ma..Mama..tulungan mo ako..” nanghihina niyang sabi. Hindi niya na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari, nagdilim ang kanyang paningin at namamalayan niya na lamang na may nagdadala na sa kanya sa ospital.

Unti-unting iminulat ni Benj ang kanyang mga mata, nasilaw pa siya sa liwanag na nagmumula sa ilaw sa kisame ng ospital.

Sinubukan niyang tumayo pero masakit ang ibabang bahagi niya.

“Wag ka munang tumayo, may sugat ka raw sabi ng doktor.” sabi ng kanyang ina na kanina pa pala nakamasid, seryoso ang mukha nito.

“M-Ma..” tanging nasabi niya.

Unti-unting lumapit ang ginang, inihanda na ni Benj ang sarili sa katakut-takot na sermon at panunumbat. Pumikit pa nga siya dahil baka di niya kayaning tingnan ito ng diretso sa malapitan.

Pero ilang sandali na ang nakalipas ay wala pa rin siyang naririnig. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita.

Umiiyak ang mama niya!

Advertisement

“Anak, patawarin mo ang mama kung hindi kita na-gabayan masyado. Kung siguro ay naging malapit ka sa akin, di mo na kailangan ng ibang tao para maghanap ng pang unawa.” makahulugang sabi nito.

“Ma hindi ka galit?” wika niya.

Sa sinabi niyang iyon ay bigla siyang niyakap ng ginang, iyak lang ito nang iyak.

“Ma, alam mo na po siguro diba.. bakla ako.” halos pabulong lang na lumabas iyon sa kanyang bibig.

“Alam ko.”

“Ho?!”

“Benj, nanay mo ako. Alam ko naman eh, ang mali ko lang ay hindi ko masabi sayo na tanggap ko kung ano ka..dinaan ko na lamang sa mga pasimpleng pagbibigay ng pampaganda sa iyo. Pasensya na kung jologs ako, hindi magaling sa salita ang mama mo.”

Lalong napaiyak ang binata.

Advertisement

“Mahal kita Ma.”

“Mas mahal kita anak.”

Ang pagtibay ng pagkatao ng isang indibidwal ay nagsisimula sa tahanan. Kahit na ano pa ang pagsubok na pagdaanan ng isang tao, kung hinulma siya sa pag-ibig, respeto at pang unawa ay tiyak na malalagpasan niya ang mga iyon.

Laging tandaan, walang ibang dadamay sa atin- kundi ang ating pamilya.

Images courtesy of www.google.com