Ikinabigla ng Mag-asawa ang Kakaibang Hiling ng Kanilang Nag-iisang Anak Para sa Kaarawan Nito

Si Mishka ay ang kaisa-isang anak nina Douglas at Alena. Sa panganganak sa kanya ng kanyang ina ay muntik na itong mapahamak dahil sa komplikasyon nito sa pagbubuntis. Milagro na ngang pareho silang nakaligtas noong araw ng kapanganakan niya.

Dahil doon ay pinagbawalan na ng doktor ang mama niya na huwag na muling magbuntis kung ayaw daw nilang maulit ang nangyari dito. Kaya naman kahit dalagita na siya ngayon, sa edad na 14 anyos ay hindi niya pa rin maiwasang malungkot bilang nag-iisang anak.

Naiinggit kasi siya sa mga kaibigan niya na may kanya-kanyang kapatid na bukod sa nakakalaro nila ay madalas pa nilang nasasabihan ng problema.

Isang araw ng kaarawan niya ay tinanong siya ng kanyang ama kung anong regalo ang gusto niyang matanggap. Hindi siya nagdalawang-isip na sumagot sa kanyang ama.

“Gusto ko pong magkaroon ng kapatid, Papa.”

Nalungkot ang kanyang ama sa sinabi niya. Kaya naman agad niyang hinawakan ang kamay nito at muling nagsalita, “Pa, hindi naman po ibig sabihin nun na kailangang manganak ni Mama.”

Halatang naguluhan ito sa sinabi niya. Nginitan niya ito, “Gusto ko po sanang mag-apon kayo mula sa bahay-ampunan.”

Bahagya itong nagulat sa sinabi niya. Ngunit dahil gusto niya talagang ampunin ang dalawang batang nakilala niya sa bahay-ampunan, ay talagang kinulit niya ang mga magulang upang pumayag sa gusto niya.

Advertisement

Umabot rin ng isang buwan ang panunuyo niya sa mga magulang. Wala namang problema iyon sa kanyang ina dahil gusto rin nitong magkaanak pa. Ang papa niya nalang ang kailangan niyang kumbinsihin.

Hanggang sa wakas ay pumayag na rin ito. Sabay-sabay nilang inampon ang dalawang magkapatid na nagmula daw sa malupit na step-father. Dahil doon ay naging late learner ang mga ito o bahagyang nagkaproblema sa pag-iisip.

Hindi naging problema iyon sa pamilya ni Mishka. Sa katunayan ay ito pa nga ang mas naging dahilan upang mahalin nila na parang tunay na pamilya ang dalawang bata.

Mababait ang mga ito. At mula sa pagiging mailap nito sa tao, ay naging malapit ito sa kanila. Tuwang-tuwa siyang nagkaroon siya ng instant na mga kapatid. Hindi lang isa, kundi dalawa pa.

“Bakit mo naman naisipang mag-ampon ng mga batang may problema sa pag-iisip?” tanong minsan ng kanyang kaibigan na si Neth.

“Wala silang problema sa pag-iisip, Neth. Na-trauma lang sila sa dati nilang buhay. At handa kaming pagalingin ang sugat ng kanilang kahapon,” nakangiting tugon niya sa kaibigan.

Hanggang sa lumipas ang panahon at hindi nga nagkamali si Mishka. Sa pamamagitan ng pag-aalaga’t pagmamahal sa dalawang niyang kapatid, unti-unting nakalimutan ng mga ito ang pait at pagdurusa nila sa nakaraan.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.