Pala-utang ang Ginang at Di Marunong Magbayad; Natauhan Lamang Siya nang Kuyugin ng mga Pinagkakautangan

Si Mela ay isang maybahay na may asawang marino. Mayroon silang dalawang anak. Ang isa ay nasa ikalawang baitang na sa elementarya at ang bunso ay isang taong gulang pa lamang. Bagaman buwan-buwang nagpapadala ang asawang si Raul ay kinukulang pa rin siya sa panggastos.

“Raul, baka puwedeng dagdagan mo naman yung padala mo sa susunod na buwan? Kalahati kasi non ay napupunta lang dito sa mga pangangailangan ni baby,” tanong niya sa asawa.

“Ha? Eh di ba sobra-sobra pa nga ang pinapadala ko riyan? Paanong nagkukulang pa din?”

“Ayaw mo ba? Kung ayaw mo eh di wag mo!” sabay baba niya sa telepono.

Ilang araw niyang hindi kinausap ang asawa at nang mawalan ng pera ay napilitan siyang manghiram sa kakilalang bumbay.

“Magkano ang tubo niyan? Wag mong taasan ha? Babayaran ko din,” wika niya.

“Sige, 50 isang araw ‘pag di ka late bayad.”

“Sige, babayaran ko pag nagpadala ang asawa ko.”

Advertisement

Ngunit nang magpadala si Raul ay hindi niya naibigay ang kabuuan ng kaniyang utang. Kaya naman araw-araw nang tumaas ang interes nito.

“Eto muna kalahati, sa susunod na buwan ulit yung kalahati.”

“Sabi mo bayad mo ng buo? Ikaw talaga. Sige, sunod buwan ulit.”

Dalawang linggo pa lamang ang padala ng asawa ay tila naglahong bula na ang salaping ipinadala nito. Nariyan kasing kung ano-anong mga gamit ang binibili ni Mela kahit hindi naman ito importante.

“Ay ito speaker, kailangan ‘to ni baby pampatulog, ay ito pa bagong kumot, luma na yung gamit ko eh,” bulong niya sa sarili habang namimili.

Buhay reyna si Mela sa tuwing bagong dating ang pera ng asawa, kain sa labas, libre sa mga amiga at palagiang pamimili ng mga bagong damit para sa kaniyang anak. Dahilan upang maubos ito sa isang iglap.

“Mare, pautangin mo naman muna ako, pangako babayaran ko sa padala ni Raul.”

“Sige mare eto, di mo naman siguro ako tatakbuhan,” biro nito.

Advertisement

Sa mga unang buwan ng kaniyang pangungutang ay nababayaran niya naman ang mga ito ngunit hindi nga nagtagal ay hindi na nakontrol ni Mela ang kaniyang paglulustay ng pera. Kung sino-sino na ang nilapitan niya para mangutang. Marami sa kaniyang mga kaibigan ang nagtiwala at naniwala sa mga pangako niya.

“Hoy Mela! Yung utang mo tatlong buwan na! Nakailang padala na sa’yo si Raul ah, bakit ‘di mo pa rin ako binabayaran?” sigaw ng isa niyang kaibigan.

“Mare, kalma ka lang ‘wag kang mag-aalala sa susunod na linggo ay papadalhan na ko ni Raul ulit at ibabayad ko ‘yon sa’yo.”

“Siguraduhin mo lang kundi ipapabarangay na kita!”

Umalis ang babae ngunit di pa man ito nakakalayo ay dumating na ang pinagkakautangan niyang bumbay. Akma pa lang na magtatago si Mela ay tinawag na siya nito.

“Mela! Kailan ka bayad utang? Apat na buwan na interes mo, laki laki na utang mo!”

“Shhh wag ka maingay, sa susunod na linggo balik ka ha.”

“Balik na naman tapos wala ka ulit.”

Advertisement

Nagkakamot ng ulo na umalis ang bumbay. Hindi na lubos maisip ni Mela kung paano niya babayaran ang patong-patong na utang sa iba’t ibang tao. Nagaalala man na magalit ang asawa ay napilitan siyang umamin rito.

“Raul, ano kasi eh, kailangan ko ng tulong,” wika niya.

“Ano yon Mela? Sabihin mo lang.”

“Pasensya ka na, ‘wag kang magagalit patong-patong na kasi ang mga pinagkakautangan ko rito, mapapabarangay na ako kung hindi ko sila mababayaran. Nasa singkwenta mil na ang utang ko Raul, tulungan mo ako.”

“Ano? Paano ka naman nabaon sa ganyan kalaking halaga? Wala ka namang ibang dapat intindihin kundi ang pangangailangan ng mga bata!”

Binabaan ni Raul ng telepono ang asawa sa labis na pagkainis. Ni minsan ay hindi na talaga natuto ang kaniyang asawa sa tamang paghawak ng salapi. Dumating na ang kinatatakutang araw ni Mela at sabay-sabay na sumugod sa kaniyang bahay ang mga pinagkakautangan kasama ang barangay tanod.

“Mela, lumabas ka diyan, harapin mo kami, napakarami mong kailangang bayaran dito.”

Nakayukong lumabas si Mela at pinakiusapan ang lahat na pumasok sa kaniyang bahay upang doon magusap-usap.

Advertisement

“Bigyan niyo pa ako ng kaunting palugit, pangako babayaran ko kayong lahat ng buo, wag niyo naman akong ipitin ng ganito.”

“Napakatagal na nga ng palugit na binigay namin sa iyo. Bayaran mo kami sa susunod na buwan kundi ay maghahain na kami ng reklamo.”

Napalunok na lamang si Mela sa pagbabanta nila. Sabay-sabay na umalis ang kaniyang mga hindi inaasahang bisita nang tumawag si Raul.

“Magpapadala ako Mela, pero pakiusap, ibayad mo ito sa lahat ng inutangan mo at ayoko nang mauulit pa ito.”

“Oo Raul, maraming salamat.”

Nang sumunod na linggo ay natanggap na niya ang perang padala ng asawa at agad itong ipinambayad utang.

Isang malaking leksiyon kay Mela ang nangyari kaya’t hindi na siya muling naglustay ng perang pinaghirapan ng asawa. Pinag-aralan niya ang tamang paggamit ng pera at pagbili ng mga importanteng bagay lamang.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.