Matagal Nang Sikretong Iniibig ng Dalaga ang Bestfriend Niya, Di Niya Akalaing Buto’t Balat na Ito sa Muli Nilang Pagkikita

Kasalukuyang umiiyak ang langit noon at ang malakas na dagundong ng kulog na animo’y malalaking batong nag-uumpugan.

”Maria! Saraduhan mo ang bintana d’yan sa taas!” malakas na sigaw ni Aling Myrna.

“Opo, Inay!” wika ni Maria habang umaakyat sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.

Nakahanda na noon ang pamilya niya na mag-alsa balutan kung sakaling hindi titigil ang ulan. Kapag bumuhos na kasi ang malakas na ulan at abutin iyon nang magdamag. Baha na naman sa kanilang tahanan.

At sa tuwing binabaha sila ay sa bahay sila nina Marco nakikituloy. Ang nanay kasi nito ay matalik na kaibigan ng kanyang ina. Matalik na magkaibigan rin naman sila ng lalaki.

May kaya sa buhay ang pamilya nina Marco. Kung kaya naman kahit crush niya ito noon pa ay hindi siya naglakas-loob na sabihin dito ang kanyang nararamdaman.

Magkasabay lumaki sina Maria at Marco. Magkaklase din sila mula elementarya hanggang sekondarya. Naghiwalay na lamang sila noong magkolehiyo na sila. Sa maynila na kasi nagpatuloy ng kolehiyo si Marco. Mula noong umalis ang buong pamilya ni Marco ay wala na siyang balita dito. Ang nanay niya na lamang ang naging tagapamahala ng tahanan nila sa probinsya. Advertisement

Simula nang umalis sina Marco ay wala na siyang naging balita dito. Tanging mga litrato na lamang ang alaalang naiwan sa kanya nito. Wala rin silang komunikasyon dahil mahirap lamang sila at hindi uso ang cellphone sa probinsya.

”Maria! Batang ito oh! Kanina ka pa riyan sa banyo ay hindi ka pa rin natatapos hanggang ngayon? Aba’y mahuhuli ka na sa trabaho mong bata ka!” malakas na wika ng kanyang ina.

Kaya naman nagkukumahog siyang lumabas ng palikuran. Kung bakit ba naman kasi naalala niya pa si Marco kagabi kung kaya’t napuyat siya at tinanghali ng gising.

Papasok na siya sa trabaho ng araw na iyon nang may kotseng tumigil sa kapitbahay nila. Isang magarang kulay itim na kotse. “Kanino kaya iyon?” tanong niya sa sarili. Matagal bago siya makasay kaya nakita niya kung sino ang lulan ng kotse. Mga magulang iyon ni Marco. Habang lulan naman siya ng traysikel ay iniisip niya parin kung bakit narito ang mga magulang ni Marco.

“Mano po, Inay,” wika ni Maria sa kanyang ina pagkagaling niya sa trabaho.

”Anak nabalitaan mo na ba?” ika agad ng kanyang ina sa kanya.

”Ang ano po?” mabilis niyang sagot dito.

“Aba’y may malubhang sakit pala itong si Marco,” paliwag ng ina ni Maria. Advertisement

Waring nabingi siya nang marinig ang tinuran ng kanyang ina.

“Galing kasi kanina dito ang mga magulangni Marco at hinahanap ka,” dagdag na wika nito.

”Bakit daw po? Anong kailangan nila sa akin?” sunod-sunod na tanong niya.

Tila ba may kunganong bumundol sa dibdib niya nang malamanniyang may malubhang sakit si Marco. Hindi pa nakakasagot ang kanyang ina

”Ikaw na nga ba siMaria?” tanong ng ina ni Marco sa kanya. Advertisement

“Opo tita,”matipid niyang sagot dito.

“Kayganda mong bata! Kaya marahil naakit sayo ang aming si Marco!” masayang wika nito sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang tinuran ng ina ni Marco. Gulat na gulat siya dahil ngayon niya lamang ito nalaman at hindi siya makapaniwala doon. Ngunit agad ring binawi ang kasiyahang nadarama niya sa sumunod nitong sinabi, ”Malubha ang sakit ni Marco, hija.”

“Noon pa man ay mahina na ang kanyang mga buto sa paa. Kung kaya naman simula nang magkolehiyo siya at nadagdagan ang stress sa ka-Maynilaan ay lalong lumubha ang sakit niya,” naiiyak na ang ina ni Marco.

“Buong akala namin, kapag dinala namin siya sa Maynila at doon ipagamot ay gagaling siya. Ngunit hindi naman namin inasahan na mas lalala ang kundisyon niya doon,” patuloy ng ama ni Marco.

“At ngayon ay gusto ng anak namin na makita ka bago daw siya tuluyang mabaldado.” Advertisement

Hindimakapaniwala si Maria sa nangyari kay Marco. Noong gabi ring iyon ay kinausap niya ang kanyang mga magulang hinggil sa napag usapan nila ng mga magulang ni Marco.

Nang pumayag ang kanyang magulang ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinabukasan ayinasikaso niya na ang kanyang papel para sa kanyang pagleave sa trabaho. Pumayag naman ang hospital na kanyang pinapasukan. Pag-uwi ng bahay ay agad din siyang nag-empake ng mga damit. Matapos noon ay tuluyan na siyang nagpaalam sa kanyang mga magulang.”

May ilang oras rin ang naging byahe niya patungo sa terminal kung saan siya susunduin ng mga magulang ni Marco. Halos magkadaligaw-ligaw pa nga siya sa laki ng Maynila.

Nagulat pa siya dahil hindi ito kasinglaki ng bahay ng mga ito sa probinsya. Ayon na rin kasi sa mga magulang ni Marco ay halos mabenta na nila ang mga ari-arian sa pagpapagamot nito.

“Maria…”

Agad siyang napalingon sa pamilyar na tinig ng kanyang kababata. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ito sa isang wheelchair na halos buto’t balat na. Wala na ang kislap ng mga mata nito. Ngunit ang labis na pinagtataka ni Maria ay hindi pa rin nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya dito. Bukod doon ay halos bumalik sa alaala niya ang mga mabubuting ginawa at masayang alaala nila ni Marco noon na tila kahapon lamang lahat nangyari.

Advertisement

Niyakap niya ito upang hindi siya maiyak, “Namiss kita bestfriend ko!”

Masaya ang kanyang tinig ngunit tila gustong gusto na niyang sumabog sa sobrang sakit na nararamdaman. Ang makitang nasa ganitong sitwasyon pala ang iyong minamahal ay mas masakit pa sa katotohanang niloko o iniwan ka niya.

Hindi rin malaman ni Maria kung bakit pumayag siyang sumama sa pagpapagamot ni Marco sa Amerika. Naisip niya lang ang sinabi at pakiusap ni Marco sa kanya,“Ikaw ang nagsisilbing lakas ko Maria. Sana samahan mo ako sa laban kong ito hanggang sa huli.”

Matagal din na gamutan na inabot ng halos isang taon ang nangyari kay Marco. Talagang sumugal sila para kay Marco. Ngunit matapos ang operasyon nito ay tila isang milagro ang nangyari. Ito ay dahilbumuti na ang lagay nito at unti-unting bumabalik ang pangangatawannito. Bumalik ang dating sigla at ang noonglaging nakakulong sa silyang-de-gulong ay Advertisement unti unti na ring nakakalakad ngayon.

Isa ngangmilagrong maituturing ang nangyari may Marco. Ni siyensa ay hindi maipaliwang kung bakit at paanonangyari iyon. Tunay ngang ang tunay na pag-ibig ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong makabagong teknolohiya.