Laging Kinukutya ng Babaeng Ito ang Kapatid na Walang Kaibigan, Ngunit Sinampal Siya ng Katotohanan nang May Nangyari sa Kanilang Hindi Inaasahan

Malayung malayo si Gina sa kapatid niyang si Georgia. Si Georgia ay maganda, confident, maraming kaibigan at maraming follower sa social media. ‘Ika nga nila, sikat ang babae. Maya’t maya ay maraming message dito sa facebook at maraming nagla-like sa mga picture nito.

Samantalang si Gina naman, mahiyain at dalawa lang ang matuturing na kaibigan. Hindi naman siya mataray, sadyang hindi lang siya palakibo dahil tahimik talaga ang pagkatao niya. Kuntento na siyang magbasa sa isang tabi, at hindi tulad ng kapatid niya na mahilig sa party, siya ay palaging nasa bahay lang.

Dahil sa pagkakaiba nila ay madalas na hindi magkasundo ang dalawa, mas matanda si Georgia sa kapatid at madalas ay pinagsasabihan niya ito na mag ayos naman, lumabas labas at makipagkaibigan, na ayaw naman ni Gina.

Isang araw ay nagda-drive ang magkapatid papunta sa mall, inutusan kasi ni Georgia si Gina na samahan siya nitong mag-shopping, walang nagawa ang dalaga at para wala nalang away ay sumama na siya.

“You know Gina, kapag sinasabi kong kapatid kita, walang naniniwala sa’kin. Hindi raw tayo magkamukha. Magkulay ka naman kasi kahit papano sa mukha mo, napakaputla mo! Kahit lip balm lang kasi super dry yang lips mo,” sinimulan ni Georgia ang pang aasar sa kapatid. Hindi naman kumibo ang babae.

Habang paliko sila ay may isang humaharurot na sasakyan ang hindi nag-menor at muntik silang mabangga, mabuti na lang ay naiiwas agad ni Georgia ang manibela. Yun nga lang, tumama ang sasakyan sa isang poste, nayupi ang gilid nito pero hindi naman sila nasaktan.

Agad naglapitan ang mga tao, si Georgia, bilang sikat sa facebook ay agad na nag-post.

Shucks, naaksidente ako. Iyan ang nilagay niyang caption sabay upload sa picture ng kotse niyang nayupi.

Advertisement

Habang si Gina naman, tinawagan ang dalawang kaibigan.

Makalipas ang ilang sandali ay napakarami nang nagreact at nagcomment sa post ni Georgia, napangiti ang dalaga. Swerte siya dahil maraming nagmamahal sa kanya, di tulad ng kapatid niya.

Paglingon niya ay nagulat siya sa nakita.

Naroon ang dalawang kaibigan ni Gina at niyayakap ang dalaga.

“Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?” nag aalalang tanong ng mga ito.

Biglang napaisip si Georgia. Marami nga ang naglike at nagcomment sa kanya na may malasakit raw sa kanya pero wala ni isa ang tumawag para kumustahin siya, pero heto si Gina isang tawag lang at pinuntahan na ng dalawang kaibigan.

Na-realize niya na hindi mahalaga kung gaano karami ang taong nakapaligid sayo, ang mahalaga ay ang malaman kung sino doon ang totoong nagmamahal sayo.

Ano ang natutunan mong aral sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.