Iniwan ng Nobyo ang Pobreng Tindera ng Kakanin, Nayanig ang Mundo Niya nang Makaharap ang Gwapong Negosyante

“Dalian mo na, mahuhuli na tayo mahal,” nagmamadaling sabi ni Warren sa nobyang si Lyka, tila lalong nataranta naman ang babae at di na magkandaugaga sa pagtali ng bag na paglalagyan ng pera sa kanyang bewang.

“Eto na, sobrang aga mo naman yata kasi ngayon, eh meryenda naman itong ititinda natin!” natatawang sabi ng babae. Dinampot ang isang maliit na bilao ng tupig, mayroon ring mga suman sa ibos at nilupak pero si Warren ang may hawak noon dahil mas mabigat.

“Ano ka ba, malay mo may maisipang mag-almusal ng tupig, ganyan ang negosyo, di ka naman marunong eh!” pambibiro nito sa babae, na tinugunan naman ni Lyka ng pasimpleng mahinang kurot sa tagiliran nito.

Natatawa naman ang nanay ni Lyka na nakamasid lang sa dalawa, ano’ng swerte ng kanyang anak sa nobyo. Kahit may kalayuan ang bahay nito sa kanila ay talagang pumupunta ito ng maaga upang samahan si Lyka na maglako ng mga paninda, alam ng binata na si Lyka ay panganay at nais tumulong sa mga magulang sa gastusin sa bahay lalo pa at may dalawa pa siyang kapatid na nag aaral.

“Nay alis na ho kami!” nakangiting sabi ni Lyka, kinuha naman ni Warren ang bitbit nitong maliit na bilao upang siya na ang magdala, timba naman ang hawak niya sa kabilang kamay.

Sinenyasan ni Lyka ang nobyo na siya na ang magdadala pero umiling ang lalaki, “Ako na. Ang toka mo nalang ay bilangin ang perang napagbilhan natin, at pasayahin ako,” sabi nito sabay kindat. Kinilig naman ang dalaga.

“Ate! Huy! tatanghaliin ka na, nagmo-moment ka na naman dyan!” biro ng nakababatang kapatid ni Lyka, dahilan upang magising mula sa pagbabalik tanaw ang dalaga. Ilang taon na ba ang nakalipas? Apat, lima…ah! Anim na taon.

Anim na taon na mula nang lumisan si Warren mula dito sa Pangasinan, ang balita raw ay gumanda ang trabaho ng ama nito sa abroad kaya’t sa Maynila na nag-aral ng kolehiyo ang binata. Ang masakit doon, di lang Pangasinan ang iniwan nito, pati siya.

Advertisement

Bigla na lang itong naglahong parang bula, wala naman siyang cellphone, o kahit na anong paraan para ma-contact ito. Lalong hindi niya kayang pumunta sa Maynila para sundan ito, bukod kasi sa hindi niya alam ang papunta roon, walang wala silang pera. Ang ipapang-pamasahe niya ay ibibili na lamang nila ng bigas.

Napabuntong hininga si Lyka, hanggang ngayon yata ay may nararamdaman pa siya sa binata, kahit na ilang taon na niyang sinubukang palitan iyon ng galit. Siguro nga, baka ni hindi man lang siya sumagi sa isipan nito, si Warren ay nakapag aral na, bakit naman ito magtya-tyaga sa kanya na ni hindi man lang nakatungtong ng kolehiyo at probinsyana? Gayong napakaraming tisay, maganda at edukadang dalaga sa Maynila. Siguro may asawa na ang dating nobyo. Gumuhit ang kirot sa dibdib ni Lyka sa isiping iyon.

Binitbit niya na ang bilao, sa awa naman ng Diyos ay hindi na siya kailangang maglako dahil may naitayong tindahan ng mga pasalubong sa bayan isang taong mahigit na ang nakalipas at sinwerteng siya ang kinuha ng mga ito bilang supplier. Malaking bagay iyon, sigurado na ang kita niya sa araw-araw. Baka sa mga sabi-sabi ng kapitbahay kaya siya natunton ng may-ari ng negosyo dahil nag-iisa lang naman siyang naglalako ng tupig. Binilisan na ni Lyka ang pagpadyak niya sa bisikleta, nasa likod niya ang mga ide-deliver na tupig.

Medyo may kaba sa dibdib niya nang mapatapat siya sa tindahan ng pasalubong, may kotse kasi sa tapat noon.

Kasama sa kaba niya ay ang excitement, aba, kay gara namang sasakyan!

Marahil ito ang may ari. Hindi maisip ni Lyka kung tutuloy pa ba siya o hindi, nakakahiya naman yata ang ayos niya. Medyo pawisan pa siya dahil sa pagbibisikleta, habul-habol niya ang hininga at hindi pa sya naliligo!

Diyos mio! Baka naman masabihan siyang walang galang kung basta na lang niyang ilalapag ang mga paninda at tatakbo palayo, magmumukha siyang nasisiraan ng bait!

Ah, bahala na. Maghe-hello lang naman ako, wag sana akong english-in Diyos ko. Pero kung sakali, dapat may maisip na ako’ng isagot! Buti na lang talaga may ilang ingles na salita siyang natatandaan kapag napapanood siya ng TV sa bakery ng kapitbahay minsan.

Advertisement

Pinagpagan ni Lyka ang suot, humugot ng malalim na hininga at dumiretso na sa loob. Tama siya, naroon nga ang may-ari.

Nakatalikod ang lalaki, ang suot nitong sapatos ay mas mahal pa yata kapag ibinenta lahat ng damit na nagkaroon siya buong buhay niya.

“Si Lyka sir ay okay naman, masipag siya at talagang masikap, ang aga dumarating palagi dito, o ayan na po pala!” sabi ng kausap nito.

Nataranta naman si Lyka, kaya kahit narinig niyang tagalog ang salita ni Minda, ang parang mayordoma doon ay nasabi niya ang pinraktis na english.

“I’m Lyka..we..me..I, no english sir! Only tagalog understand!” sabi niya na napalakas pa ang boses dahil sa kaba, nakatungo lang siya at medyo nangangatog pa ang kamay.

“Late ka ng 5 minutes, di ba lagi tayong maaga dati? Ganyan ang negosyo, di ka naman marunong eh!” sabi ng pamilyar na baritonong boses.

Susmaryosep.

Dugdug.

Advertisement

Dugdug.

Unti-unti itiningala ni Lyka ang ulo, at di nga siya nagkamali.

Naroon..gwapong-gwapo at nakangiti na parang walang nangyari..

Si Warren.

“Ano’ng..” di niya halos maituloy ang sasabihin.

“Nag- aral ako at nag-tyaga para sa iyo, pasensya ka na kung natagalan ako. Wala pa kasi ako’ng mukhang maiharap hanggang di pa ako nagtatagumpay sa negosyo. Hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako kaya nagkasya na lang ako sa palihim na pagtatanung-tanong tungkol sa’yo, at sa paggawa ng paraan para hindi ka na maglalako ng tupig araw araw na wala ako sa tabi mo. Hindi ka nawala sa isip ko, sa loob ng anim na taon, tatlong buwan at apat na araw na magkalayo tayo,” madamdaming sabi nito.

Windang na windang naman ang mayordoma na unti unting lumabas ng opisina upang makapag usap ang dalawa, sino’ng mag aakalang ang simpleng si Lyka ang siyang dahilan kaya nagtayo ng pasalubong center ang suplado at gwapong may ari?

Samantalang di naman makapagsalita ang dalaga, hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig.

Advertisement

“Suntukin mo ako,” nasabi niya, tulala pa rin.

“Huh?” takang tanong ni Warren.

“Suntukin mo ako dali! Nananaginip ako-” sabi ulit ni Lyka, ilang beses niya na kasing napanaginipan na babalik si Warren at di sya matitiis. Akala niya ay hanggang pangarap nalang iyon pero heto na sa harap ang lalaking minamahal, buong buo at lalong gumwapo.

Natawa naman si Warren kay Lyka, puro kalokohan talaga ito. Kanina ay nag english tapos ngayon naman ay gustong magpasuntok, syempre hinding hindi niya gagawin iyon.

Nagpakipot muna ang dalaga pero makalipas ang isang buwan ay muli rin naman sinagot ang binata. Mayroong negosyo si Warren sa Maynila at ang tindahan ng tupig ay paraan niya lang upang makatulong sa babae. Pinag aral rin ni Warren ang nobya kahit na tutol ito dahil nahihiya sa kanya, halata namang sabik din si Lyka na makatungtong sa kolehiyo. Nang makatapos ang babae ay nagkaroon siya ng magandang trabaho at siya na rin ang naging may ari ng pasalubong center.

“Hindi ko alam kung paano kita mababayaran,” sabi ni Lyka habang nakatanaw sa bintana ng kanilang bahay.

Niyakap naman siya ni Warren mula sa likuran, “Ang toka mo lang ay bantayan ang napagbilhan natin.. at pakasalan ako,” kasabay niyon ay ipinakita ni Warren ang magandang singsing na ginto na siya namang tinanggap ng dalaga.

Sabi nga nila, may sariling timing ang Diyos. Kung para sa iyo ang isang tao, kahit ano pang unos ang inyong pagdaanan ay babalik at babalik siya sa iyo.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.