Inday Trending

Halos Ibalandra na ng Misis ang Katawan sa Facebook Upang Pagselosin ang Mister; Siya ang Nagselos nang Makita ang Isang Babaeng Parte ng Nakaraan Nito

“Hon, ang dami-dami na namang nag-a-add sa akin sa Facebook! Naiinis na nga ako kaya’t isa-isa kong blinock.” Pagyayabang ng misis ni Alejandro na si Laurice.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only. )

“Hon, kung kumilos ka kasi at kung mag-post ka ng litrato sa Facebook parang nang-aakit ka talaga. Baka puwede namang habaan mo pa ng kaunti ang shorts mo at huwag mong ipangalandakan ang dibdib mo sa bawat post mo. May mga litrato ka pa ngang halos naka-bra ka na lang. Baka akalain nila eh catalog ng Avon yung wall mo. Isa pa, maghanap ka na lamang ng work kahit sa online lang para naman mapabilis ang pag-iipon natin.” Inis na sagot ni Alejandro sa kaniyang misis.

“Hay naku, Honey Bunch. Magdusa ka. Ako ang napili mong pakasalan. Kung ayaw mong pinagpipiyestahan ang asawa mo ay mag-asawa ka ulit ng panget at losyang at hiwalayan mo ako. Kaya nga ayoko pang magka-anak e. Baka masira itong abs ko at mawalan ng korte itong katawan ko. Ayoko ding magtrabaho at baka ma-losyang ako.” Pataray na saad ni Laurice sa asawa.

Maya-maya’y may bumubusinang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

“Naku, baka ayan na naman yong dati kong katrabaho na palaging dumadaan dito para lang masilayang muli ang byuti ko. Wait lang.” Pakendeng-kendeng pang lumabas ng gate si Laurice.

“Hon, barkada mo yata. Ang guwapo! Nakakainis lang. Kung makatitig sa legs ko. Baka panget ang asawa kaya’t hayok sa maganda.” Saad ni Laurice.

Agad namang lumabas ng gate ang nagtatakang si Alejandro.

“Tol, grabe! Kamusta ka na? Diyos ko, bro. Anong nangyari sa yo? Miss na miss kita, loko ka!” Giit ni Alejandro, niyakap pa nito ang lalakeng bisita.

“Hindi ako nagpapakita sa ‘yo, boy. Baka sapakin mo ako kapag nalaman mo kung sino’ng asawa ko.” Giit ng lalakeng bisita.

Tila hindi naman mapakali si Laurice sa narinig. Ano’ng meron sa asawa ng guwapong lalakeng ito? Hindi na siya makapaghintay na makaalis ang bisita upang makulit niya at paguwentuhin ang asawa.

“Si Anne? Si Anne ang napangasawa mo? Hayop ka! Lupit mo, bro!” Sambit ng kaniyang mister. Tila hindi na maipaliwanag ni Laurice ang kaniyang nararamdaman. Sino ba ang Anne na ito.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only. )

“Boys, ako ba ang pinag-uusapan niyo?” Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan ng lalakeng bisita at bumaba ang isang babaeng nakasalamin na may hawak na batang tila nasa dalawang taong gulang. Nakataas ang buhok nito, tila nakapambahay lang. Kahit magulo ang pagkakatali ng buhok nito’y lutang na lutang pa rin ang ganda nito. Wala itong suot na make up o kahit anong kolorete sa mukha. Maaaninag din sa maluwag na kasuotang pantulog nito ang tila mala-modelong korte ng katawan nito.

“Sh*t! Pare! Si Anne nga! Hudas ka talaga, idol!” Sambit ng asawang si Alejandro.

Tila naalala naman siya nitong ipakilala sa mga bisita. Hinahanap siya nito ngunit sinadya niyang hindi magpakita. Sa unang pagkakaton ay nakaramdam siya ng inggit.

Nagulat na lamang siya nang hatakin siya ng asawa palabas ng pintuan.

“Si Laurice, wife ko.”

“Hi, Laurice. I’m Anne. Classmates kaming tatlo noong highschool until college. Husband ko, si Peter.”

Tila umurong na ang dila ni Laurice sa tila nagniningning na ganda ng kausap.

“Grabe, Anne. Parang hindi ka nanganak. Ganon pa rin ang itsura mo.” Saad ni Alejandro. Pinagpapawisan na sa selos ang mga kamay ni Laurice. Ni minsan ay hindi siya napuri ng ganoon ng asawa. Palibhasa’y ayaw niya pang magkaroon ng anak.

“Naku, pare. Kinaiinggitan nga iyan sa opisina nila. Kahit apat na ang anak namin ay pinagkakaguluhan pa din ng mga lalake doon. Pinagreresign ko sa trabaho dahil selos na selos na ko, kailangan pang paalalahanan ng lahat ng mga kalalakihan doon na may asawa’t mga anak na itong si Anne. Kaya lang naaawa naman daw siya sa akin na ako lamang ang nagtratrabaho. Nagmamadali kasi kaming makaipon kaya’t nagtutulungan kami.” Pagmamalaki ni Peter.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only. )

Tila lalong namangha ang asawa sa kwento ni Peter tungkol kay Anne. Lalo namang nagngitngit ang damdamin ni Laurice.

“Sige, mauuna na kami. Pinabantayan lang namin iyong mga bata sa mommy ni Anne.” Wika ni Peter.

Ilang na ilang naman ang mag-asawa nang nagpaalam kay Laurice. Palibhasa’y halos kita na ang kaluluwa nito sa suot nitong miniskirt at fit na fit na blouse. Nakasimangot din ito at halatang selos na selos kay Anne.

“Sino yon!? Ha!? Bakit hindi mo man lamang naikuwento sa akin!?” Galit na galit na sita ni Laurice.

“Laurice, matagal na panahon na iyon! Hindi ko naman inakalang magkikita-kita pa kaming muli. Crush ng bayan iyang si Anne noon pa man. Kahit sino naman sigurong lalake ay magkakagusto sa kaniya!” Pagtatanggol ni Alejandro sa sarili.

“Oh, e di sising-sisi ka na hindi siya ang napangasawa mo?” Sita ni Laurice sa asawa.

“Ha? Ano bang pinagsasasabi mo? Apat na anak noong tao! Puwede ba, Laurice? Kung naiinggit ka kay Anne, desisyon mong hindi magtrabaho at hindi magka-anak! Isa pa, kasal na tayo pero kung umakto ka ay para kang bata.”

Lingid sa kaalaman ni Laurice ay tinuturuan lamang siya ng leksyon ng asawa.

Hindi totoong may pamilya na si Anne. 20 anyos pa lamang ito at nag-aaral pa lamang.

Ito na lamang ang naiisip na paraan ni Alejandro upang baguhin ang magaspang na pag-uugali at katamaran ng asawa.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only. )

At gaya ng inaasahan, bigla na lamang itong nagdesisyong maghanap ng trabaho. Agad naman itong nakapasok sa isang malaking marketing firm sa Makati. Ang dating labas na kaluluwang pananamit nito ay ibang-iba na. Pirming nakatago na ang mayamang dibdib nito at pagka-kinis-kinis na mga hita at binti.

“Hon, gusto ko nang magka-baby.” Lambing ni Laurice sa asawa.

“Bago ang lahat, may ipagtatapat ako sa ‘yo Laurice.” Wika ni Alejandro.

“Alam ko na ang lahat, Alejandro. Kinabukasan matapos pumunta ni Anne at Peter dito ay hindi rin sila nakatiis at inamin sa akin ang buong katotohanan. Doon ko lang napagtanto na mali ang mga ginagawa ko. Alam kong maraming beses mo na akong sinubukang kausapin at pagsabihan ngunit naging lalong matigas ang ulo ko. Salamat, hon. Dahil sa ‘yo… Kusa akong nagdesisyong magbago.”

Tila tuwang-tuwa si Alejandro sa narinig. Sa wakas ay napagtanto na ng kaniyang pinakamamahal na asawa ang kaniyang kamalian at bumabawi na ito sa kaniyang mga pagkukulang.

Habang dumaraan ang mga araw ay lalo pa niya itong minamahal dahil sa laki ng pagbabago nito.

Agad naman silang nakabuo at halos magtatalon si Alejandro nang malamang 5 linggo nang nagdadalang tao si Laurice.

Lumipas ang ilang buwan at iniluwal nito ang isang napaka-guwapong baby boy.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only. )

Mula noon ay namuhay sila ng masaya at mapayapa.

Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Alejandro upang turuan ng leksiyon si Laurice? Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , ,