Malapit nang Ikasal ang Dalaga sa Nobyo sa Canada, Isang Malaking Lihim Pala ang Itinatago ng Lalaki

Matagal nang nagtratrabaho si Melai sa isang ospital sa Canada bilang isang janitress. Sa edad na 34 anyos ay wala parin siyang nagiging nobyo dahil naging abala ang dalaga sa pagtulong sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Image courtesy of www.google.com

Panganay ang dalaga at napagtapos niya sa kolehiyo ang tatlo pa niyang kapatid. Kaya ngayon ay handa na siyang buksan ang kaniyang puso. Marami na rin ang nagsasabi na oras na raw para sa kanya ang bumuo ng pamilya.

Nagsimulang maghanap ang dalaga sa kanyang mga nagging kaklase dati. Katwiran niya, atleast kahit paano ay kilala na niya. Pero bigo siya dahil sa kanilang edad, karaniwan ay may sarili nang pamilya ang mga lalaki at wala nang single. Kung mayroon man, may mga anak na at hindi naman pumasa sa kanyang panlasa.

Kasunod niyang sinubukang maghanap sa mga dating website. Iyon bang online ka maghahanap ng boyfriend, alam niya ay ganoon ang ginawa ng mga kaibigan niya. Aba, malay niya ba, baka sa foreigner naka-tadhana ang puso niya.

“Hello baby, you look so pretty! Send me pictures of your body,” mga reply na nakukuha ng dalaga sa mga kausap nito. Hindi pa man natatapos ang araw ngunit nawalan na ng gana ang babae kaya itinigil na niya ito.

“Sa dami ng pinoy dito, may magkakagusto kaya sa akin?” tanong ng dalaga sa sarili habang siya ay naka-upo sa isang parke at umiinom ng masarap at malamig na kape.

Image courtesy of www.google.com

“Pinoy ka ano?” tanong ng isang lalaking katabi niya.

“Pinoy na Pinoy! Bisaya pa!” nakangiti namang saad niya. Siguro naman sa ganito karaming tao, hindi mag iisip ang kahit na sino na gumawa ng masama kaya napanatag siya. Bukod doon, kababayan niya naman ang binata at mabait pang tingnan.

Advertisement

“Laking Maynila, ako nga pala si Red. Nagtratrabaho ako sa isang restaurant na malapit dito,” pakilala ng lalaki.

Image courtesy of www.google.com

“O tawagin mo akong Melai! Janitress ako sa ospital, single and ready to mingle!” pabirong sagot ng dalaga sa lalaki.

Hindi nagtagal ay naging magkaibigan ang dalawa at naging makasintahan.

“Melai, mahal na mahal na mahal kita! Ikaw lang ang minahal ko ng ganito!” saad ng lalaki sa kanyang kasintahan habang sila ay naglalakad sa isang parke.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi mo ako lolokohin? Hindi mo ako paglalaruan?” tanong ng babae.

“Hinding hindi! Kahit pa nga pakasalan kita at itali mo ako sayo para patunayan ko lang sayo na mahal na mahal kita!” saad ng lalaki sabay yakap sa babae.

“Kung marami lang akong ipon ngayon ay pinakasalan na kita agad. Uuwi tayo ng Pilipinas tapos papakasalan kita sa simbahan, naglalakad ka sa mahabang pulang carpet at nakatraje de bodang puti, tinitingnan kita at mapapaluha ako dahil napakaswerte kong lalaki at ikaw ang mapapangasawa ko,” dagdag pa nito.

Magsasalita pa sana si Red ng biglang sumingit si Melai at sinabing “Oo na sige na, magpakasal na tayo!” sabay hampas nito sa braso ng kanyang nobyo, kilig na kilig siya.

Advertisement

Walang pang isang taon silang magkasintahan ay nagsama na ang dalawa sa Canada. Ang pera ni Red ang ginagamit nilang pang ipon sa kasal kaya hindi iyon nagagalaw. Tanging sahod ni Melai ang nagiging pangunahing pinagkukunan nila sa gastusin.

Ang lalaki ang humahawak ng pera, siya rin ang nagde-desisyon sa kung magkano ang ipapadala sa pamilya ni Melai.

“Ma, kamusta kayo diyan? Nga pala, pasensya na kayo kung maliit na lang ang napapadala ko. Alam mo naman si Red ay mahigpit sa pera at nag-iipon kami pangkasal,” saad ng dalaga sa kaniyang ina sa telepono.

“Huwag mo kaming alalahanin dito anak, ang importante ay ikaw at kung sigurado ka ng kilalang kilala mo na yang lalaking papakasalan mo ha, ayoko lang umuwi kang umiiyak,” baling ng kanyang ina.

Halos anim na buwan silang nag-ipon para sa pangarap na kasal ni Melai at umabot rin ng 200k ang kanilang pera. Kaya dali daling nagpost ang dalaga sa kanyang facebook ng litrato ng kamay nila ni Red habang suot niya ang kanyang engagemennt ring at nilagyan niyang ng caption na “Excited to become Mrs. Dizon! Malapit na!” sabay tag sa kanyang mapapangasawa.

Masayang masaya ang dalaga dahil sa wakas hindi siya tatandang dalaga, dumating si Red sa kaniyang buhay.

Image courtesy of www.google.com

Nang may bigla siyang natanggap na mensahe.

Image courtesy of www.google.com

“Oy! Melai! Ikakasal kana pala? Congratulations ha. Magiging asawa mo pala si Red, ang liit talaga ng mundo,” saad ni Mona na kaklase niya noong elementarya.

Advertisement

“Salamat Mona! Kilala mo pala si Red?” saad ni Melai dito.

“Oo, alam ko kasi asawa yan ng kaibigan ko nung college, diko alam naghiwalay na pala sila,” reply muli ng babae.

Nang mabasa ni Melai ang mensaheng iyon ay agad niyang kinausap si Red.

“Red, umamin ka nga! May asawa kana ba?”diretsong tanong niya rito.

“Mahal, magpapakasal ba ako sayo kung may asawa ako? Diba hindi,” malakas ang loob na sagot ni Red sa kanya.

Pinagkatiwalaan ni Melai ang mga salita ng mapapangasawa ngunit hindi siya matahimik at kaya nag imbestiga ang dalaga.

Agad niyang nalaman na hindi nagsisinungaling ang kaniyang kaklase, may-asawa’t anak nga si Red at hanggang ngayon ay maayos ang pag-uusap ng dalawa ayon sa misis ni Red.

Hindi na kinausap pa ni Melai si Red bagkus iniwanan na lamang niya ng sulat ito, na alam na niya ang lahat ng sikreto ng lalaki at wala siyang balak maging kabit.

Advertisement

Umuwi rin si Melai ng Pilipinas at dito na nanirahan. Ang perang naipon na dapat para sa kasal ay ipinangpatayo na lamang niya ng babuyan na siyang naging hanapbuhay ng kanilang pamilya.

Lumipas ang maraming taon ay napatawad na ni Melai si Red sa nagawa nitong panloloko sa kanya. Pinakawalan na rin niya ang sarili sa masasakit na alala.

Ngayon sa edad na 38 anyos ay may nobyo na si Melai at balak na rin nila magpakasal sa 2020.

Naisip ng dalaga na hindi naman paunahan ang buhay, may kanya-kanyang tamang oras na nakalaan sa bawat tao. Kapag minadali at pinangunahan ang tadhana ay hindi makakamit ang ligaya.