Nagtungo Ang Lalaki sa Isang Malayong Lugar Upang Makalimot, Ngunit Doon din pala Niya Matatagpuan ang Panibagong Pag-ibig

Halos dalawang taon na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kasintahan ni Rafael dahil sa isang aksidente. Pumanaw ang kanyang kasintahan sa mismong kaarawan niya, isang napakasakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Apat na araw bago ang kanyang kaarawan, ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Sagada, upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nadarama. Lalo na’t parating na muli ang ikalawang taon ng pagpanaw ng kanyang dating nobya.

Dumating siya sa ng saktong alas diyes ng gabi sa tagpuan kung saan sinabi ng travel agency na magkikita-kita ang magkakasama sa sasakyan patungong Sagada. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanyang ang isang maputing babae na mamula-mula ang pisngi at labi.

“Hi!” nakangiting bati nito sa kanya.

“Hey!” sagot niya ang tumango.

“Ikaw si Rafael, tama?” tanong ng babae.

“Ahm. Oo, bakit?”

“Ikaw na lang kasi ang inaantay. Dito ka na sa tabi ko, kasi lahat ng nasa likod ay puro magkasintahan e. Kaya para may ka-pares din ako, dito ka na!” biro nito sa kanya.

Advertisement

Natawa lamang si Rafael at saka umupo sa tabi ng babae. Hindi alam ni Rafael kung bakit pero parang kilala niya ang babae, gayong ngayon lamang niya ito nakita.

“Nga pala, ako si Tanya. Mabait ako at saka kyut,” daldal pa ng babae.

“Dagdag mo pa yung madaldal,” tugon naman ni Rafael.

Simula sa Quezon City, hanggang sa makapasok ng Express Way ay walang ibang ginawa si Tanya kundi dumaldal nang dumaldal. Halos tulog na yung ibang nasa likuran, ngunit ang babae ay walang tigil pa rin sa pagsasalita.

Natutuwa naman si Rafael dahil sa dami ng kwento ng babae. Naalala niya kasi kung gaano kadaldal noon ang pumanaw niyang nobya. Ngunit nang makaramdam ng pagod si Tanya eh tumigil ito sa pagdaldal.

Habang natutulog ang mga tao ay napakabig ang drayber, kaya napausog naman si Tanya patungo sa braso ni Rafael. Tinitingan ni Rafael ang babae at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ng binata.

Pinagmasdan niyang mabuti ang mga mata ng dalaga at ang mapupulang labi nito, napangiti siya dahil hawig nito ang pumanaw niyang nobya kapag natutulog. Itinaas niya ang kanyang braso at saka inayos ang ulo ng babae papunta sa kanyang balikat.

Alas siyete ng umaga ay dumating sila sa lugar kung saan sila titira sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Magkatapat lamang naman ang kwarto nila Rafael at Tanya.

Advertisement

“Nagmo-move on ka ba, kaya ka nandito sa Sagada mag-isa?” tanong ni Tanya bago pumasok ng kwarto.

“Parang ganun na nga. Ikaw ba?”

“Ahm, hindi naman. Ipinangako ko lang kasi sa sarili ko na kapag gumaling na ako, maglilibot talaga ako sa buong Pilipinas at sa buong mundo,” nakangiting saad ng dalaga.

“Gumaling saan?” naguguluhang tanong ng lalaki.

“Kwento ko na lang sayo sa susunod, sa ngayon, bihis muna tayo, ang lamig dito!”

Pumasok sila sa kwarto at nagpahinga sandali, dahil maya-maya lamang ay magsisimula na ang kanilang pagbisita sa mga magagandang tanawin sa lugar.

Nagtungo sila sa Sagada weaving, Pottery training center, Lake Danum at Sumaguing Cave. Matapos ay umuwi muna saglit upang magpahinga at maligo.

Kinahapunan ay pumunta sila sa mismong bayan upang kumain, at dahil halos lahat nandoon ay mga magkasintahan, tanging si Rafael at Tanya lamang ang naiwan na magkasama.

Advertisement

Habang kumakain ay dinadaldal ni Tanya ang kasamang lalaki, “bakit ka nagmo-move on?” pang-uusisa nito.

“Eh di syempre, nawalan ng minamahal,” sagot ng lalaki habang humihigop ng mainit na tsokolate.

“Alam ko, pero bakit nga?” muling tanong ng babae habang ngumunguya.

“Sa aksidente, dalawang taon na siyang wala apat na araw mula ngayon,” bakas sa boses ng lalaki ang kalungkutan.

“Ay, pasensiya na,” mahinang sabi naman ni Tanya.

“E ikaw? Ano ‘yong sinasabi mo kanina? Gumaling saan?”

“Sabihin na lang natin na pangalawang buhay ko na ‘to, para mas maiksi ang paliwanag,” at saka ito tumawa.

“Pero bakit? Anong nangyari?” usisa naman ngayon ni Rafael.

Advertisement

“Muntik na akong mawala sa mundo noon. Nagkasakit kasi ako ng malubha, pero buti ay may dumating para tumulong sakin. Magdadalawang taon na rin,” wika naman ng dalaga.

“Wow, buti ka pa. Sana lahat nabibigyan ng pagkakataon na mabuhay pa,” hugot naman ng lalaki.

“Di bale, ilalabas natin yan bukas pagpunta sa Echo Valley!” ngumiti lamang ang dalaga at saka tinuloy ang pagkain.

Hindi pa rin maipaliwanag ni Rafael ang kakaibang pakiramdam niya sa kanyang puso na para bang hindi talaga ito ang unang beses na nagtagpo sila ng dalaga. At sa kabila ng lungkot na nararamdaman ay para bang ang dalaga ang nagbigay ng liwanag sa kanya.

Kinabukasan ay nagtungo na sila sa Echo Valley at Hanging coffins. Tuwang-tuwa si Tanya sa mga nakikita. Malamig ang paligid, ngunit sa tuwing nakikita ni Rafael ang mga ngiti ng dalaga ay para ba itong araw sa kanyang pakiramdam.

Pagbalik sa bahay-panuluyan ay nagsimula sila ng apoy sa gitna at doon ay nagtipon ang grupo at nagluto ng marshmallows. Ligayang-ligaya ang puso ni Rafael habang minamasdan si Tanya na parang batang nagluluto at kumain.

Bago pumasok sa kwarto ay kinausap ni Rafael ang babae.

“Ah, Tanya?” pagtawag nito.

Advertisement

“Ano yun?” sagot ng babae.

“Gusto kita. Alam ko masyadong mabilis dahil dalawang araw pa lang tayong nagkakakilala, pero nagugustuhan na kita,” pagtatapat ng binata.

“Sigurado ka na ba dyan?” humarap sa kanya ang dalaga, “alam mo Rafael, minsan pag nalulungkot ang isang tao, madalas akala natin gusto natin yung taong nagbibigay ngiti sa atin.”

“Pero Rafael, iba yung masaya ka, kasi may may taong pansamantalang pinapalimot sayo yung rason sa kalungkutan mo, kaysa sa gusto mo yung tao kasi masaya ka sa kanya. Malaki ang pagkakaiba nun,” saad ng dalaga.

“Masaya ako pag kasama ka, at gusto kita. Siguro tamang panahon naman na para buksan kong muli ang puso ko, ‘di ba?” malakas na pagkakasabi ng lalaki.

“Sabihin mo sa akin yan, dalawang araw mula ngayon, pag nakabalik na tayo sa Maynila,” yumakap ang dalaga sa lalaki, at saka ito pumasok sa kwarto.

Kinabukasan naman ay una nilang pupuntahan ay ang Kilteplan View, bago bumaba ng Baguio at bumalik ng Maynila.

Isang napakagandang tanawin ng pagsikat ng araw habang nakatingin sa dagat ng ulap na para bang abot kamay lamang, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.

Advertisement

“Bukas, alamin mo ang tunay mong nararamdaman, kung tunay ngang gusto mo ako, hanapin mo ako pagbalik sa Maynila. Tadhana na lang siguro ang magdadala sa’tin para pagtagpuin muli ang isa’t isa.” anito.

“Maliit lang ang Maynila, ngunit minsan ay nagiging malaki ito para sa dalawang taong naghahanapan,” dagdag pa ng dalaga.

“Saan kita matatagpuan pagbalik natin sa reyalidad?” tanong naman ng binata.

“Ngayon, magtitiwala ako sa tadhana, magkikita tayong muli kung tunay ang nararamdaman mo. Hindi mo ako kailangang hanapin,” malalim na wika ni Tanya, “napakaganda ng tanawin,” nakangiting sabi naman ng dalaga.

“Napakaganda talaga,” sagot ni Rafael habang nakatitig sa nakangiting babaeng katabi niya.

Dumaan muna sila sa Baguio upang kumain saglit, matapos ay dumiretso na sila ng uwi sa Maynila. Alas nuwebe pasado ng gabi ay nakarating na sila sa isang malaking mall sa Quezon City at doon bumaba.

“Salamat, Rafael. Sobrang enjoy ang trip na ‘to kasi may kasama ako,” ngumiti lamang ang dalaga at kinuha ang mga gamit.

“Paano ba yan? Kita-kits na lang tayo?” pabirong wika ng binata.

Advertisement

“Salamat ulit,” tumalikod na si Tanya at nagsimulang lumakad paalis.

“Tanya!” malakas na pagtawag ng lalaki, “pag hindi tayo pinagtagpo ng tadhana, gusto ko lang sabihin na ako ang gagawa ng tadhana upang makita at mahanap ka ulit. Mag-iingat ka pag-uwi!” at saka ito humalik sa palad at hinipan papunta sa dalaga.

Ngumiti lamang naman ang dalaga at kumaway na paalis.

Lumipas na ang magdamag at hindi gaanong makatulog si Rafael, kinabukasan kasi ang ay kaarawan niya at ikalawang taon naman ng pagpanaw ng dating kasintahan. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mata at inalala ang masasayang pangyayari sa ginawang paglalakbay.

Kinabukasan ay maagang gumising ang lalaki, at nagtungo agad sa isang resto para katagpuin ang magulang ng yumaong nobya.

“Oh Rafael, nandito ka na pala,” bati ng matandang babae.

“Opo tita, kumusta po kayo?”

“Ayos naman. Siya nga pala may parating din tayong isa pang bisita, buti nga at pinaunlakan niya kami sa aming imbitasyon,” saad muli ng babae, “oh ayan na pala siya eh,” nakaturo sa babaeng pumapasok sa pintuan.

Advertisement

Nang lingonin ni Rafael ay parang bang unti-unting bumagal ang pag-ikot ng mundo. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon, nagsimula nang gumuhit ang kurba sa mga labi ng lalaki.

“Tanya?” gulat na tanong ni Rafael.

“Magkakilala pala kayo?” tanong ng ina ng dating nobya.

“Opo, nagkasama po kami sa paglalakbay sa Sagada,” nakatinging saad ng binata.

“Maganda umaga po,” bati ni Tanya.

“Ah Rafael,” huminga ng malalim ang ginang, “siya ang nakatanggap ng puso ng anak ko, dalawang taon na ang nakakalipas. Sa kanya na-donate ang puso ni Krizzia noon,” pagpapaliwanag ng ginang.

Umupo ang dalaga sa tabi ni Rafael at bumulong, “Mukhang tadhana nga ata,” wika ni Tanya.

“Sa pagkakataong ito, hindi na kita papakawalan,” matamis na bulong ni Rafael sa tenga ng babae

Advertisement

Noong araw na naaksidente si Krizzia, na dating kasintahan ni Rafael, ay nangailangan naman ng puso si Tanya upang mabigyang lunas ang sakit nito sa puso. Isang malaking paglalaro ng tadhana ang ginawa sa kanilang buhay.

At doon naliwanagan si Rafael, kaya naman pala napakagaan ng loob niya sa dalaga ay dahil puso ng dating nobya ang tumitibok ngayon sa dibdib ng nito.

Hindi lang dahil siya na ang nagmamay-ari ng puso ng dating kasintahan, kundi dahil ang dalaga ang nagbigay ngiti muli sa kanyang labi, at ang bumuhay sa natutulog niyang puso.