Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Ang Nakakagigil na Regalo - Inday Trending

Ang Nakakagigil na Regalo

Kaarawan ng matalik na kaibigan ni Ken na si Luis subalit dahil sa kanilang biglaang family reunion ay hindi ito makakasama. Habang nakaupo ito sa sala kasama ang mga pinsan ay kausap nito sa telepono ang kanyang nobyo na si Michelle.

“Sure ka sasama ka pa rin kahit wala ako? Baka naman ma-OP ka lang dun ah,” sabi ni Ken habang palihim na pinipigilan ang kanyang nobya na pumunta sa kaarawan ni Luis.

“Ok lang ako dun babe, sasama ko naman si Yani sa birthday,” sagot naman ng nobya nito.

“Ok sige. Basta lagi mo akong iuupdate ha. Tsaka ‘wag ka masyadong magpapa-late ng uwi kasi delikado na sa daan,” bilin nito bago ibaba ang telepono.

Agad naman nitong ibinaba ang telepono para tawagan si Yani para pabantayan sa kaarawan ng kaibigan ang kanyang nobya.

“Yani, ikaw na muna ang bahala kay Michelle mamaya ha? Pasensya na kasi hindi ako makakasama,” pakiusap nito sa kaibigan ng nobya.

“Ano ka ba, ok lang yun ‘no! Bestfriend ko si Michelle, hindi ko hahayaan na mapahamak yung kaibigan ko,” kampanteng sagot naman ni Yani.

“Salamat ha? Mag-iingat kayong dalawa. Maraming bisitang lalaki dun. Sige na, kakain na kami ng hapunan,” pamamaalam nito. Agad na nagpunta si Yani sa bahay ni Michelle at nagpunta na sila sa bahay ni Luis.

“Michelle, Yani, buti naman at nakapunta kayo. Sayang wala si Ken,” sabi ni Luis sa bagong dating na bisita. Iniabot naman ni Michelle ang regalo nito sa kaibigan ng nobyo.

“Uy salamat! Nag-abala ka pa. Mamaya ko na bubuksan ‘to ha? Tara kain na muna kayo nang masimulan na ang inuman,” naka-ngiting pag-aaya ni Luis. Agad namang kumain si Michelle habang si Yani naman ay binabantayan ang kaibigan.

Pagkalipas ng ilang oras ay tinawagan ni Ken ang kanyang nobya para kamustahin.

“Babe! Kamusta kayo? Nakauwi ka na ba? Gabi na ah,” tanong ni Ken sa nobya.

“Oo babe, nakauwi na ako. Inaantok na nga ako eh, matutulog na ako ha?” pagod na sagot naman ng dalaga. Agad naman na nakahinga ng maluwag ang binata dahil alam niyang nakauwi na ang nobya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tuluyan nang natulog si Ken dulot ng pagod sa kanilang reunion.

Pagkalipas ng ilang linggo ay kaarawan naman ni Ken ang dumating. Agad itong naghanda at inimbitahan ang nobya at mga kaibigan sa kanyang kaarawan.

“Luis, punta kayo sa birthday ko sa bahay ah! Tayo-tayo lang naman yung tao kasi nagsabi na ako sa parents ko,” pag-aaya ni Ken. Mabilis namang pumayag ang kaibigan nito kaya inayos na agad niya ang mga kailangan.

Araw ng kaarawan ni Ken kaya lahat ng kaibigan nita ay nasa bahay nila. Inaayos nito at ni Yani ang mga pagkain habang si Michelle ay nasa sala kasama ng ibang kaibigan na umiinom ng alak.

“Yani, kukulangin ata tayo sa alak. Pwede mo ba ako samahang bumili?” tanong ni Ken sa dalaga.

“Oo naman, yayain ko lang sila para marami tayong magbubuhat,” sagot naman nito.

“Oo sige, salamat,” nakangiting sabi ni Ken. Umalis ang magkakaibigan at naiwan sina Michelle at Luis dahil mas pinili nilang kumain kaysa tumulong magbuhat ng alak.

Pagkalipas ng halos isang oras ay nakabalik na sila Ken sa bahay, inilapag nila ang mga alak sa mesa. Pagkatapos ay nagpunta si Ken sa sala para kunin ang iniwang telepono.

“Guys, malapit na tayo magsimula ng totoong celebration. Pero bago yun, punta muna kayong lahat dito sa sala. May papakita muna ako sa inyo,” naka-ngiting pag-aayaya ni Ken sa mga kaibigan.

Agad na lumapit ang mga ito at naupo sa sofa. Pinag-connect ni Ken ang kanyang cellphone at ang kanyang TV para makita ang ipapanood ng binata.

“Bago ko i-play ang video. Gusto ko munang malaman niyo ang ating mapapanood ay SPG. Kaya ingat ingat lang at ‘wag tutularan,” natatawang sabi pa nito bago i-play ang video mula sa kanyang cellphone.

Habang nagpe-play ang video, gulat na gulat ang lahat nang makita nila na habang bumibili pala sila ng alak sa tindahan ay nagpapakasaya sina Michelle at Luis sa sala. Kitang-kita dito ang paglalampungan at paglalandian ng dalawa, sa bahay pa mismo ng niloloko nila!

“Kaya pala mas gusto niyong maiwan dito para kumain, yung isa’t isa pala yung kakainin niyo ano?! Galing! Ang bababoy niyo! Mga hayop!” nanggigigil na sabi ni Ken sa dalawa. Biglang buhos naman ang iyak si Michelle habang humihingi ito ng tawad sa nobyo.

“Sorry p’re. Nadala lang kami ng alak,” sabi ni Luis sa kaibigan.

“Hindi yan dahil sa alak! At huwag mo akong matawag-tawag na pare, g*go! Kahit nung birthday mo, sabi ni Michelle sa akin ay nakauwi na siya. Yun pala nasa ibabaw mo na siya at ginigilingan ka! Buti na lang sinabi sa akin ni Yani lahat,” sagot ni Ken sa dalawa.

Nagulat ang mga ito sa sinabi ng binata. Matagal na palang nagsumbong si Yani kay Ken, at naghintay lang ito ng magandang pagkakataon upang mabuko ang malaswang relasyon ng dalawang taksil.

Wala silang nagawa kundi ang umalis sa bahay ni Ken. Ngunit bago pa iyon mangyari, sinigurado ni Ken na hiwalay na sila ng manlolokong si Michelle. Hindi na rin nagpakita kailanman sa kanya ang kaibigang si Luis sa takot na mabura ang mukha niya sa maaaring gawin sa kanya ng dating kaibigan.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.