Nagkasakit na ang Nobyo ng Babae Maibigay lang sa Kanya ang Magarbong Kasal, Buti Nalang Natauhan Siya Bago Mahuli ang Lahat

“Will you marry me?” nakakakilig na tanong ni Leo sa nobya.

“Oo babe, yes! yes!” naiiyak na sagot ni Jenny.

Matagal nang magkasintahan si Leo at Jenny. Napapagusapan na rin nila ang pagpapakasal at ngayon nga nagkaroon na ng lakas ng loob si Leo na mag-propose kay Jenny.

Masaya ang nagging pagplaplano ng dalawa. Napag-usapan na nila ang halaga ng kanilang gagastusin para maging maganda at maayos ang kanilang espesyal na araw. Para kay Leo, ang importante ay naroon ang kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan; sinang-ayunan din naman ito ni Jenny.

“Basta babe ang importante, wala tayong makalimutang importanteng detalye at syempre kung ano ang makakapagpasaya sa’yo.” paalala ni Leo sa nobya.

“Ay naku babe, madami nga silang pinapadala sa akin na mga supplier na kakailanganin natin para sa kasal. Akong bahala.” sagot naman ni Jenny.

Bago sumapit ang kanilang espesyal na raw ay naimbitahan ang magkasintahan sa kasal ng kanilang kaibigan.Okay na rin iyon para makakuha naman sila ng idea kahit papaano.

Isang maganda at magarbong kasalan ang nasaksihan ng dalawa. Nangningning ang mga mata ni Jenny at panay ang bulong sa nobyo sa mga napapansin at nagugustuhan nito sa kasalan ng kaibigan. Hindi rin maitatanggi na nagandahan si Leo sa mga nakita. Masarap ang pagkain, magaganda at madami ang mga bulaklak sa simbahan.

Advertisement

Kitang kita na malaki ang nagastos ng kanilang kaibigan sa kasalan, dahil maganda rin ang ayos sa bulwagan at mamahalin din ang mga souvenir ng mga ito.

Ilang araw pagkatapos ng kasalan na kanilang dinaluhan ay napansin ni Leo na tahimik at may iniisip ang nobya.

“May problema ba babe? Bakit tahimik ka ata?” pag-aalala ni Leo.

“Babe, mukhang mauubos ang inipon natin at mukhang kukulangin pa. Tingnan mo ang listahan ng mga kailangan sa kasal.” sagot ni Jenny.

Tiningnan naman ni Leo ang listahan ni Jenny. Nagulat ito dahil halos triple ang tinaas ng kanilang magagastos para sa kasal, madami ring nadagdag na parang wala naman sa kanilang unang plano.

“Babe, bakit parang ang dami atang nadagdag dito? Kailangan ba talaga natin itong mga bubbles, butterflies, para saan nga ito? Saka itong mga bulaklak, bakit dinoble mo yung sa simbahan at triple naman sa reception?” pagtataka ni Leo.

“Babe, nakita mo ba kung gaano kaganda yung kasal nila Andrea? Sobrang ganda. Yun yung gusto ko. Bakit, hindi ka ba nagandahan?” sagot ni Jenny.

“Maganda, sobrang ganda pero napakamahal at hindi praktikal.” tugon ni Leo.

Advertisement

“Hindi praktikal? Leo! Kasal natin yun, bakit mo tinitipid? Sinasabi mo ba na hindi importante yun?” sagot ni Jenny.

“Babe, ano nangyayari sa’yo? Bakit ka nagkakaganyan? ‘Di ba maayos naman natin itong pinaplano?” wika ni Leo.

Tuloy pa rin ang maling paratang ni Jenny sa nobyo. Pinipilit niya na gusto niya ng kasal na tulad ng sa kaniyang kaibigan. Hindi naman makapaniwala si Leo sa naririnig sa kasintahan. Hindi niya inaasahan na ganito ang iaasal sa kaniya ng nobya dahil malinaw sa kanila na mas paghahandaan nila ang gastusin sa pagpapamilya.

Ilang araw na hindi kinausap ni Jenny si Leo. Lahat ng paraan ay ginagawa ng binate upang lambingin ang papakasalan. Sinubukan niya rin ipaliwanag ang kanilang kakayahan at pinilit ipaintindi sa nobya na hindi por que hindi magarbo ang kasal ay hindi na ito importante sa kaniya.

“Babe, sige na, idagdag mo na lahat ng gusto mo. Please wag ka nang magalit sa akin. Pag-usapan na natin ito.” paglalambing ni Leo.

“Talaga? Yehey! Pero paano natin mapupunan yung kulang?” tanong ni Jenny.

“Ako nang bahala, edi mago-overtime ako. Magta-trabaho ng mas mabuti para mabigay ko ang pangarap mong kasal. Para hindi ka na magalit sa akin. Alam mong mahal na mahal kita at wala akong hindi gagawin para sa’yo.” wika ni Leo habang niyayakap si Jenny.

Ilang buwan ang lumipas at subsob sa trabaho si Leo upang mapunan ang malaking nadagdag sa budget nila para sa kasal. Si Jenny naman ay tinuloy lahat ng mga makakaganda para sa kanilang kasal, lahat ng nakita nito sa kasal ng kaibigan kahit gaano pa ito kamahal at kahit pa hindi naman ito kailangan ay ginagaya niya.Hanggang isang araw ay nagkasakit na nga si Leo dahil sa pagod. Sinabihan siya ng doktor na kailangan niya magpahinga muna at kumain ng wasto dahil nakita rin nila na may ulcer na ito. Nalungkot si Jenny sa nangyari. Nag-alala siya ng sobra sa nobyo.

Advertisement

“Babe, bakit naman kasi hindi ka kumakain sa oras. Ayan tuloy nagkasakit ka.” naiiyak na wika ni Jenny.

“Ano ka ba, gagaling naman ako agad. Isa pa, kumpleto na natin yung gagastusin natin sa kasal. Tuloy na tuloy na ang dream wedding mo. Halos isang taon rin natin itong pinaghandaan. I love you.” masayang sagot ni Leo.

“Thank you babe, napakaswerte ko sa’yo.” sabi ni Jenny habang excited na sa darating na kasal.

Dalawang buwan bago ang kasal, nakatanggap ng tawag si Jenny mula kay Andrea.

“Andrea, kamusta? ‘wag ka mawawala sa kasal ko ah, kayo ni Miguel. Halos katulad ng kasal mo ito, magugulat ka!” kwento ni Jenny sa kaibigan.

“Pupunta ako pero hindi ko kasama si ano. Kaya ako tumawag sa’yo kasi gusto ko nang makipaghiwalay sa kaniya.” wika ni Andrea.

“Ano? Ano nangyari? Ang ganda ganda at milyon ang inabot ng kasal ninyo tapos maghihiwalay lang kayo?” gulat na gulat na tanong ni Jenny.

Ikinuwento ni Andrea sa kaibigan ang lahat.

Advertisement

“Sobrang ganda ng kasal namin. Pinaghandaan talaga namin iyon. Umabot sa milyon ang nagastos. Lahat nga ng bisita nagsasabing parang artista ang ikinasal pero isa din pala yun sa magiging dahilan ng hiwalayan namin. Magkatabi na lang kami sa kama pero parang hindi na kami magkakilala.” wika ni Andrea.

Umabot ng milyon ang kasal ni Andrea na pinapangarap ni Jenny. Pagkatapos ng kasal ay parang nasa alapaap si Andrea at Miguel dahil sa mga papuri sa ganda ng kanilang kasal ngunit ilang buwan pagkatapos nito ay nalugi ang negosyo ng dalawa. Nagkabaun-baon sila sa utang bukod pa sa ibang utang nila sa ginastos nila sa kasal. Dahil sa problemang ito ay madalas na magtalo ang mag-asawa hanggang umabot sa pambubugbog ni Miguel kay Andrea.

Naiyak si Jenny sa kinuwento ng kaibigan.

“Ang pinapangarap kong kasal? Ang kinaiinggitan ko, maghihiwalay ng dahil sa pera?” wika niya sa sarili.

Buong gabing hindi makatulog si Jenny. Para bang natauhan siya sa nangyari. Hindi pala sa garbo ng kasal masusukat ang tibay at pagmamahalan ng mag-asawa. Kaya ng dumating si Leo ay agad niyang niyakap ito.

“Babe, sorry. Nakakahiya. Sorry. Tatawagan ko agad lahat ng mga suppliers na pwede namang wala na sa kasal natin. May dalawang buwan pa ako para I-cancel sila. Sorry dahil sa pangarap ko o inggit na siguro ito, nag-away pa tayo. Ang swerte ko sa’yo dahil imbis na magalit ka sa akin ay nagtrabaho ka hanggang magkasakit para lang mapasaya ako.

Napaka makasarili ko. Tama ka, hindi por que simple lamang ang kasal ay hindi na ito espesyal na araw. Buti at hindi mo ako iniwan sa mga kabaliwan ko. I love you babe.” wika ni Jenny habang umiiyak sa harap ni Leo.

Nagulat si Leo sa nangyari at naintindihan lamang niya ito ng ikwento ng nobya ang nangyari kay Andrea at Miguel.

Advertisement

Tinanggal ni Jenny ang lahat ng hindi naman kailangan sa kanilang kasal na idinagdag niya dahil lamang gusto niya gayahin ang kasal ng kaibigan. Pinagtuunan nila ng pansin ang mga importanteng detalye tulad ng pagkain, photo and video at mga damit ng mga abay. Binawasan na rin niya ang mga burloloy na bulaklak sa simbahan at kainan. Halos kalahati ng halaga ang nabawas.

Naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-iisang dibdib. Hindi man ito naging magarbong magarbo ngunit ito ay isa sa pinaka hindi makakalimutang sandali ng mga bisita, pamilya at lalo na ng mag-asawa. Sa ngayon ay sampung taon ng kasal si Jenny at Leo. Ang kanilang naipon na gagastusin sana noon sa kasal ay ginamit nila na panimula para sa kanilang pamilya.

Tandaan, walang masama magpakasal ng magarbo basta naayon at kaya ng iyong estado. Huwag natin kalimutan ang totoong esensiya ng kasal, ito ay pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Paghandaan ang kasal pero mas paghandaan ang buhay mag-asawa.