Nadurog ang Puso ng Lalaki nang Mabasa ang ang Likod na Bahagi ng Diary ng Pumanaw na Asawa

Mga gusto kong gawin sa buhay:

1. Maging isang guro.

2. Makapunta sa Vigan.

3. Matagpuan ang lalaking pakakasalan ko.

Isinara na ni Rod ang libro, hindi niya kayang tapusing basahin ang diary ng kanyang yumaong misis.Nalulungkot kasi siyang isipin na may mga pangarap itong hindi na natupad, na hindi niya naibigay dito ang buhay na karapat dapat dito, isa itong housewife at madalang lang kung mailabas niya ito. Nawala ang babae sa buhay niya isang taon na ang nakalilipas, iniwan siyang nag iisa, kailangang gampanan ang pagiging ama at ina sa kanilang tatlong anak. Nagliligpit siya noon ng mga gamit nito nang makita niya ang diary pero tuwing susubukan niya namang basahin ay tila nabibiyak ang kanyang puso kaya hindi niya na itinutuloy.

May mga panahon na pakiramdam niya ay nagkukulang na siya sa mga anak, mula kasi nang mawala ang babae ay parang isinama nito ang kalahati ng kanyang pagkatao. Ano’ng magagawa niya? Tao lang siya at kinuha sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Pero tuwing makikita niya ang mga anak, si Leah, 12 taong gulang, Leila 8 taong gulang at si Lemuel na 3 taong gulang, nilalabanan niya ang lungkot. Alam niyang kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay para sa mga ito.

Sa umaga ay siya ang nag aayos ng baon ng mga bata, ihahatid niya ang dalawa sa eskwela, tapos ang bunso naman sa kanyang nanay na siyang nag aalaga rito dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho. Nagiging okupado ang kanyang utak sa mga bagay na kailangan gawin kaya naman panandalian niyang nalilimutan ang lungkot, pero kapag napag iisa siya, muling binabalot ng pighati ang kanyang puso.

Tulad ngayon, mag-isa siya sa kwarto at minamasdan ang litrato ng kanyang asawa. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala si Leila, at binabasa na nito ang lumang diary ng ina.

Advertisement

“Ma-ging i-sang gu-ro.” sabi nito kaya napalingon siya.

“Huy anak! Wag mong galawin ang diary ng mommy mo.” agad niyang inagaw dito ang notebook, nagulat pa siya nang mula sa pahinga noon ay nalaglag ang ilang mga litrato, may naiwan pang ilan na nakaipit kaya wala siyang nagawa kundi buklatin ang mga iyon at di niya inasahan ang kanyang mga nakita.

Kumandong sa kanya si Leila at tinulungan siyang basahin ang diary.

Mga gusto kong gawin sa buhay:

1. Maging isang guro.

2. Makapunta sa Vigan.

3. Makahawak ng totoong snow.

Akmang isasara muli ni Rod ag notebook pero binuklat iyon ni Leila, at di niya inasahan ang sumunod na nakita, litrato nilang dalawa ang nakadikit doon sa pahina.

Advertisement

4. Mapakasalan ang lalaking mahal ko.

5. Magkaroon ng mga anak.

6.Magkaroon ng anak na lalaki.

7. Pagsilbihan ang mag-aama ko.

8. Makita ang mukha ni Rod, bago ako matulog at paggising ko sa umaga.

Pinahid niya ang mga luha, sa susunod na pahina, may sulat pala roon ang kanyang asawa.

Rod,

Sorry hindi ko natupad ang promise ko na magkasama tayong tatanda. Pero nandito lang ako lagi mahal, nakabantay sa inyo ng mga bata. Gusto ko lang malaman mo na ang buhay na ibinigay mo sa akin ay higit pa sa buhay na pinangarap ko noon. Minahal mo ako, at ginawa mo akong isang ina sa tatlong magagandang bata. Ipagpatuloy mo ang buhay dahil magiging maligaya ako kung makikita kong maligaya ka, salamat sa pagtupad mo sa mga pangarap ko.

Advertisement

Yssa

Tila natanggal ang pagkakatusok ng isang matulis na tinik sa kanyang dibdib, biglang gumaan ang pakiramdam niya. Nawala ang lahat ng pangamba at pagsisisi na nagkulang siya sa kanyang asawa, lumakas ang loob ni Rod.

Mag-isa niyang naitaguyod ang kanyang mga anak, ngayon ay graduating na sa kursong nursing ang bunso niyang si Lemuel, hindi na siya muling nag-asawa pero naging masaya ang kanyang buhay.

“Papa, alam kong ginagabayan tayo ni mama.” sabi ni Lemuel habang nagmamartsa silang mag ama upang kunin ang diploma nito.