Nais Narin Tapusin ng Babaeng Ito ang Kanyang Buhay Matapos Pumanaw ng Kanyang Mister, Pero Isang Tawag sa Telepono Pala ang Makakapagpabago ng Kanyang Buhay

Isang linggo na ang nakakalipas nang ilibing ang asawa ni Marineth, namatay ito dahil sa atake sa puso habang nasa trabaho. Nasa bahay lang noon si Marineth at naghihintay na umuwi ang asawa pero masamang balita pala ang sasalubong sa kanya. Ngayon ay hindi alam ng babae kung saan magsisimula, kakakasal lang nila noong isang taon pero kay aga siyang iniwan ng Mister.

“Patrick, ano nang gagawin ko? Paano na ako?” iyak ng babae sa tabi ng kama habang yakap-yakap ang lumang T-shirt ng asawa.

Wise men say..only fools rush in.. But I can’t help, falling in love with you.. Tila asin pa na ibinudbod sa sugatan niyang puso ang tugtog na iyon sa radyo, iyon kasi ang theme song nila ni Patrick.

Iyon ang sinayaw nila noong araw ng kanilang kasal. Tandang tanda ni Marineth na napakalaki ng mga ngiti nila noon. Punung-puno ng pagmamahal at pangarap- magkaroon ng mga anak, magkasamang tumanda.

Pero heto siya ngayon luhaan at mag isa, ni hindi pa nga sila nagkakaanak. Simula nang mawala si Patrick ay hindi na siya nakakain at nakatulog ng maayos. Nakadama siya ng matinding pananakit ng tiyan kahapon kaya naman pinilit na siya ng nanay niya na pumunta sa doktor, kinuhanan sya ng sample ng dugo at ihi upang malaman kung ano ang sakit niya at tatawagan na lang daw siya kung may resulta na.

“Kunin mo na lang ako ‘Trick. Sana may sakit ako, isama mo na lang ako sa’yo honey..” iyak pa rin siya ng iyak. May pumasok na ideya sa isip niya, pumunta siya sa kusina at kinuha ang kutsilyo, mas mabuti siguro kung kitilin niya na lang ang buhay para makasama na niya ang asawa.

Desidido na siyang tapusin ang buhay niya nang may narinig siya, hindi niya alam kung guni-guni iyon o nababaliw na siya kaya naririnig niya ang boses ni Patrick.

“Honey..” sabi ng boses. Palingon pa lang siya ay saktong nag-ring ang telepono, ayaw niya sanang sagutin pero makulit iyon at paulit-ulit ang pagring.

Advertisement

“Hello?” sagot niya.

“Hello, this is Jema from St.Lukes Medical Center, si Mrs. Delgado po ba ito?” tanong ng nurse mula sa ospital kung saan siya nagpacheck up.

“Speaking.” sagot naman niya, wala siyang gana.

“Congratulations Ma’am! Wala po kayong sakit, ang reason po ng pagsakit ng puson ninyo ay dahil buntis po kayo!” sabi ng nurse.

Saglit na natulala si Marineth, naibaba niya ang telepono. Maya maya ay napaluha siya, ngunit nakangiti. Hindi pala siya talaga iniwang mag isa ni Patrick, kapalit nito ay ang isang anghel na makakasama niya habangbuhay. Nagkaroon uli ng dahilan para lumaban sa buhay si Marineth, at naging mabuti siyang ina.

Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? Kung ikaw ang nasa lugar ni Marineth, ano ang gagawin mo?Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.