Ilang Linggo nang Kasal ang Dalawa Pero Ayaw Pa ring Tumabi ni Misis sa Kama, May Kakaibang Itinatago Pala ang Babae

Masayang binuhat ni Ferdie si Giselle pababa ng kotse. Alas onse na ng gabi at katatapos lang umuwi ng mga bisita sa kanilang kasal. Sa wakas, maso-solo niya na rin ang misis.

Nakilala niya ang babae sa isang opisina sa Makati,na-love at first sight siya rito. Lalong lumalim ang pagtingin niya nang lubusan niyang makilala si Giselle at malamang hindi lang ito maganda, mabuting tao pa.

Laking pasasalamat niya sa Diyos nang sagutin siya nito kaagad, ganoon na rin ang tuwa niya nang pumayag itong magpakasal sa kanya matapos ang isang taon. Kahit na mag-nobyo na sila noon ay hindi niya tinangkang makipagtalik rito. Mahal niya si Giselle at handa siyang maghintay ng tamang oras para angkinin ito.

“Dahan-dahan ka babe,” sabi ni Giselle nang paakyat na sila sa hagdan. Buhat pa rin kasi niya ito.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto at pumasok, maingat na inilapag ang misis sa kama.

“Sino ang mauunang maligo, ako o ikaw? or..sabay tayo?” nakangiting biro niya. Kitang-kitang namula ang mukha ng babae.

“I-Ikaw na siguro,” nakatungong sabi nito.

Lalo siyang na-excite. Nakakatuwa talaga si Giselle, ang cute cute kapag nahihiya.

Advertisement

Tumango lang siya at nauna nang mag-shower. Nang matapos siya ay sumunod ang babae, paglabas nito ng banyo ay medyo natawa pa siya kasi naka-pajama ito at T-Shirt. Ang ibang babae kapag bagong kasal ay nagsusuot ng sexy na lingerie. Well, iba siguro talaga ang misis niya.

Niyakap niya ito at binulungan, “Mahal kita Gi.”

“M-Mahal rin kita.” sabi nito. Hinalikan niya ito at habang tumatagal ay lumalalim iyon. Sinimulan niyang hagkan ang tenga ng babae pababa sa leeg pero naramdaman niya ang mga braso nitong pumipigil sa dibdib niya. Tila ba inilalayo siya.

“Baby, what’s wrong?” nag-aalalang sabi niya. Hindi makatingin sa kanya si Giselle.

“C-Can we do it some other time? Pagod kasi ako,” sabi nito.

“Oo naman.” iyon lang pala eh. Kahit pa nasasabik na siya, mas mahalaga pa rin ang nararamdaman nito. Niyakap niya ang misis at sabay silang natulog.

Noong una, akala ni Ferdie ay nahihiya lang ang babae sa kanya. Pero dalawang Linggo na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa. Kung anu-ano nang dahilan ang nasabi ni Giselle.

Ayaw niya mang isipin, isang bagay lang ang pumasok sa utak niya. At sigurado siya roon. Na-rape ang misis niya.

Advertisement

Tuwing susubukan niya kasing lambingin ito, hindi lang basta hiya ang makikita sa mata ng babae. Naroon ang takot.. matinding takot. Tiyak niyang bumabalik rito ang mapait na alaala ng nakaraan.

Maghapon niya itong hindi pinagkikibo habang nasa opisina sila, malalim ang iniisip niya. Kailangang mag-usap silang dalawa.

Tahimik na ini-lock niya ang kotse at pumasok na sa bahay, naghahain na ng hapunan si Giselle ay di pa rin siya kumikibo. Nakatitig lang sa kanya ang babae. Siya na ang nag-prisintang maghugas ng pinggan.

“Baby, after this, usap tayo.” seryosong sabi niya.

“Okay. Napansin ko ring may problema ka. Tamang-tama kasi.. m-may ipagtatapat ako sayo.” sabi nito.

Napabuntong hininga si Ferdie. Mabilis lumipas ang ilang minuto at magkatapat na sila ngayon ng asawa, nakikiramdam sa isa’t isa. Siya na ang bumasag ng katahimikan.

“Gi, gusto ko lang malaman mo na kahit na ano pa ang nakaraan mo ay hindi iyon magiging hadlang sa samahan natin. Nandito na ako, hindi na mauulit iyon.” bungad niya.

Nakatingin lang sa kanya ang babae, nagtataka.

Advertisement

“Alam ko ang lahat Giselle kahit hindi mo sabihin. Alam ko na ang ipagtatapat mo ngayon. Always remember na habang nandito ako, hinding hindi makakalapit ang masasama sa’yo.Handa akong maghintay kung kailan ka handa at kung gusto mong magpa-therapy, susuportahan kita..”

“Huh?” sabi ng babae.

“Wag ka nang magkaila, wag kang mahiya sa akin. Hindi issue ang virginity sa akin dahil hindi iyan ang magde-define sayo bilang tao. Minahal kita dahil ikaw yan,”

“Wait, ano’ng virginity na ang sinasabi mo?” kunot noong tanong ni Giselle.

“Alam kong na-gahasa ka.” sabi niya, hinawakan ang kamay nito.

“Ha?! Ano’ng na-gahasa, wait nga, ano’ng sinasabi mo?”

Siya naman ang natahimik. Ibig sabihin, mali ang iniisip niya? Kung ganoon, ano pala ang dahilan nito? At bakit natatawa si Giselle na kumandong sa kanya ngayon?

“Ibig sabihin pala, kahit na nagahasa ako ay tanggap mo ako?” nakangusong tanong nito. Tumango naman siya, walang pag-aalinlangan.

Advertisement

Napangiti si Giselle,”Ang sweet mo baby.. pero hindi po ako na-gahasa. Kaya ayaw kong makipag..l-lovemaking sa iyo ay..ito kasing. Ito kasing boobs ko, naaksidente ako noong teenager ako, dahilan para magkaroon ako ng malaking peklat banda rito. Nahihiya ako’ng ipakita.” namumula ang mukhang sabi nito.

Nakahinga ng maluwag si Ferdie at halos batukan niya ang sarili, kung anu-ano na ang naisip niya! Peklat lang pala!

Para tanggalin ang hiya ng misis ay hinawakan niya ito sa dalawang pisngi.”Tumingin ka nga sa akin, sa tingin mo, mas malaki pa ang peklat mo kaysa sa pag-ibig ko? Hindi, wala nang hihigit pa rito. Wala akong pakialam sa peklat.”

Nagtagpo ang mga labi nila at ilang sandali lang ay pinagsaluhan rin nila ang init ng kanilang pagmamahalan.

Makalipas ang ilang buwan, sobra ang tuwa ng mag-asawa dahil natuklasan nilang nagbunga na ang pag-ibig nila. Ang laki ng ngiti ni Ferdie dahil magiging tatay na siya, pangako niyang mamahalin ang mag-ina at aalagaaan habangbuhay.

At totoo iyon, walang kahit na ano’ng bagay sa mundo ang hihigit pa sa pagmamahal niya para kay Giselle.