Nagtataka ang Babaeng Ito Dahil Walang Ginagawa ang Kaibigan Niya Kahit Niloloko na ng Asawa, May Iba Pala Itong Balak

Isang taon na ang nakalilipas nang iwan ni Aileen ang kanyang trabaho para maging isang housewife. Ayos lang naman iyon dahil maganda naman ang trabaho ng mister niya, masaya rin siya sa naging desisyon dahil sa wakas ay makakapag focus na siya sa nag iisang anak na si Clyde.

Magagawa na niyang maihatid ito sa school, maipagluto, matulungan sa assignments at marami pang iba na pangarap niya lang gawin noon.

Nakagawian niya nang gumising maaga upang ipaghanda ng almusal ang mag ama niya, pagkatapos noon ay ihahatid niya naman sa school si Clyde.

Pahinga ng ilang oras, linis dito linis doon, tapos magluluto na ng tanghalian at susunduin niya naman si Clyde sa school dahil lunch break na nito. Marami na siyang nakilalang mga nanay ng estudyante, ang iba ay mababait, karamihan naman ay mayayabang at walang ibang ginawa kung hindi ipagmalaki ang mga buhay nila.

Isa si Criselda sa mga nakilala niyang mababait, kahit unang kita pa lang nila ay magaan na ang loob niya rito. Nakaka-kwentuhan niya ito mula sa simpleng assignment at project ng mga bata, hanggang sa mga personal nilang buhay.

Maraming naituturo sa kanya si Criselda dahil mas matanda ito sa kanya. Isang araw ay sumundo ito sa anak na namumugto ang mga mata.

“Cris? Okay ka lang ba? Mukha kang puyat,” biro niya rito.

“Aminin mo na sa akin Aileen, mukha kamo akong umiyak.” sabi naman nito na nahulaan na ang iniisip niya.

Advertisement

“Ano nga bang nangyari? Nag away kayo ni Simon?”tanong niya ulit na ang tinutukoy ay ang asawa nito.

“Umuwi siya kagabi kasama ang babae niya, kinuha lahat ng gamit sa bahay. Bago umalis, hindi pa nakuntento sa kawalang hiyaan at pinagsalitaan pa ako ng masasakit. Napakatapang ng babae, losyang na raw ako at pinagsawaan.” sabi nito na naluluha ulit.

“Anong ginawa mo? Sana tinadyakan mo! Sana sinabunutan mo! Sana sinaksak mo, naku kung andun ako!” nanggigigil si Aileen, pero napahanga naman siya sa katapangan ng kaibigan.

“Hindi ako yun Aileen, hindi ako ganun. Hindi ko sisirain ang sarili ko dahil naging malupit sila sa akin, pag ginawa ko yon edi parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanila. Tsaka, may anak ako kaya di ako pwedeng makulong. Tandaan mo, sa buhay, kapag may problema, wala kang kasalanan don. Pero kung may gagawin kang kasalanan dahil sa problemang yon, kasalanan mo na yon.”sagot nito.

Mangha si Aileen, sana may ganoon siya katapang na loob.

Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.