Akala ng Babae ay Jackpot na Siya nang Makitang Gwapo ang Ka-Chat Niya, Modus Pala dahil Tinangay Nito Lahat ng Gamit Niya

Paulit ulit na pinagsasabihan si Patty ng kaniyang mga magulang na tigilan na ang paggamit ng mga dating sites dahil sa kapahamakang maaring maidulot nito. Ngunit sadyang matigas ang kaniyang ulo at hindi sinunod ang kanilang payo.

Mahilig kasi siyang makipag-chat at nagbabalak pang makipagkita sa mga lalaking nakilala niya lang sa internet.

“Pag ikaw napahamak diyan sa pakikipag-date mo sa mga nakikilala mo sa dating sites huwag kang makaiyak-iyak sakin Patty ha.” Wika ng kaniyang ina.

“Ma, malaki naman na ako, kaya ko ang sarili ko.” Sagot niya.

Marami na nga siyang nakaka-chat na lalaki ngunit ni isa sa mga ito ay hindi naman seryoso sa kaniya, hanggang sa nakachat niya sa website ang isang lalaking may pangalang ‘Pretty Boy’.

Pretty Boy: Hi Pat ganda.

Patlove: Hi, anong name mo?

Pretty Boy: Di mo ba nababasa?

Advertisement

Patlove: Yung totoong pangalan mo sana.

Araw gabi na nga silang nagkakausap at minsan ay nagkakatawagan, sa sobrang palabiro ng lalaki ay madaling nagtiwala si Patty dito. Marami sa kaniyang personal na mga problema ang naikwento niya na rito, at palagi namang handang makinig sa kaniya ang lalaki. Minsan siya nitong niyaya na magkita na sila upang magkakilanlan.

Pretty Boy: Ano Pat, kita na tayo? Gusto nakita makilala, huwag kang magalala, mabait naman ako.

Patlove: Sige sa susunod na Sabado magkita tayo sa mall, gusto na din kitang makilala.

Pinaghandaang mabuti ni Patty ang kanilang unang pagkikita. Namili pa siya ng damit na isusuot para sa kanilang pagtatagpo, hindi niya ipinaalam sa mga magulang ang kaniyang lakad dahil pagbabawalan lamang siya ng mga ito.

Dumating na nga araw na iyon at bihis na bihis na nagpunta si Patty sa mall. Sa isang restaurant nila napagkasunduang magkita at naroon na ang lalaki nang dumating siya.

“Pat?” Wika nito.

“Pretty boy?” Sagot niya.

Advertisement

“Alvin nalang.” Nakangiting sagot nito. Sa sobrang gwapo ng lalaki ay natulala si Pat rito.

Kumain sila at masayang nagkwentuhan, nakailang baso rin sila ng wine at sa tingin ni Patty ay ito na ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso. Sa sobrang dami ng nainom ni Pat ay kinailangan na niyang gumamit ng banyo.

“Uy mag restroom lang ako ha, sandali lang.” Paalam niya.

“Sure Pat, hintayin kita.” Sagot nito.

Nangingiting tinitigan ni Patty ang sarili sa harap ng salamin sa banyo. Kampante siyang nakahanap na siya ng lalaking maari niyang maging nobyo.

“Jackpot ka Patty! Ang ganda mo talaga o PAK!” Wika niya sa sarili.

Lumabas siya makalipas ang ilang minuto at sa gulat niya ay wala na sa lamesa ang lalaki, wala na rin ang kaniyang bag na naglalaman ng salapi at ng kaniyang mga gadgets. Hinanap niya si Alvin sa paligid ngunit hindi niya ito nakita. Doon niya lang natanto na naloko siya at pinagnakawan.

“Ma’am binayaran na po ng kasama niyo yung bill, umalis na po siya kanina.” Wika ng waiter.

Advertisement

“Ano? Dinala niya ang bag ko, andun lahat ng gamit ko.”

Pinanood sa kaniya ng restaurant ang cctv footage ng pagalis ni Alvin at binitbit nito lahat ng kaniyang personal na gamit, pinayuhan siya ng mga tauhan na magreklamo ngunit tinanggihan niya na ito.

“Pwede naman naming ibigay sa pulisya ang footage kung magrereklamo kayo ma’am.” Wika ng manager.

“Hindi na, masasayang lang oras ko.” Nanlulumo niyang sagot.

Umiiyak na naglakad si Patty pauwi. Di niya lubos akalain na magagawa siyang paikutin at lokohin ng gwapong lalaki. Tulala siyang dumating sa kanilang bahay kung saan napansin ng kaniyang ina ang namamaga niyang mata.

“Patty anak anong nangyari sayo?” Nag-aalalang tanong nito.

“Naloko ako ma, sana pala nakinig na lang ako sa inyo.” Umiiyak na sagot niya.

“Anak sa susunod wag ka kaagad magtitiwala kahit pa mukang anghel ang lalaki, tandaan mo yan ha.” Wika ng kaniyang ama.

Advertisement

Tuluyan na siyang humagulgol at niyakap naman siya ng kaniyang mga magulang. Hindi na siya pinagalitan ng mga ito bagkus ay pinayuhan na lamang.

“Ang tunay na pagibig dadating yan kahit hindi mo hanapin, bata ka pa naman wag kang magmadali.” Dagdag pa ng kaniyang ina.

Mula noon ay tinigilan na ni Patty ang paggamit ng dating websites, mas pinagtuunan na lang nya ng panahon ang pagsama sa kaniyang tunay na mga kaibigan. Pagtagal ng panahon ay ipinakilala sa kaniya ng matalik na kaibigan si Robby, ang lalaking gumamot sa nasaktan niyang puso.

Niligawan siya nito ng pormal, at agad namang binasbasan ng kaniyang mga magulang ang kanilang lumalalim na relasyon.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!