Hindi Matigil sa Pambababae ang Lalaking Ito, Kung Kaya Anak Mismo Niyang Babae ang Umuntog sa Ulo Niya

Pitong taon nang kasal ang mag asawang Jenette at Alvin, mayroon silang isang anak na babae, si Janina- limang taong gulang. Sa loob ng pitong taon ay walang ginawa si Alvin kung hindi lokohin ang misis, babae kasi ang kanyang kahinaan. Dahil sa taglay niyang kagwapuhan ay ang mga babae ang kusang lumalapit sa kanya kahit pa alam ng mga itong may asawa na siya, at sino nga ba naman siya para tumanggi sa biyaya, diba?

“Honey, sino pala yung tumawag sa’yo kaninang madaling araw?” tanong ni Jenette sa mister isang gabing nanananghalian sila, tahimik naman ang kanilang anak na kumakain.

         

(

“Ah, si pareng Ernie hon. Nagtatanong kung saan ako nagpapa-repair ng sasakyan, nabangasan kasi yung kotse niya sa EDSA nung isang araw, eh ang mahal ng tuod sa kanya ng talyer sa kanila.” pagsisinungaling niya, kahit ang totoo ay ang bago niya na namang babae iyon, si Yvette.

“Dis oras ng gabi hon?” sabi ulit ni Jenette, nangako siya sa sariling magtitiwala na sa mister pero di niya maiwasang magduda dahil kakaiba na naman ang ikinikilos ng lalaki nitong mga nakaraan, kilala niya ang asawa.

“Oo, alam mo na. Ayaw daw kasi siyang tantanan ni kumare na ipagawa na kaagad kaya ayun napatawag siya para lang matahimik daw ang misis niya.” sabi ni Alvin, hay, kailangan niyang pagsabihan si Yvette. Napakapilya ng babae, kung kailang nasa bahay siya ay tatawag ito, magte-text o di kaya naman ay magse-send sa kanya ng mga seksing litrato. Nananadya talaga.

                                                                                                               

Advertisement

(

Maganda naman ang kanyang misis, at mahal na mahal niya ang babae. Hindi niya rin alam bakit niya ito niloloko, siguro ay marupok siya talaga? Hindi niya alam ang kanyang magiging buhay kung wala si Jenette, kaya nga ilang ulit siyang nagmamakaawa dito kapag nahuhuli siya. Pero heto siya ngayon, gumagawa na naman ng kalokohan.

Napabuntong hininga naman si Jenette, sana nga nagsasabi ng totoo ang asawa. Pagod na kasi siya kakaiyak, binibigay niya naman lahat. Pati sariling career niya ay binitawan niya upang makapag-focus dito at sa anak nila, sana wag balewalain ni Alvin ang lahat ng yon.

Pagkatapos kumain ay agad na pumunta sa banyo si Alvin at tinawagan si Yvette.

                                                                                                               

(

“Hello? Ano ka’ba! Sabi ko sa’yo pag nasa bahay ako no texting, no calling diba? Baka mahuli ako ni misis, ayan naghihinala na tuloy. Basta ha? Wag ka nang makulit.” sabi niya sa babae at ibinaba na ang tawag.

Kinahapunan ay masayang pinanonood ng mag asawa ang kanilang anak na nagba-bike sa bakuran, tuwing linggo lang siya walang pasok kaya naman sinisigurado niya na ang araw na ito ay para sa kanyang anak. Maya-maya pa ay na-semplang sa bike ang bata, agad lumapit ang mag asawa.

Advertisement

Umiyak ang bata at duguan ang tuhod.

“Anak, okay ka lang ba?” tanong nilang dalawa.

Hindi sumasagot ang bata, sa halip ay tulo lang ng tulo ang luha nito, agad itong kinarga ni Alvin at ginamot ni Jenette ang sugat. Matapos gamutin ay kinandong nalang ni Alvin si Janina.

                                                                                                             

(

“Baby, sit down na lang ha? Para hindi ka masugatan, ayan nag-cry ka pa.” sabi ni Alvin sa anak.

“It’s okay po.” sabi ng bata.

“Ano’ng it’s okay? Anak hindi okay na umiiyak ka. Ayaw ni daddy ng umiiyak ka. Hindi okay.” sabi niya pa.

Advertisement

“Daddy diba po okay lang naman na pinaiiyak kaming mga girls? Kasi si mommy lagi mo siya nipapaiyak, okay lang po yun diba. Pag ako rin, paglaki ko okay lang sa akin na paiyakin ako. Ganun naman ang mga girls dapat eh,” inosenteng sabi ni Janina.

Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Alvin. Ito na ba ang karma niya? Dahil sa ginagawa niya sa misis, sa paningin ng anak niya ay tama na ganunin lang ito- ang mga babae. Tama na saktan, balewalain at paiyakin ito. Ang pinakamasakit na mangyayari sa buhay niya bilang ama ay ang masaktan ang anak niya, at siya na unang gumagawa noon dahil di niya minamahal ng tama ang nanay nito.

Napayakap siya kay Jenette, sa kauna-unahang pagkakataon ay humingi siya nang tawad na bukal sa kanyang puso.

“Ang ganda-ganda, kamukha ng mommy..” masuyong sabi ni Alvin nang dalhin ng nurse sa kanila ang bagong silang na sanggol. Ito marahil ang gantimpala ng Diyos dahil nagpakabuti na si Alvin, nasundan na si Janina at isa ulit itong babae- isang paalala sa lalaki na ang mga babae ay minamahal at hindi niloloko. Palagi nang naging tapat si Alvin sa kanyang misis, bukod sa takot niya na bumalik ang karma sa kanyang mga anak na pawang mga babae, alam niya rin na napakarami niyang pagkukulang kay Jenette, na kahit ilang ulit nyang sinaktan at niloko ay narito pa rin sa kanyang tabi. Handang mag alaga at magmahal, ngayon nga ay biniyayaan pa siya nito ng isa pang anghel, lalo niyang minahal ang misis.

                                                                                                                   

(

At habang buhay siyang bumawi rito.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.