Naturuan ng Leksiyon ang Babaero Nang Mabuking Siya ng Isa sa Kaniyang mga Nobya; Anong Parusa kaya Ang Inihanda Nila para sa Kaniya?

Kilala si Arjay bilang kilabot ng kababaihan, sa kaniyang matikas na pangangatawan at gwapong mukha ay napakaraming babae na ang naloloko niya.

“Hi babe.” text niya sa kaniyang limang girlfriend. Palagi niyang ipinapadala ang mensahe sa kanilang lahat upang walang ni isa ang maghinala.

“Arjay tigil tigilan mo yang pagiging babaero mo ha, hindi maganda yan.” bilin ng kaniyang ina.

“Ikaw naman ma, selos ka ba? huwag ka mag-alala kahit isang dosena pa maging gf ko ikaw pa rin ang reyna ko.” pambobola niya.

Ang una niyang gf ay si Kim, nakatira malayo sa kanilang lugar, kaya’t kampante siyang hindi siya nito mabibisto, ang sumunod naman ay si Amber, ang babaeng patay na patay sa kaniya, pangatlo si Cath, mahiyain at dalagang pilipina, pang-apat si Nicole, may pagkadaring at paborito niya sa lahat, at ang huli ay si Vina, isang kolehiyala.

“Buti di ka nabibisto ng mga syota mo tol? Ang hirap kaya magtago sa mga babae ng sikreto.” wika ng kaniyang kaibigan.

“Tamang diskarte lang tol, tsaka piliin mo yung magkakalayo ng lugar para ligtas.” pagmamayabang pa niya.

Minsan siyang niyaya ni Nicole sa kanilang bahay para sa kaniyang kaarawan. Di naman tumanggi si Arjay at pinaunlakan ang paanyaya ng kasintahan.

Advertisement

“Thank you babe nakapunta ka ha, upo ka dito ikukuha kita ng maiinom.” wika ng babae.

“Siyempre malakas ka sakin babe.” sagot niya.

Buong gabi silang nagkasiyahan, nagkantahan at nag-inuman kasama angiba pang mga kaibigan ni Nicole, dahilang upang malasing si Arjay.

“Dito ka na daw matulog sabi ni mama, lasing na lasing ka na eh.”

“Sige Nicole, tabi tayo ha.” sabay pisil niya sa pisngi ng babae.

Pagkahiga pa lamang ni Arjay sa kama ay agad na siyang nakatulog. Tinanggal ni Nicole ay kaniyang sapatos at iniayos ang kaniyang puwesto.

“Ikaw talaga inom ka kasi ng inom.” wika niya sa natutulog na nobyo.

Mahihiga pa lamang sana si Nicole nang tumunog ang telepono ni Arjay, nang masilip niya ito ay nakita niya ang pangalan ni Kim kasama ang mensahe.

Advertisement

“Goodnight babe, sleep ka na ha. I love you.”

Hindi mapakali si Nicole at hinalungkat na ang telepono ng lalaki, doon niya nakita ang sangkatutak na pakikipagpalitan nito ng text messages sa iba’t ibang babae na sa tingin niya ay walang kaalam-alam as panlolokong ginagawa ni Arjay.

Kinuha niya lahat ng numero ng apat na babae ngunit hindi niya ipinahalata kay Arjay ang tungkol sa natuklasan niya.

“Babe, mauuna na ako ha, salamat sa pagpapatulog sakin dito, baka hinahanap na kasi ako ni mama.” paalam ni Arjay kinabukasan.

“Sige babe ingat ka ha, text mo pagdating mo sa inyo.” nakangiting wika ni Nicole.

Sa pag-alis ng nobyo ay isa isa niyang sinendan ng mensahe ang apat na babae, ipinaalam niya rito ang kalokohang ginagawa ng kanilang nobyo.

“Hi, ako si Nicole, malamang hindi niyo ako kilala, pero isa ako sa mga babaeng niloloko ni Arjay, maniwala kayo, lima tayong gf niya….” mensahe niya sa apat.

Sunod-sunod namang sumagot ang mga babae.

Advertisement

“Hi, Kim to, sinasabi ko na nga ba may kababalaghang ginagawa ang lalaking iyan eh.“

“Nakuuuuu! matagal na kong naghihinala pero di ko siya nahuhuli.” sagot ni Amber.

“Ako si Cath, sayang, akala ko pa naman seryoo siya sa akin.”

“Hi Nicole, thanks for letting me know, may plano ba tayo?” sagot ni Vina.

Nagkasundo ang apat sa isang tusong plano kung paano nila huhulihin ang lalaki. Samantalang wala pa ring kaalam-alam si Arjay sa pinaplano ng kaniyang mga nobya.

“Babe kita naman tayo. Miss na kita eh.” text ni Kim sa kaniya.

“Sige babe, sunduin kita ngayon.”

“Ah wag na, magkita nalang tayo dito sa address na isesend ko sayo.”

Advertisement

Agad na nagbihis si Arjay at sabik na pinuntahan ang address na ipinadala ni Kim. Labis lamang siyang nagtataka dahil ito ay isang abandonadong bahay sa isang mapunong lugar.

“Kim! Andito na ako babe.” sigaw niya.

“Hi babe, kanina pa kita hinihintay.” wika ni Kim.

Lalapit pa lamang sana si Arjay sa kasintahan ay biglang sumulpot sa likuran nito sa Cath na nakapako ang tingin sa kaniya. Lumabas sa kanilang tigkabilang tagiliran sina Vina at Nicole, habang si Amber ay sumulpot sa kaniyang likuran.

“Okay hayaan niyo ako magpaliwanag.” ang tangi niyang nasambit.

“Anong ipapaliwanag mo babe? Na babaero ka?” sagot ni Vina.

Unti unti na ngang lumapit sa kaniya ang limang babae at saka sabay-sabay na naghagis sa kaniya ng itlog. Galit na galit ang mga ito at tulong tulong na pinagsisigawan at pinagtatadyakan si Arjay.

Matapos nito ay iniwan nila ang lalaki at sabay-sabay na umalis. Mula noon ay naging mabuting magkakaibigan ang limang babae.

Advertisement

Habang si Arjay naman ay napilitang umuwi na basang basa at napakarumi. Hindi na niya muling nakausap ang mga ito at walang ni isang nobya ang natira sa kaniya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!