Love Letter ang Tanging Hiling ng Babae Sa Kaniyang Nobyo; Huli Na ang Lahat Nang Ito ay Kaniyang Mapagbigyan

Limang taon nang nagsasama sa iisang bahay ang magkasintahang si Berting at Adriana. Kasama nila doon ang nag-iisang anak na si Berto. Kahit pitong taon na silang mag-nobyo, hindi agad nagawang magsama noon ng dalawa dahil marami pa silang pinagdaanan at hinarap na mga pagsubok.

Kahit maraming taon na ang pagsasama ng dalawa, madalas ay nagdududa pa rin si Adriana sa pag-ibig ni Berting para sa kaniya. Marami kasi itong hindi sineryosong mga karelasyon noong kabataan pa nito. Hindi rin siya gaya ng ibang mga lalaki na nagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate.

Mangilang ulit na ring ninais ni Adriana na sumuko at bumitaw sa kanilang relasyon ngunit hindi tumitigil sa pagsuyo si Berting upang sila ay hindi maghiwalay. Hindi man kagaya ng ibang mga lalaki, si Berting ay matiyaga naman ito kay Adriana at mapagpahayag ng damdamin sa mga salita.

Isang beses, noong magkarelasyon pa lamang sila ay humiling si Adriana kay Berting.

“Mahal, may gusto sana ako para sa anibersayo natin. Wala kang gagastusin.”

“Ano yun?”

“Love letter lang, mahal,” pakilig na sagot ni Adriana.

“Naku, alam mo namang hindi ako marunong gumawa niyan, eh,” sagot ni Berting.

Advertisement

Ilang ulit pang naglambing si Adriana ngunit sa bandang huli ay wala na siyang nagawa. Kahit na nalungkot siya ay hinayaan niya na lang ito.

Makalipas ang tatlong taon ay nagkaroon ng malubhang sakit si Adriana. Mula noon ay mas naging maalaga at mas naging mapagpa-hayag pa ng damdamin sa mga salita si Berting sa kaniya. At noong ito ay nakalabas ng ospital ay inaya niya na itong makipagsama sa isang tirahan upang makatulong na rin sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Berto lalo na at hindi pa lubusang magaling si Adriana.

Labis itong ikinatuwa ni Adriana sapagkat unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na mangyayari pa ito. Mula doon ay humugot siya ng lakas upang mas mapabuti pa ang kaniyang kalusugan kahit na pakiramdam niya ay mas humihina ang kaniyang pangangatawan sa bawat araw na dumadaan.

Sila ay namuhay ng masaya bilang isang pamilya at nakaraos sa bawat pagsubok na dumadaan sa kanila hanggang sa isang araw ay naalala ni Adriana ang kaniyang hiling noon na love letter.

“Mahal, kailan mo kaya ako mabibigyan ng love letter? Gusto ko talagang makatanggap nun mula sayo,”

“Alam mo namang hindi ako marunong gumawa nun, eh,” sagot ni Berting. Paulit-ulit lamang ang sagot nito sa tuwing nababanggit ang mga hiling na love letter.

“Gagawa lang ng sulat, eh. Kailan mo pa ako bibigyan, kapag nag-aagaw buhay na ako sa ospital?” patampong sinabi ni Adriana. Hindi niya na inantay pa ang isasagot ni Berting at lumabas na lamang siya ng bahay.

Mula noon ay naging malungkutin si Adriana at tila ba walang ganang kumilos sa bahay. Madalas ay nakahiga lamang siya sa kanilang kama at kikilos lamang sandali upang asikasuhin ang mag-ama. Inisip ni Berting na nagtatampo lamang ito kaya naman nilalambing na lamang niya kahit papaano.

Advertisement

Hanggang sa isang gabi ay nagising si Berting sa iyak ni Adriana.

“Mahal, bakit ka umiiyak?” tanong ni Berting.

Kahit na nahihirapan ay pinilit pa ring sumagot ni Adriana.

“Hir- hirap… hinga…”

Biglang napabalikwas si Berting at binuhat si Adriana upang madala sa ospital ngunit hindi na sila umabot at nawalan na ito ng hininga. Pinilit pa rin ni Berting na makarating sa ospital ngunit huli na ang lahat. Wala na siyang nagawa kung hindi ang humagulgol sa tabi ni Adriana habang yakap ito sa kaniyang mga bisig.

Kinabukasan, sa paghahanda ng damit na susuotin ni Adriana at ng mga gamit na ipapabaon sa kaniya ay may nakitang maliit na kahon si Berting sa ilalim ng kanilang tokador na may nakasulat na: “Para sa aking pinakamamahal.”

Naluha si Berting noong makita niya ang nilalaman nito. Ito ay punong-puno ng liham ng pag-ibig ni Adriana para sa kaniya simula noong naging magkasintahan pa lamang sila.

Lalo siyang napahagulgol nung isa-isa niya itong basahin. Naalala niya tuloy ang lambing ni Adriana tungkol sa hinihiling nitong love letter. Labis ang pagsisi niya na hindi niya naibigay ang kaisa-isang hiling nito.

Advertisement

Noong mahimasmasan ay agad siyang gumawa ng love letter para kay Adriana. Alam niyang huli na ang lahat pero gumawa pa rin siya at ipapabaon niya ito sa kaniya. At dahil ni minsan ay hindi rin siya nakapagbigay ng bulaklak ay marami siyang biniling bugkos ng mga bulaklak upang ibigay rito. Lubha siyang nagsisi sapagkat hindi niya ito ginawa at binigay habang ito ay nabubuhay pa.

At dahil doon ay parati niyang itinuturo sa kanilang anak na si Berto na dapat ipakita nila ang totoong nararamdaman nila sa kanilang mga mahal sa buhay at matutong pahalagahan ito sa bawat araw na dadaan.

Mula noon ay buwan-buwan nang dinadalaw ni Berting ang puntod ni Adriana na may dala-dalang maraming bulaklak at binabasahan ng love letter na gawa niya para dito. Hindi na rin siya umibig pa ng ibang babae bagkus ay binuhos niya na lamang ang pagmamahal sa kanilang anak na si Berto.