Mali ang Tinawagan, Puso ang Tinamaan

Matangkad, matangos ang ilong, at gwapo. Ganyan mailalarawan ni Jane ang long time crush niyang si Lorenz. Kaya naman di maiwasan ni Jane na kiligin pag nakikita niya ito sa ospital kung saan siya nag O-OJT.

Profile ni Lorenz sa facebook ang madalas niyang hinahanap sa tuwing nag oonline siya. Sa tuwing kakwentuhan naman niya ang kanyang best friend na si JP, madalas si Lorenz din ang paksa ng kanilang usapan.

Habang nasa duty sa ospital ay biglaan na lamang tumakbo si PJ papunta kay Jane.

“Oh my God, teh! Ang gwapo gwapo talaga ni Lorenz! Tignan mo bilis!” sigaw ng binabaeng kaibigan ni Jane.

Sumilip ng bahagya ang dalaga at sumilay sa gwapong dumaraan. Dali-dali namang lumabas sa may pintuan si PJ at agad na bumati sa gwapong binata.

“Hi papa Lorenz!” pagbati ng maharot na binabae habang kumakaway.

Napatingin si Lorenz sa bumati din sa kanya, “Uy PJ! Kumusta?” sabay ngiti.

Mula sa maliit na butas ay nakadungaw si Jane na hindi naman maiwasan na matulala sa ngiti ng binata.

Advertisement

“Ang tamis ng mga ngiti niya,” wika ni Jane sa kanyang sarili.

Napalingon ang gwapong binata kung sa may salamin kung nakadungaw ang dalaga. Ngumiti siya dito at kumaway, dahilan para mauntog ng malakas si Jane sa sobrang pagkagulat.

Napaupo lamang ang dalaga sa sakit ng nadama at sa sobrang kahihiyan na rin. Narinig niyang may kumakatok sa salamin mula sa botika ng ospital.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Lorenz habang nakasilip.

“O-okay lang!” sigaw naman ni Jane habang namumula ang mga pisngi. Itinaas lamang niya ang hinlalaki, senyales na ayos lamang siya.

Muling ngumiti lamang ang binata at saka kumaway bago umalis. Halos hindi naman makahinga sa katatawa si JP na nasaksihan ang kalokohan ng kaibigan.

“Wow, girl! Anung kat*ngahan yun?” natatawang sabi ni JP.

“Ewan ko sayo baks! Nakakahiya, grabe,” tugon naman ng dalaga na namumula pa rin ang mukha.

Advertisement

Kinabukasan, sobrang abala ng Pharmacy Department kung saan OJT sina Jane at JP.

Sunod-sunod ang mga taong bumibili ng gamot na para sa mga pasyente. Matapos ang ilang oras ay nagpunta muna sa banyo ang dalaga para mag ayos ng sarili.

“Nakaka-haggard ang araw na ito. Pero kailangan fresh pa rin ako,” wika ng dalaga habang nag pupulbo ng mukha at naglalagay ng lipstick.

Pag labas niya ay ‘di inaasahang may nabunggo siya. Masyadong mabilis kasi ang pag lalakad ng lalake kaya naman nahulog ang mga dalang gamit niya.

“Sorry, miss. Nagmamadali kasi ako,” wika ng lalaki subalit nagulat ito ng makita na si Jane pala ang nabunggo niya, “Ay Jane! Ikaw pala ‘yan. Pasensya ka na ha?”muling paghingi niya ng paumanhin.

Natulala naman ng ilang segundo ang dalaga bago bumalik sa ulirat. “I-ikaw pala Lorenz. A-ayos lamang ako,” nauutal na tugon naman ng dalaga.

Pupulutin na sana niya ang gamit na nahulog, nang biglang kinuha rin ni Lorenz ang iba para tulungan siya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang kanilang mga kamay, dahilan para magkahawakan ito. Nagkatinginan naman ang dalawa. Napalunok na lamang si Jane habang nakatitig sa mga malamlam na mata ng binata.

Advertisement

“Jane yung… yung kamay ko,” natatawang sabi ni Lorenz, na agad namang ikinagulat ng dalaga kaya napabitaw ito agad.

“Lorenz, kilala mo pala ako,” pagbasag ng dalaga sa panandaliang katahimikan.

“Sino ba naman ang hindi makakakilala sayo, eh sikat ka kaya sa mga nars dito,” nakangiting tugon naman ni Lorenz.

“Ha? Paano naman ako naging sikat?” natatawang tanong naman ng dalaga.

“Ikaw daw ang pinakamaganda sa departamento niyo. Pero tama naman sila, sa lahat ng nag OJT sa Pharmacy Department, ikaw nga ang pinakamaganda,” seryosong pahayag ng binata.

Namula naman ng sobra ang dalaga at nakaramdam ng labis na hiya, “ikaw talaga Lorenz, binobola mo pa ako. Sige mauna na ako ha? See you around!” pagpapaalam ng dalaga at saka nagmadaling umalis.

Pagpasok ng botika ay hindi naiwasan ng dalaga na mapatili ng bahagya sa labis na kilig na nadarama.

“Hoy baks! Ano bang ginagawa mo? Akala ko may tuta na naipit na dito, anong nangyari sa’yo?” tanong ni PJ.

Advertisement

“Mamaya ko ichichika sa’yo baks, pag-uwi natin. Nako, grabe parang nasa alapaap ako kanina,” kinikilig na sagot ng dalaga.

“Hoy beks ng taon, alam mo na ba?”

“Alam ang ano?” naguguluhang tanong naman ni Jane.

“Nakuha ko yung number ng crush mo! Nakuha ko yung number ni Lorenz!” sigaw ni PJ.

“Sige ilakas mo pa para marinig ng buong ospital!” pagtataray ng dalaga subalit ngumiti ito agad, “pero wait, hindi nga? Saan mo naman nakuha?” Tanong ni Jane.

“Eh kasi may kaibigan akong nurse dun sa taas, pinagtanong ko talaga para sa’yo,” natatawang sagot ng binabae habang binibigyan ng nakakatawang tingin ang kaibigan.

“Ang effort baks ha? Pero thank you!” sagot ni Jane. Nagmamadali naman niyang nilagay ang numero ni Lorenz sa kanyang cellphone.

Pagkauwi sa bahay ay agad na tumakbo sa kama ang dalaga at saka kinuha ang cellphone. Tinignan niya ang profile ng binata kung may bagong ‘my day’ ba ito o bagong upload na litrato. Napasimangot naman siya noong walang nakita.

Advertisement

Naisip na naman niya ang nakakakilig na pangyayari kani-kanina lang sa ospital. Para siyang baliw na nangingiti at natatawa.

Hindi na mawala-wala sa isip niya ang mukha ni Lorenz, kaya’t nagmadali siyang tumawag sa kaibigang si PJ upang magkwento.

“Baks! Bakit ang tagal mo naman sagutin? Di man lang nag upload ng bagong picture si Lorenz. Wala din update sa My Day niya sa FB,” wika ni Jane sa telepono.

“Sino ‘to?” tugon naman ng kausap niya.

“Hoy, beks ka ng taon ha? Wag ka ngang ano dyan! Kinikilig pa kaya ako,” tuwang-tuwa na sagot ng dalaga.

“Oo nga pala, baks, natutukso na talaga ako mag text kay Lorenz. Ano sa tingin mo? Gusto ko sana mag confess sa kanya kahit sa text. Tutal hindi naman niya alam na ako yung nag text di ba?

“Ilang buwan na rin kasi yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko nga inakala na tatagal ng ganun ang pagtangi ko sa kanya. Sana mabigyan ako ng chance para masabi ko sa kanya na, ‘Lorenz, gustong-gusto kita. Matagal na. Kaso-” biglang naputol ang pag sasalita ng dalaga nang biglang sumagot ang kausap sa kabilang linya.

“I like you too, Jane. Ang tagal kong hiniling sa Diyos na sana parehas ang nararamdaman natin. At least ngayon alam ko na, gusto mo rin pala ako,” saad ng lalaking kausap niya.

Advertisement

Parang na estatwa si Jane sa narinig niya. Bakit si Lorenz ang kausap niya? Hindi ba’t si PJ ang tinawagan niya? Hindi pa rin makapag salita si Jane at tinignan niya ang numero na tinawagan niya.

“Lorenz…” wika ni Jane. Ang numero na tinawagan niya ay ang numero ni Lorenz. Hindi niya namalayan na ang binata pala ang tinawagan niya sa sobrang pag-iisip dito. Si Lorenz na ilang buwan na niyang hinahangaan ang nasa kabilang linya.

“Gusto mo pala ako ha?” muling biro ni Lorenz.

Kinabukasan, pagpasok ni Jane sa ospital ay nagulat siya na tila ba lahat ng tao ay nakangiti sa kanya.

“Anong problema ng mga ito?” tanong niya sa kanyang sarili.

Nang makapasok sa loob ng botika ay isang bugkos ng bulaklak, teddy bear, at tsokolate ang bumungad sa kanya. Kasunod ang pagharana ng binata mula sa kanyang likuran.

“Kaytagal ko din inintay ang pagkakataon ito. Nais kong malaman mo na, unang beses pa lang kitang nakita ay nahulog na ako sa’yo Jane, pumayag ka sana na ligawan kita at patunayan ang nararamdaman ko para sa’yo,” saad ng gwapong binata.

Hindi naman makapagsalita si Jane dahil sa naghahalong saya, hiya at kilig na nadarama. Napatango na lamang siya habang pumapatak ang mga luha sa sobrang galak.

Advertisement

Magmula noon ay lumalim pa ang pagsasamahan ng dalawa. Inilagaang mabuti ni Lorenz ang puso ni Jane hanggang sa makapagtapos ito.

Kasal na sila ngayong dalawa at mayroon nang isang anak. Parehas silang nagtuloy ng medisina at binuo ang mga pangarap ng magkasama. Isa na ngayong Cardiologist si Lorenz at Pediatrician naman si Jane sa ilang malalaking ospital sa Pilipinas

Hindi inaasahan noon ni Jane na sa simpleng “wrong call” lamang ay matatagpuan pala niya ang kanyang magpakailanman. Sino nga namang mag-aakala na ang lalaking kinakikiligan niya ay siya rin palang makakatuluyan niya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!