Ang Mahiwagang Orasan

“Lando!” sigaw ng lalaki habang kumakatok sa pintuan.

Agad naman niyang pinagbuksan ito. Ang kumpare niya pa lang si Enteng ang kumakatok. Paalis na kasi si Enteng, nakahanap sila ng mas magandang malilipatan sa may Bulacan kaya iiwan na nila ang buhay Maynila.

“Pare, sa’yo na lang itong luma kong relos. Para may maiwan akong alaala sa pagkakaibigan natin,” sabi ni Enteng na may halong pagbibiro

“Ang drama mo, pare. Hindi naman kailangan ng ganito,” natatawang sagot ni Lando.

“Ano ka ba pare! Lahat kayo dito na tropa ko sa inuman at iyakan, may iniwan akong gamit. Buti nga sayo relos sa kamay, yung iba nga arinola na lang yung iniwan ko,” pabiro sabi ni Enteng.

“O siya sige. Salamat pare. Baka naman bukas sira na agad ‘to?” nakatawang tanong ni Lando.

“G*go. Ang arte mo pa! Pangmatagalan yan! Basta lagi mong tandaan, hindi nahihinto ang oras!” pasigaw niyang sabi habang naglalakad papunta sa kanilang bahay.

Nakaalis na nga ang pamilya ni Enteng sa kanilang lugar. Nabawasan na naman ang kainuman niya sa kanilang lugar. Tuwang-tuwa rin naman siya sa iniwang relos ni Enteng. Mukha pa rin itong bago, kaya agad-agad niya itong ginamit.

Advertisement

Para bang isang ordinaryo relos lamang ito, pero may ka-akibat pala na misteryo itong hatid.

Pumasok noon si Lando sa kanyang trabaho bilang isang construction worker sa isang ginagawang gusali malapit sa kanila. Suot-suot niya ang relos na bigay sa kanya ng kaibigan.

Habang nagta-trabaho ay biglang nagalit ang boss ni Lando, mali kasi ang pagkakasalansan ng mga sako ng buhangin. Baka raw ito gumuho.

“Lando, bakit hindi mo inayos ang pagsalansan ng mga ito? Paano ‘pag bigla itong gumuho?! Ang tagal tagal mo na sa trabaho, mali-mali pa din ang mga pinaggagawa mo!” sigaw ng foreman nila.

“Pasensya na ho sir, aayusin ko na lang ho ulit,” mapagkumbabang sagot nito.

“Kayo talaga, puro kapalpakan ang ginagawa niyo! Gagawin mo ulit?! Tapos mauubos ang oras mo para lang ayusin to?! Eh kung inayos mo na kanina?!” sigaw ng foreman na walang humpay sa pagsesermon sa kanila.

Hiyang-hiya na si Lando sa labis na pagsesermon nito. Ngunit, nanatili itong tahimik. Iniisip niya na sana ay inayos niya na ang ng maigi, edi sana walang sermon.

“Sana pala inayos ko na lang kanina, kung pwede ko lang ibalik yung kanina eh,” bulong ni Lando sa sarili habang nagbubuhat ng mga kahoy.

Advertisement

Pagkasabi na pagkasabi ni Lando ng mga katagang ito, ay laking gulat niya nang biglang magbalik ang oras. Bumalik siya sa oras na kung saan ay ipapabuhat pa lang sa kanya ang mga sako ng bigas. Gulat na gulat si Lando. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, inakala niya lang na baka nanaginip lang siya. Kinurot niya at sinampal ang sarili ngunit hindi nga siya nanaginip.

Kahit nagtataka ay pinagpatuloy ni Lando ang ginagawa, at sa pagkakataon na ito ay inayos niya ang pagkakasalansan niya sa mga sako upang hindi na muling mapagalitan. At maya-maya, habang nagbubuhat na siya ng kahoy ay pinuri siya ng kaniyang foreman dahil sa maayos na pagkakasalansan niya sa mga ito.

Dahil sa tuwa ay nalimutan ni Lando ang kakaibang nangyari kanina. Habang pauwi naman ito ay nakakita ito ng isang sugalan, tumaya muna si Lando. Ngunit natalo ito dahil ang taya na nanalo ay yung katabi ng knyang tinaya. Agad agad naisip ni Lando, nasa sana yun na lang pala ang kaniyang pinili.

At dali-dali ulit na bumalik ang oras, sa kung saan pwede niyang mabago ang tinaya. Kahit nagtataka sa nangyari ay gad niyang nilagay ang taya, sa alam niyang nanalo. At laking gulat niya na nanalo siya sa kanyang tinaya. Tuwang-tuwa si lando, ‘di makapaniwala sa mga nanagyayari sa kanya.

Napansin nito na sa tuwing sasabihin or iisipin niya ibalik ang nangyari para kanyang mabago, ay kusa bumabalik ang panahon sa nakaraan. Agad niyang naalala ang suot na relos na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan.

“Ito siguro ang may dahilan. Ang galing mo talaga Pareng Enteng!’ tuwa-tuwang sabi nito sa kawalan.

“Subukan nga natin, paano kung hindi ‘to suot,” sabi niya sa sarili.

Tinanggal niya ang pakakakabit ng relos sa kanyang at sabay sabing,

Advertisement

“Sana iniba ko na lang ang taya ko kanina,” sabik nitong sabi dahil iniiisip niya na baka gumana din ito. Ngunit walang nangyari, nanatili ang oras. Doon niya nagpagtanto na hindi gumagana ang misteryo ng relos kapag hindi niya ito suot.

Nasabik si Lando sa relos dahil para siyang nagkaroon ng agimat o kapangyarihan ibalik ang nakaraan. Hindi na tinanggal ni Lando sa pagkakasuot sa kanyang kamay ang relos. Ilang beses na niya itong nagagamit na ibalik ang oras. Ang hindi niya alam ay may hangganan din ito.

Isang araw ay nahuli ito ng gising, halos isang oras na siyang nahuli sa tamang oras ng kanyang paggising. Alas-7 na, at kakagising pa lang niya. Kung magagayak pa siya ay alas-8 na ito makakaalis. Kaya agad-agad na ginamit ni Lando ang orasan para ibalik ang oras. Nagising ito sa tamang oras, at walang pang alas-7 ay nakaalis na ito ng bahay.

Matagumpay naman ang ginawang pagbalik ni Lando sa oras dahil hindi ito naglate sa kanyang trabaho. Hindi siya nakatanggap ng sermon mula sa amo. Pero hindi niya naman inaasahan ang tawag na kanyang matatanggap mukla sa anak.

“Hello, anak? Bakit ka napatawag,” tanong ni Lando sa anak na tumawag sa kanyang telepono.

“Tay, Tay! Si nanay po, nalaglag sa upuan! Hindi po siya makatayo ‘tay!” Umiiyak at tarantang sinabi ng kaniyang anak.

“Bakit anong nangyari?” tanong nito.

“Napundi po kasi yung ilaw natin tay, tumungtong po si nanay sa bangko para subukan ayusin kaso habng inaayos niya ay nasira ang bangko,” nag-aalala nitong sabi.

Advertisement

Agad na binaba ni Lando ang telepono, nagpaalam siya agad sa amo para agad makapunta sa asawang naaksidente. Nagmadali si Lando, bumiyahe pauwi hanggang sa naisip niya na gamitin ang relos, upang maibalik niya ito sa nakaraan.

“Sana, sana maibalik ko ang oras kanina nung nahuli ako ng gising,” sambit nito habang iniisip na sana ay mabalik niya ang oras, dahil baka kung ‘di siya maagang nakaalis kaninang umaga ay maabutan niyang mapundi ang ilaw at siya ang mag-aayos nito imbis na ang kanyang asawa.

Ngunit kahit anong isip at hiling ni Lando na ibalik ang oras ay hindi na ito nangyayari. Inilipat ni Lando ang relos sa kabilang kamay, ngunit hindi pa din nangyayari ang pagbalik ng oras. Ayaw na gumana ang misteryo ng relos. Inisip niya kung bakit ayaw na nitong gumana, at doon niya napagtanto na mula sa unang pangyayari na naibalik niya ang oras, ay panglabing-dalawa niya na itong nagamit kaninang umaga. Na ang pagbalik ng oras ay magagawa mo lang ng labing-dalawang beses, tulad ng labing dalawa numbero na nasa orasan.

Labis ang panghihinyang ni Lando. Nais man niyang baguhin ang pangyayari kaninang umaga ay hindi na niya ito magawa.

Pagkarating sa bahay ay agad niyang dinala ang asawa sa pagamutan at binigyan ng paunang lunas. Naging maayos naman ang kanyang asawa. Nagkaroon ito ng kaunting pasa sa katawan at pilay, maswerte at wala siyang nabaling mga buto.

Habang binabantayan ang asawa at agad itong naiyak.

“Kasalanan ko ito. Hindi ka sana naaksidente kung nandoon ako,” wika nito.

“Wala kang kasalanan, Lando. Aksidente ang nangyari at nasa trabaho ka nang mangyari ito. Kaya wala kang kasalanan,” malambing nasabi ng asawa ni Lando

Advertisement

Ikinwento ni Lando sa asawa ang hiwaga ng relos na suot. Nai-kwento niya ang mga pagkakataon na naibalik nito ang oras, at kung paano niya ito ginamit kaninag umaga para baguhin ang oras para hindi mahuli sa trabaho. Ikinwento niya din kung paano ito nawalan na ng bisa.

At sa kanyang pagkwento ay doon niya napagtanto ang leksyon na itinuturo sa kanya ng mahiwagang relos. Pilit niyang binabalikan ang nangyari, at naisip na baka kya siya nahuli ng gising ay para maabutan ang pagpundi ng ilaw, para hindi na kailanganin ng asawa na ayusin pa ito, at hindi sana mauuwi sa aksidente.

Habang malalim na nagiisip ay may sinabi ang kanyang asawa.

“Lando, mahal. Madalas ay pinagsisihan natin ang mga nagagawa natin at inihiling na sana ay may pagkakataon pa para maiayos natin ito, maliit man o malaking bagay. Baka nangyari ito sayo o sa atin para magsilbing aral, aral na hindi tayo dapat maging abala sa pag-iisip na sana ay maibalik natin ang nakaraan para ito ay maitama. Na dapat ay mabuhay tayo sa kasalukuyan, na i-tama ang mali ng nakaraan sa paggawa ng mabuti sa kasaluyan, para maging maayos ang hinaharap,” wika ng asawa ni Lando.

“Lahat ng nanagyayari sa atin ay may dahilan, mahal. Nasa sa atin kung matututo tayo itama ang mali sa pagharap sa kasalukuyan o mabubuhay tayo ng paulit-ulit na iniisip na sana ay maitama natin noon ang pagkakamali at nakakalimutan na natin mabuhay sa kasalukuyan,” dagdag pa nito.

Ngsilbing aral ito kay Lando. Nakauwi na rin silang mag-asawa. Ang relos naman ay itinabi niya na sa isang lagayan. May leksyon man o may naitulong man sa kanila ang relos, ayaw na nitong may iba pang makagamit dahil baka sa ibang pagkakataon, mas malala pa ang kanilang pagsisihan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!