Beshy, Akin Ka Na Lang

Si Nikka ay may ultimate bff na beki. Kasangga, kaagapay, at kasama sa kahit saan. Kulang ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita at nakakasama.

“Bakla, bakit hindi nalang kaya natin i-try maging mag-jowa. Total magkadikit narin naman tayo, kilalang-kilala na kita at gano’n karin sa’kin. Malay mo baka mas magtagal tayong dalawa.”

Agad naman niya itong nakitang nag-sign of the cross dahil sa sinabi niya.

“Hoy! Diyos ko huwag naman sana, Nikka. Ngayon palang nananayo na ang balahibo ko sa pandidiri. Iisipin ko palang na makakahalikan kita ng laplapan ay bumabaliktad na ang sikmura ko,” wika nito sa baklang-baklang tono.

“Hoy! Grabe ka naman. hindi naman ako bad breath ah.” inginuso niya ang kanyang labi upang kunwa’y hahalikan ito.

Nang mapapitlag sila dahil sa sunud-sunod na malalakas na palakpak mula sa kanilang likuran.

“Bravo! Bravo.” nang-aasar na wika ni James, ang kuya ni Darren na kanyang beking bff. “Anong ginagawa niyo rito? Bakit dito na naman kayong dalawa naghahasik ng lagim?”

Agad niyang nilingon ang antipatikong kuya ng kanyang bestfriend, “At ikaw, anong masamang hangin na naman ang naghatid sa’yo rito?”

Advertisement

“Kayo,” agad nitong sagot na ikinasalubong ng kanyang kilay. “Kayo ang masamang hangin na naghatid sa’kin dito,” anito saka binalingan ang kapatid. “Umuwi kana raw sabi ni Papay. May ipapagawa siya sa’yo.”

“Okay po Kuya,” magalang naman na nagpaalam si Darren rito at sa kanya.

Akmang tatayo na rin sana siya ng bigla nitong pigilan ang kanyang braso. “Teka! Saan ka naman pupunta? Dito ka lang muna, tayo ang magtuloy sa naudlot niyong date ni Darren. Alam mo, bakit ba si Darren pa ang pinagdisdiskitahan mo. Alam mo naman na hinding-hindi ka papatulan no’n dahil lalaki lang ang hanap n’on, hinding-hindi ‘yon maaakit sa’yo. Bakit hindi nalang ako ang pagtuunan mo ng pansin, siguradong hindi ka mabibigo sa’kin.”

“Hah! Alam mo James, kung sa hangin mong ‘yan mas maiging si Darren nalang ang mahalin ko. Bakla man siya sa’yong paningin, mas lalaki naman ang ugali at puso niya kesa sa’yong wala nang ginawa kundi ang magpa-presko. At saka teka lang, nagagandahan ka sa akin no? Hah! Sabi na nga ba, kaya ka papansin kasi gusto mo ako.” nang aasar na wika niya.

“Ako? Nikka, you’re not my type. Hindi ako mahilig sa babaeng puro likod. Suggestion lang naman iyong sa’kin. Kung ayaw mo e di huwag,” anito at saka siya nilayasan.

Nanggigigil talaga siya sa kapreskuhan nito kahit kailan. “Aba, letse ka talaga, James!” gigil niyang sigaw.

Lumipas ang mga araw at ngayon nga ang usapan nila ni Darren na mamamasyal sa park.

“Bakla, nasaan kana?” kausap niya rito sa cellphone.

Advertisement

“Malapit na kami besh.”

“Kami? Bakit may kasama ka ba?”

“Oo, ang boyfriend ko.”

Parang biglang gumuho ang kanyang mundo nang marinig ang sinabi nitong ‘boyfriend ko’ hindi na niya pinatapos ang tawag, agad na niya iyong ibinaba at wala sa sariling naglakad siya palayo. Ano ang gagawin niya roon kung kasama pala nito ang boyfriend? Magiging chaperone siya?

Mariin niyang naipikit ang mga mata. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta dinala na lamang siya ng kanyang mga paa sa isang bar. Maingay at nakakabingi ang tugtog ng naturang lugar, mas okay para walang makakita at makarinig ng iyak niya.

Makalipas ang dalawang oras ay ramdam na ramdam niya na ang tama ng alak sa kanyang katawan. Nanghihina na siya at hindi na niya kaya kaya nagpasya siyang tumayo ng agad na nabuwal dahil nawalan siya ng balanse.

“Ayan kasi, naglalasing tapos hindi naman pala kaya!” pamilyar na boses ng isang lalaki ang sumalo sa kanya.

“James, ikaw pala ‘yan. Aning ginagawa mo rito? Huwag mong sabihin na nandito ka para buwisitin ako?” hndi na niya kayang pigilan ang sarili, wala namang nakakatawa pero gusto niyang tumawa nang tumawa.

Advertisement

“Halika na!Ihahatid na kita,” anito. Hindi pinapasin ang mga sinasabi niya.

Kinabukasan

“Aaahhh!!” matining na boses ni Nikka ang tanging maririnig sa buong kwarto. “Hayop ka! Anong ginawa mo sa’kin James. Bakit mo ako nir*ape!” pinagsusuntok niya ang lalaki at panay ilag naman ito.

“Hindi kita ni-rape gusto mo rin naman ang nangyari e,” anito na pilit iniiwasan ang suntok niya.

“Ano?”Natigilan siya sa sinabi ni James. “Lasing ako kagabi at sinamantala mo naman ang kalasingan kong bwisit ka!” nangigigil niyang sambit.

“Pareho nating ginusto ang lahat Nikka. Sa tingin mo ba mahuhubaran kita kung hindi mo iyon gusto,” anitong akma na naman sana niyang papaluin ng agad ding matigilan dahil sa susunod nitong sinabi. “Mahal kita Nikka, handa akong panagutan kung ano man ang nangyari sa atin kagabi.”

Nanatili na lamang nakanganga ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito.

“Mahal kita noon pa, kaso ayaw mo sa’kin dahil si Darren ang gusto mo. Handa akong panagutan at pakasalan ka kung iyon ang hihingin mo sa’king kapalit sa nangyari sa’tin kagabi.”

Advertisement

“Ang sabi mo hindi mo ako type kasi puro ako likod.”nakalabi niyang wika.

“Haha. Joke lang naman ‘yon masyado ka namang nagpapaniwala sa’kin. Ang sakit-sakit mo rin kasing magsalita e, kaya gumaganti lamang ako.”

“Talaga? Mahal mo ako?”paninigurado niya pa.

“Oo nga. Ako, mahal mo ba ako?”

Ngumiti siya at nag-aalangan kung sasagutin ba ito o hindi nalang. “Oo. Noon pa, kaso naiinis kasi ako sa’yo kasi ang hangin-hangin mo at napaka-antipatiko pa.”

Marahan iting naglakad sa pwesto niya upang yakapin siya ng mahigpit. “Paraan ko lang ‘yon para mapansin mo ako,” anito saka ibinaba ang mukha upang siilin ng halik ang kanyang labi. “Mahal na mahal kita kahit flatchested ka.” Agad naman niya itong pinalo sa balikat.

Kadalasan ay hanap tayo nang hanap sa taong magmamahal sa atin. Kung kani-kanino pa tayo lumilingon. Di natin alam, nasa harap na pala natin at tutukain na tayo!