Pinakawalan ng Mangingisda ang Nahuling Pawikan, Isang Biyaya at Milagro ang Nangyari sa Kanya Noong Gabing Iyon
Matagal nang mangingisda si Jun, ito ang kinamulatan niyang hanapbuhay ng kanyang ama at ito na rin ang ipinangbubuhay niya ngayon sa kanyang sariling pamilya. Simpleng maybahay ang kanyang misis at mayroon silang dalawang anak na parehong nag aaral sa elementarya. “O ito na ang baon mo.” sabi ng kanyang misis na si Thelma, inihanda na nito ang mga dadalhin niya para sa pangingisda, gabi kung siya ay umalis dahil mas mabilis manghuli ng isda kapag madilim. Binuksan niya ang laman ng lumang bag, isang plastik ng kanin at ulam, thermos na may lamang mainit na tubig, lumang plastic cup na pinaglagyan ng noodles na magsisilbing baso niya at isang lente. Mayroon ding ipinabaong jacket at lumang bonete ang kanyang asawa dahil malamig sa gabi. “Salamat mahal, alis na ko.” sabi niya at tuloy tuloy nang sumakay sa bangka, kasama nya ang mga kumpareng sina Robert at Lando. Pinaandar na nila ang motor ng bangka at di pa nagtatagal ay may nahuli silang mabigat sa kanilang lambat, pag-angat ni Jun ay nagulat siya nang makita ang isang napakalaking pawikan. “Jackpot!” sabi ni Lando. Agad silang tumigil sa isa sa mga bahay kawayan na itinayo nila sa gitna ng dagat para sa mga oras na wala silang matigilan sa gabi. “Pare, mahal ang karne niyan sa palengke,” sabi ni Robert. Napapailing naman si Jun sa sinasabi ng mga ito. “Lika na, umuwi na lang tayo. Malaki na ang kikitain natin dyan, sapat na yan sa ngayong gabi.” sabi naman ni Lando. Nagulat na lang ang dalawa nang muling ihagis ni Jun ang pawikan sa tubig. “Tang*na pare, anong ginawa mo?! G*go ka! Pera na naging bato pa!” sabi ng dalawa. “Pare, isda lang ang sa’tin at hipon. Napanood ko sa balita na kokonti na lang daw ang mga ganyan, wag tayong abusado pare, baka wala nang matira sa atin.” sabi niya. Padabog na muling sumakay sa kani-kaniyang bangka ang dalawang lalaki, tinignan muna siya ng masama at pinaandar na ang motor. Napapailing nalang siya, magtyatyaga na lang siyang mangisdang mag-isa ngayong gabi. Sumakay na ulit siya sa kanyang bangka at pinaandar na iyon, di pa nagtatagal na nailalatag ang lambat ay laking gulat niya nang mapuno na agad iyon ng pagkarami-raming isda, halos mapuno ang bangka niya sa dami ng nahuli. Nakauwi siya ng maaga at tuwang tuwa ang kanyang pamilya. Kinabukasan ay malaki ang napagbentahan niya kaya nakabili sila ng manok na pang ulam, nagtatalon sa sobrang saya ang dalawa niyang anak na tuwing Pasko lang nakakatikim ng fried chicken. Tahimik na nagdasal si Jun at nagpasalamat sa Diyos, alam niyang biniyayaan siya dahil sa kanyang pagpapalaya sa pawikan. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.