Inday TrendingInday Trending
Ang Pag-ibig Ko na Ipinagpalit sa Isang Laro

Ang Pag-ibig Ko na Ipinagpalit sa Isang Laro

Mahal na mahal ni Rosana ang kanyang kasintahan na si Alfred. Kaya kahit gaano kadalas pa itong magkamali ay pinapatawad niya ito agad. Dahil sa tagal na din ng kanilang relasyon, napagdesisyunan nila na magpakasal na. Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa na mas malaki talagang kumita si Rosana kumpara kay Alfred. At dahil dito mas mabilis silang nakaipon at tuluyan din nagpakasal.

Sa una ay maayos naman ang kanilang buhay mag-asawa. Sa kanilang anibersaryo, niregaluhan ni Rosana ang kanyang asawa ng isang high-end na cellphone. Tuwang-tuwa si Alfred. Nariyan na butintingin niya ito at lagyan ng lagyan ng kung anu-anong pang proteksyon. Dahil din sa ganda ng kalidad ng kanyang cellphone, naisipan niya na mag lagay ng mga nauusong mobile games.

Araw-araw ang paglalaro sa cellphone ni Alfred. Ngunit naintindihan naman ito ni Rosana pagkat alam nyang pagod ito sa trabaho at nag didibersyon lamang. Kaso, minsan ay talagang sumusobra na sa paglalaro ang asawa niya sa punto na napupuyat na at hindi na rin makausap. Laging ganito ang eksena sa kanilang bahay.

Unti-unti na rin napapansin ang panlalamig ng lalaki sa kanya. Kaya isang araw, kinompronta nya ang asawa.

“Pwede ba, kahit minsan tigilan mo muna yang mobile game mo na iyan at maging asawa naman sa akin?” wika ni Rosana.

Napikon si Alfred at nagdabog. “Ito na nga lang ang nagpapawala ng stress ko, ano ba naman yan! Wala namang ginagawang masama yung tao, naglalaro lang. Buti nga hindi ako yung tulad ng iba na naglalasing eh!”

Walang kaalam-alam si Rosana sa mga mobile games. Isang araw napagsabihan siya ng kanyang kasamahan sa trabaho na bantayan ang ikinikilos ng asawa. Pagkat marami ang nagkakasirang relasyon, dahil sa mobile game na ito. Dahil may chat room rin na kasama dito, maaari kang makakilala ng ibang tao na kapwa rin naglalaro. Binalewala ni Rosana ang sinabi ng kasamahan dahil tiwala siya sa asawa.

Isang araw, nagpaalam si Alfred sa asawa na sasama daw sa company outing. Agad naman niya itong pinayagan. Ngunit napag-alaman niyacsa kasamahan ni Alfred sa trabaho na maaaring magsama ng asawa at mga anak. Hindi man lamang ito nabanggit ni Alfred sa kanya.

Hindi parin pinag-isipan ni Rosana ng masama ang asawa, bagkus ay tinanong na lamang niya ito kung maaari siyang sumama. Isinama naman siya ni Alfred pero halatang ito ay napipilitan lamang.

Dumaring ang pagkakataon na biglaang nagtalo ang mag-asawa. Sa gitna ng pagtatalo nila, umalis si Alfred at hindi muna umuwi sa kanilang bahay. Ang sinabi nitong dahilan kay Rosana na kailangan daw muna nilang bigyan ng espasyo ang isa’t isa dahil nasasakal na ito sa kanya.

Kapag wala ng panggastos ang lalaki ay saka lamang ito nagpaparamdam. Bigla itong nagiging mabait at malambing sa kanya. At mabilis naman siyang napapaniwala. Sa tuwing tatanungin niya ang asawa kung kailan uuwi ay palagi nitong sinasagot na nagre-review daw siya para mapromote sa trabaho.

Dito na nagsimulang maghinala si Rosana. Minsan ay umuwi ang lalaki sa tinutuluyan ni Rosana. Habang natutulog ito ay umilaw ang telepono ng asawa at dahil may fingerprint lock code ito, kinuha nya ang kamay nito at inilagay sa cellphone para kanyang mabuksan.

Doon na tumambad sa kanya ang katotohanan. May ibang kinakasama na pala ang kanyang asawa. Isang babaeng nakilala nito sa mobile game. Nabasa lahat ni Rosana ang mga palitan nila ng mensahe at sobra ang kanyang hinagpis. Matagal na pala siyang niloloko ng asawa.

Imbis na magpakalumo, nag-isip ng plano si Rosana. Nagmaang maangan na lamang siya sa ginagawang panloloko ng kanyang asawa. Umarte siyang walang alam sa nagyayari.

Inisip niya, hindi maaring patuloy lamang siyang lokohin nito. Alam ng Diyos kung gaano niya gustong sugurin ang mga ito at saktan, ngunit batid niya na wala na din namang mangyayari. Napagtanto niya na bakit niya kailangang piliin ang taong hindi naman siya ang pinipili.

Mabigat man sa kanyang kalooban ay hindi na ininda ni ito ni Rosana at nagpatuloy na lamang sa kanyang buhay. Pinagbuti niya ang pagtatrabaho. Nag-enrol siya sa isang baking class na matagal na niyang nais gawin, ngunit laging kinokontra ng asawa. Anito, isa lamang itong pag-aaksaya ng oras.

Sa tuwing tumatawag sa kanya si Alfred ay tinitiis niya na ito at sinasabing wala syang pera. Umiwas na din ito sa lalaki. Nang makaipon si Rosana at nagtayo ito ng isang malit na cafe. Hindi nya inaasahan na tatangkilikin ng marami ang kanyang mga ginagawang cake at pastries. At nang lumaki ang kanyang negosyo, tuluyan na siyang nag-resign sa trabaho.

Isang araw nakita niya si Alfred sa labas ng kanyang cafe. Nagmamakaawa itong makipagbalikan sa kanya. Umiiyak at naglulumuhod ito na natanggapin siyang muli ni Rosana. Mahal pa rin niya ito, ngunit sa pagkakataong ito, kailangan naman niyang tatagan ang kanyang loob at mas mahalin ang kanyang sarili.

“Babalik ka sa akin dahil napagtanto mo na hindi maganda ang buhay mo sa kanya? Ano ang tingin mo sa akin, Alfred? Maayos ang ating pagsasama, ngunit mas pinili mo na sirain ito dahil lamang isang buwisit na laro. Ngayon, hindi na ako nakikipaglaro sa iyo. Hintayin mo na lamang ang mga papeles na ipadadala ng abogado ko.”

At tuluyan na ngang nilisan ni Rosana ang kanilang relasyon. Mas lumago pa ang negosyo niya at nag karoon pa ng maraming franchise. At si Alfred, walang hanggan ang pagsisisi sa kanyang panloloko at pagpapabaya sa kanilang relasyon.

Di naglaon, ang naisin nilang annulment ay naproseso at napawalang bisa ang kanilang kasal. Sa paglipas ng panahon, nakatagpo si Rosana ng bagong pag-ibig, isang mayamang businessman subalit tapat at nagpatotoo kay Rosana na mayroon pa palang lalaking kayang magseryoso.

Ngayon, patuloy ang paglago ng negosyo ni Rosana dahil na din sa tulong ng kanyang mahal na asawa. Maligayang-maligaya sila ngayon, dahil maganda ang naging takbo ng kanilang pamumuhay kasama ang kanilang tatlong supling.

Advertisement