Inday TrendingInday Trending
Pinagtatapon ng Babaeng Ito ang mga Damit Niya Bilang Pagmamatigas sa mga Magulang Niya, Nagulat Siya nang Makitang Suot ang mga Ito ng Isang Kaawa-awang Bata

Pinagtatapon ng Babaeng Ito ang mga Damit Niya Bilang Pagmamatigas sa mga Magulang Niya, Nagulat Siya nang Makitang Suot ang mga Ito ng Isang Kaawa-awang Bata

Ipinanganak na may kaya si Marian, hindi ganoon kayaman ang magulang niya pero sapat na ang kinikita ng mga ito para matustusan ang pangangailangan niya at maibigay ang kaunting luho ng babae. Sapat na rin iyon para hindi niya maintindihan ang hirap ng buhay, na minsan ay hindi siya kayang ibili ng mga magulang niya ng mga hinihiling niya lalo na kapag sumobra na ang mahal ng presyo ng mga ito. “Ma, look at all these clothes. Luma na. Yung iba paulit ulit ko na isinusuot sa loob ng isang linggo nakakahiya na,” pagmamaktol niya sa ina. “Alam mo namang nagkakaproblema sa company ang daddy mo, baka nga isa siya sa matanggal kaya tipid tipid muna tayo Yan,” sagot naman ng ina niya na halatang problemado. Umirap lang ang dalaga at pumasok na sa kwarto.Binuksan niya ang aparador at pinagkukuha lahat ng mga damit na sa tingin niya ay luma na, at mga wala nang silbi. Gigil na gigil pa siya habang inilalagay ang mga iyon sa plastic. “Panget! Ano ba yan, tsk.” bubulong bulong siya. Naisip niyang kapag itinapon niya ang mga damit at wala na siyang maisusuot, maaawa ang parents niya at mapipilitan ang mga itong ipag-shopping siya ng mga bagong damit. Itinapon niya ang mga walang kwentang damit sa basurahan sa labas ng bahay nila at nagmartsa na ulit papasok sa loob. Kinabukasan, habang papasok siya sa eskwela ay nasalubong niya sa labas ang isang batang babae na nasa 8 hanggang 9 taong gulang, suut suot nito ang isa sa mga damit na itinapon niya, kitang kita ang malaking ngiti sa mukha ng bata. Titig na titig si Marian sa damit, malaki kasi ang sukat niyon sa katawan ng payat na bata dahil syempre, dalaga na si Marian at ang sukat niya. Bukod doon, hindi akalain ng dalaga na may magsusuot pa niyon.Napansin ng bata na nakatitig si Marian sa damit. “Ang ganda po no? Bagong paborito ko to e. Regalo sa akin ng nanay ko napulot niya raw habang nagbabasura siya.Swerte ko nga kasi taglamig ngayon.” nakangiti ang bata. Napangiti rin si Marian, dali dali siyang bumalik sa loob ng bahay at magsosorry sa mama niya. Hindi niya na rin ito pipiliting ibili siya ng mga bagong damit. Konti man ang damit niya ngayon dahil naitapon niya na ang lahat, malaki naman ang ngiti niya dahil may matutunan siya at may natulungan pala siya. sanibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement