Inday TrendingInday Trending
Pinilit Niyang Makamit ang Gintong Medalya para sa Amang May Taning ang Buhay, Hindi Niya Akalaing Disgrasya ang Aabutin Niya

Pinilit Niyang Makamit ang Gintong Medalya para sa Amang May Taning ang Buhay, Hindi Niya Akalaing Disgrasya ang Aabutin Niya

Si Andy ay isang marathon runner na ang pangarap lamang ay mabigyan ng gintong medalya ang kanyang amang may taning na ang buhay. Ito kasi ang nagsilbing coach at trainer niya noong bata siya. Ngunit sa kasamaang-palad ay nagkaroon ito ng malalang sakit, dahilan upang taningan ito ng doktor nito. “Mayroon na lamang siyang anim na buwan para mabuhay.” Halos pagbagsakan si Andy ng langit at lupa nang malaman ang tungkol sa ama. Simula noo’y pinangako niya na pipilitin niyang makuha ang gintong medalya sa National Competition anuman ang mangyari. Simula noon ay halos bugbugin niya na ang sarili sa pagpa-practice tumakbo. “Anak, hinay-hinay at baka ikaw naman ang magkasakit n’yan,” ika ng kanyang ina minsang makita siyang pagod na pagod sa kaka-practice. Umiling siya dito, “Wala ito, Nay. Gusto ko po talagang manalo sa kumpetisyon para kay tatay.” Binigyan siya nito tubig, “Basta dahan-dahan lang ha. Baka naman kung mapano ka.” Hindi siya nagpadaig sa pagod. Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang kumpetisyon. Pakiramdam niya ay handang-handa na siya sa laban. Nang mag-“go signal” ay isa si Andy sa nangunguna sa mga tumatakbo. Tuwang-tuwa siya habang hinahanap ang kanyang ama sa upuan nito. Gusto niyang iparating dito ang kanyang mensahe na para dito ang lahat ng kanyang ginagawa. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagtakbo ay bigla siyang may naramdaman na matinding pagkirot sa kanyang binti. Napatigil siya saglit, na naging sanhi upang pagtinginan siya ng mga tao. Ngunit hindi naging dahilan iyon upang sumuko siya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo sa kabila ng napakasakit na nararamdaman sa kanyang mga binti. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Ang tanging focus niya nang mga oras na iyon ay marating ang finish line. Naiiyak na siya. Hindi niya akalaing mauuwi sa ganito ang lahat ng paghihirap niya sa training. Isama pa dito ang sobrang pagkirot ng kanyang parehong binti. Tila babagsak na siya. Ngunit naramdaman niya ang maiinit na brasong sumalo mula sa tangka niyang pagbagsak. Kahit sigurado’y tinignan niya pa rin kung sino ito Ngumiti siya nang hindi siya nagkamaling ang ama niya iyon, “Tay…” “Sasamahan kita anak, hanggang finish line. Sabay nating tapusin ito.” Naluha agad siya sa sinabi ng ama. Alam niyang hindi na nga niya kakayanin na tumakbo pa. Ngunit dahil sa pagpapalakas nito ng kanyang loob ay pinilit niya pa ring lumaban at tumakbo. Sa suporta ng kanyang ama, kahit huling-huli na siya, ay proud pa rin niyang narating ang finish line. “Good job, anak.” Niyakap niya ang amang umiiyak na rin. Alam niyang proud ito sa kanya. Lalo na’t napakaraming tao ang pinasalubungan siya ng masigabong palakpakan. “Alam mo ba kung anong pinakamagandang medalyang natanggap ko sa buong buhay ko?” tanong ng kanyang ama. Umiling siya. Hinawakan naman nito ang kanyang mga kamay, “Ikaw, anak. Ikaw at ang nanay mo ang pinakamagandang medalyang natanggap ko sa buong buhay ko. Hindi ko na kailangan ng ginto anak, ikaw palang dyamante na sa buhay namin ng nanay mo.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement