Pitong Taong Nagpasaway sa High School ang Dalawang Magkaibigan na Ito, Napaiyak ang Kanilang Guro sa Ginawa Nila sa Huling Taon Nila Sa High School
“Ayus-ayusin niyo naman ang buhay niyo, AJ!” bulyaw sa kanya ng ina kinaumagahan. Sinundo kasi siya ni Aga para sa pagpasok. Bwisit na bwisit ang nanay niya dahil sa nangyari kahapon. Napa-away kasi siya at na-guidance kaya kailangan niyang papuntahin ang magulang niya. Ngunit imbes na sabihin ang totoo ay iba ang sinabi niya. “Ma, scholar ako. Kailangan mo daw pong pumunta sa school.” Tanging naisip ni AJ na dahilan para magpunta ang Mama niya. Panigurado kasing hindi pupunta ito kung sabihin niya ang totoo, bahala na siyang mapagalitan mamaya kapag nagkaalaman na. Tama nga ang binatilyo, bugbog nanaman ang inabot niya nang mabatid nito ang katotohanang napaaway siya at hindi isang scholar. Pitong taon na sa highschool ang magkaibigang si AJ at Aga. Kung susumahin ay mas madalas pa ang nilaan nilang oras sa pakikipagbasag-ulo kaysa makinig sa klase. Pero sa kabila ng kanilang pagiging pasaway ay may itinatago namang mabuting puso ang magkaibigan. Tuwing lunch break ay pasikreto nilang nililinis ang classroom nila lalo na ang desk ng kanilang guro. Kahit papaano nama’y nahihiya rin sila sa palaging pagtatanggol sa kanila nito. At syempre ay nagpapasalamat sila doon. Hindi lang nila pinapakita pero mahal na mahal nina AJ at Aga ang kanilang adviser teacher na si Mrs. Ramirez. “Okay guys, nasaan na yung pinagawa kong project sa inyo?” tanong nito sa kanila. “Pakipasa na.” Isa-isa nilang pinasa ang mga proyekto maliban kina AJ at Aga na tila namomroblema. Napansin naman agad iyon ng guro kaya hinanap agad nito ang project nila. “Ano ba ‘to, Santos at Sanchez!” gigil na gigil sa sigaw nito. Napapakamot sila pareho sa batok. Samantalang nagsitawanan naman ang kanilang mga kaklase. Pinagawa kasi sila ng project na bio-data. Ito ay para daw sa nalalapit nilang graduation. Ngunit imbes na two-by-two (2×2) picture nila ang nakadikit sa bio-data ay drawing ang kanilang ginawa sa kanilang mga mukha. “Lumabas kayo ngayon din! Gagraduate nalang kayo, puro sakit sa ulo pa ang ginagawa niyo sa akin!” Kinabukasan ay nagkita na naman ang magkaibigan. “Pare, ano kayang pwede nating gawin kay Mrs. Ramirez para mapatawad na tayo?” tanong ni Aga kay AJ. “Yung kakaiba, para masaya!” sagot agad ni AJ. Papasok si Mrs. Reyes sa klase nang nagtataka, “Bakit kaya tahimik ‘tong mga to?” Wala kasing nag-iingay ‘ni isa. Nagtaka rin siya kung bakit wala ang dalawang pasaway niyang estudyante, “Asan na naman sina Santos at Sanchez?” Naglingunan sa bintana ang mga estudyante. Nandoon ang dalawa ngunit hindi niya makita ang mga mukha nito dahil natatakpan ito ng malaking banner. Nagtaka siya. Maya-maya’y nabasa niya ang nakasulat sa banner– thank you. Bahagya siyang napangiti ngunit hindi niya pinakita. Laking-gulat niya nang makitang kalbo na ang dalawa. Natawa siya nang makita ang naka-drawing sa likod ng ulo ng dalawa–smiley. “Mukha kayong loko-loko,” tanging nasabi lang nito. Maya-maya’y sinensyasan ng dalawa ang mga kaklase. Saka naman sabay-sabay tumayo ito at niyakap ang guro. “Sorry na, Ma’am…” “We love you, Ma’am…” “Thank you sa lahat, Ma’am…” Wala nang nagawa ang guro kundi ang maiyak at yakapin ang mga estudyante niyang kahit gaano ka-pasaway ay mahal na mahal niya pa rin. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.