Binigyan ng Mag-Asawa ng Bahay ang Kanilang Anak Bilang Regalo sa Kasal, Pero Itinaboy Sila ng Magulang nang Sila ang Maghirap
Hindi makapaniwala si Joseph sa narinig na mga salita mula sa bibig ni Miel.
“Yan ang napapala nila! Ang titigas kasi ng ulo! Ilang beses na silang inaalok ni Kuya na lumipat na dito sa Maynila. Ngayon dito pa sila sisiksik! Nakakairita pa naman ‘yang Nanay mo! Pakialamera! Lahat ng lang ginagawa ko, uulitin!”
“Baka nakakalimutan mo naman love na nanay ko yung tinutukoy mo. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, lalo pa’t may anak na tayo. Baka dumating ang araw na…” Hindi na naituloy ni Joseph ang sinasabi, biglang may nagdoorbell, siguradong ang Nanay at Tatay niya na ang mga iyon.
Agad naman nitong sinalubong ng yakap ang ama’t ina. Matagal-tagal na rin nang huli silang magkita-kita. Paano’y ayaw na ayaw ng asawang si Miel na lumuwas ng Tacloban. Hindi raw ito kumportable sa kanilang silid doon.
Pagpasok ng mga ito sa kanilang bahay ay halatang tila hindi ito kumportable.
“Nak, ano ba iyong nangangamoy?” Tanong ni Aling Ising kay Joseph.
“Pasensya na kayo, ma. Ilang araw na kasing hindi naitapon yung basura. Nagpaalam kasi si Aling Tinang na uuwi muna sa Tondo ng sampung araw. Di bale, bukas darating na ‘yon.” Nahihiyang pagpapaliwanag ng anak.
Agad namang sumimangot si Miel. Nagmano lamang ito sa mga biyenan at agad na umakyat ng kuwarto.
Napakarumi ng kanilang bahay. Palibhasa’y nasanay si Miel na laging may kasambahay na gumagawa ng lahat para sa kaniya, ni hindi man lamang ito naglilinis at naghuhugas ng mga plato.
Kahit may trabaho’y si Joseph pa rin ang gumagawa ng lahat kapag nagda-dayoff si Aling Tinang.
“Pupunta po muna kami ni Claire sa bahay ni Mommy at Daddy. Nagpapasama po kasi silang mag-shopping.” Nakasimangot na paalam ni Claire sa kaniyang mga biyenan.
“Ganun ba? O siya, sige. Miss ko na nga ang aking apo pero hindi bale, sa ibang araw na lang kami magkukuwentuhan.” Malumanay na sagot ni Mang Karding.
Imbes mamahinga ang dalawang matanda’y nagtulong ang mga ito upang mailabas ang nangangamoy na basura at linisin ang napakaruming bahay ng mag-asawa.
Dahil sabik na makasama ang mga magulang ay ipinasyal ni Joseph ang mga ito. Tinatawagan niya si Miel upang magkita sila sa mall ngunit hindi ito sumasagot.
Nang makauwi ng bahay ay gulat na gulat si Miel. Naiba ang puwesto ng ilan sa kanilang mga gamit. Nagngingitngit na naman ito sa inis.
“Mommy, nandito na sila Lolo at Lola! Play muna kami!” Saad ng batang si Claire.
Tuwang-tuwa ang matandang mag-asawa sa kanilang apo.
“Lola, Lolo hindi naman po kami pumunta kay Grandma and Grandpa, iniwan po ako ni Mommy sa playhouse sa mall tapos nakita ko po siya may kasama siyang ibang boy. Hindi po si daddy. Tapos nakita ko din po kiniss siya ni mommy, dito o!” Sabay turo ng bata sa kaniyang mga labi.
“Nagtago nga po ako sa loob ng playhouse para hindi ako makita ni Mommy. Akala niya nga po hindi ko sila nakita. Lagi ko na pong nakikita ang boy na ‘yon kapag hinahatid ako ni mommy sa school kasi daddy po siya ng classmate ko. Bakit po kiniss siya ni Mommy?” Dagdag pa nito.
Hindi makapaniwala si Aling Ising at Mang Karding sa narinig. Nasasaktan sila ng husto para sa anak. Kaya’t nagpasya si Aling Ising na kausapin ito.
“Nak, may kinuwento sa akin si Claire. May kasama ka daw sa mall kanina, daddy daw iyon ng kaklase niya.”
Hindi na maipinta ang mukha ni Miel sa sinabi ng biyenan.
“Huwag kayong makialam! Bata iyan! Hindi lahat ng nakikita niya’y tama ang interpretasyon niya!”
“Sandali lamang, nak. Huwag kang magalit. Kaya nga ako nagtatanong para mapaliwanagan ko ng maayos ang apo ko.”
Agad namang tumayo si Miel mula sa pagkakaupo sa kama. “Simula ho ng dumating kayo dito’y hindi na ako naging kumportable! Sabihin na nga nating galing sa inyo itong bahay na ‘to! Pero kulang na kulang pa ang ibinayad niyo dito pag pinagsama-sama niyo ang perang pinadadala ng asawa ko sa inyo buwan-buwan at ang mga nagastos namin nang maospital kayo ni Tatay! Lumayas na lang kayo kung hindi niyo mapigilang makialam! Una, yung mga gamit ko, pangalawa yung paraan ng pag-aalaga ko sa anak at asawa ko, tapos pati personal na buhay ko’t kung sino ang mga kakausapin ko’y kailangan ko pang ipaliwanag sa inyo!? Wala kayong karapatan! Hindi niyo ako anak!” Galit na galit at halos hindi na makahinga si Miel sa galit. Iniwan niya sa kanilang silid ang lumuluhang si Aling Ising.
Pagbaba ni Miel ay saktong kadarating lamang ng asawang nitong si Joseph. Takang-taka ito, habang pumaparada pa lamang ay naririnig na niya ang hiyaw ng asawa.
“Ano’ng nangyari? May problema ba?” Nagaalalang tanong nito.
“Daddy! Sinabi ko lang naman kay lola na may kiniss na ibang daddy si mommy! Kasalanan ko ba kung nagalit siya kay lola?” Umiiyak na saad ng inosenteng bata.
Agad naman itong binuhat ni Mang Karding at inilayo muna sa batang mag-asawa.
“Oo na, Joseph! Nanalo na naman ang nanay mo! Oo! May kabit ako! Pagod na pagod na ako kakahintay na umasenso ka! Alam mong galing ako sa mayamang pamilya pero ni hindi ka nagsusumikap para maibigay sa akin ang buhay na naibigay sa akin ng mga magulang ko!” Humahagulgol na saad nito.
Maya-maya pa’y bumababa na ang matandang mag-asawa dala ang kanilang mga gamit.
“Ayusin niyo iyang gulo ninyo. Kami’y tutuloy na lamang sa hotel. Ayaw naming makialam sa inyong mag-asawa.” Saad ni Mang Karding habang tahimik namang lumuluha si Aling Ising.
“Hindi po, ‘nay, ‘tay! Walang aalis! Kung sinoman ang hindi kuntento sa buhay na ibinibigay ko… Lumayas na kayo sa bahay ko!” Pagpaparinig nito sa asawa. Tila may bumaong malaking tinik sa dibdib ni Joseph sa inamin ng asawa. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha nito.
Walang kaabog-abog ay binuhat ni Miel ang anak na si Claire at akmang lalabas na ng bahay ngunit nagpumiglas ito.
“Ayokong sumama sa ‘yo, Mommy! Palagi mo na lang akong pinapalo kapag nagtatanong ako tungkol kay lolo at lola. Palagi mo nalang akong kinukurot kapag mababa ang grades ko. Inis na inis ka sa akin kapag nagtatanong ako sa ‘yo. Bata pa ako, mommy… Ayoko sa ‘yo! Daddy, daddy!” Pagmamakaawa ni Claire.
Sa pagkapahiya ay lumayas nang mag-isa si Miel at hindi na bumalik pa.
Isang araw ay nakatanggap na lamang si Joseph ng sulat.
“Annulment” ang unang salitang nabasa niya nang makita ito. Masakit man ay napagtanto ni Joseph na hindi na niya mapipilit pa ang sarili kay Miel.
Bilang pitong taon na si Claire ay nagpasya itong sumama sa kaniyang Daddy Joseph. Napagkasunduang kukunin na lamang ni Miel ang anak tuwing Sabado at Lingo. Nabalitaan din ni Joseph na masaya na daw ito sa piling ng isang mayamang negosyate, ito ang biyudong daddy ng kaklase ni Claire.
Masakit man sa loob ng mga magulang ni Joseph ay wala naman silang magawasa kalagayan ng anak. Araw-araw na lamang nila itong pinagdarasal.
Sadyang may mga tao talagang hindi makuntento sa kung anong mayroon sila. Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?