Laking Gulat ng Babae na Galing sa Mahirap na Pamilya ang Lalaking Pakakasalan, Pero Napatunayan Niyang Magiging Mabuti Siyang Asawa
Pinanganak sa probinsya si Vicente at doon na rin siya lumaki. Galing siya sa pamilyang hindi mayaman, ngunit hindi rin naman ganoon kahirap. Parehas niyang magulang ay mga magsasaka at mayroon silang sariling sakahan na katabi lang halos ng kanilang bahay.
Kung minsan ay dumarating pa rin sa punto na dalawang beses lamang sila nakakakain sa isang araw dahil hindi sapat ang kinita ng kaniyang mga magulang.
Ngunit, kahit ganoon ang kanilang kalagayan, sinigurado pa rin ng kanyang mga magulang na may magandang edukasyon ang binata. Mas madalas pa na imbis bumili ng bagong mga damit o gamit o kaya naman ay kumain ng masasarap na pagkain, tinitipid ng kanyang mga magulang ang kanilang mga sarili para makapag-ipon para sa pampaaral ni Vicente.
Kaya naman determinado ang binata na mabayaran ang lahat ng mga sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti para siya’y makapasok sa isang maayos na unibersidad tapos ay magkaroon ng trabahong magbibigay ng malaking sweldo.
Iniwasan ng binata ang lahat ng masasamang impluwensya habang siya’y nag-aaral. Kung minsan pa nga ay natutukso siya ng mga kaklase dahil sa sobrang subsob niya sa pag-aaral. Ngunit wala lang ito para sa kanya.
Matapos rin ang ilang taong paghihirap niya ay nabiyayaan siya ng magandang trabaho nang siya’y makatapos sa kolehiyo.
Parte rin ng kanyang plano ay ang makapag-ipon ng pera para maibili ng bagong bahay ang kanyang mga magulang sa siyudad para sila’y magkakasama na.
Sa kumpanyang kasulukuyan niyang pinagtatrabahuan, nakilala niya ang isang magandang babaeng pangalan ay Katarina. Siya ang isa sa mga manager ng kumpanyang ito. Noong una silang nagkausap ay nagulat ang dalaga na si Vicente ay walang nobya.
Bata pa lamang si Katarina noon nang maghiwalay na ang kanyang mga magulang. Simula noon ay silang dalawa na lang ng kanyang nanay ang magkasama. Ngunit mula nang pumanaw ang kanyang ina, sobrang durog na durog ang dalaga kaya’t naging subsob siya sa trabaho para makalimutan ang sakit.
Ilang buwan ang lumipas nang ang kanilang pagkakaibigan ay lumago at naging pagmamahalan. Masaya ang binata dahil tanggap ni Katarina ang kanyang nobyo na galing sa mahirap na pamilya.
Ilang taon pa ang lumipas at matagal-tagal na ring magkarelasyon ang dalawa. Dahil alam ni Vicente sa kanyang sarili na si Katarina na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay ay hindi na niya pinatagal at inalok na niya ng kasal ang nobya.
Nag-plano silang umuwi sa probinsya kung nasaan ang mga magulang ni Vicente para opisyal na magkita ang kanyang nobya at ang kanyang pamilya bago sila ikasal. Palagi kasing sa video call lamang sila nagkakausap.
Ngunit nang dumating sila sa bahay ng mga magulang ng binata, nagbago ang timpla ng mukha ni Katarina. Nakita ni Vicente ang reaksyon ng nobya at inaming natakot na baka iwan siya ni Katarina gaya ng dating nobya niya noon – na iniwan siya matapos malamang galing siya sa mahirap na pamilya.
Maliit lang ang bahay nila Vicente sa probinsya. Marami na ring kailangang ayusin sa bahay na iyon dahil sobrang luma na talaga noon.
Pero nakita pa rin ng binata na masaya at eksayted na makita ni Katarina ang kanyang mga magulang. Ganoon rin naman ang mga magulang ng binata – tuwang-tuwang makita ang kanilang magiging manugang.
Walang tigil ang kwentuhan at kainan ng kanilang pamilya habang nandoon si Katarina. Hindi na rin makapag-hintay ang kanyang mga magulang na silang dalawa’y maikasal.
Kinabukasan, bago sila umalis pabalik ng syudad, may inabot na ATM card si Katarina sa magulang ni Vicente.
Gulat na gulat ang kanyang mga magulang lalo na nang malaman nilang halos isang daang libong piso ang binibigay sa kanila ni Katarina habang ang kanyang misis naman ay hindi maiwasang maiyak sa kabaitan ng dalaga.
Ngunit ayaw rin namang tanggapin ng nanay ni Vincent ang itinutulong ni Katarina.
“Masyadong malaki ang halaga na ito, Katarina. Gamitin niyo ito dahil mas mahal ang manirahan sa syudad kaysa rito sa probinsya. Kami naman ay kaya pang magtiis. Pero itong pera na ito, idagdag niyo ito sa kasal niyo,” sambit ng nanay ni Vicente.
“Kung tanggap niyo ho ako bilang manugang niyo ay sana tanggapin niyo rin ho itong pera na ito. Ang pamilya ni Vicente ay pamilya ko rin po. Wag niyo pong intindihin ang gastos sa aming kasal, dahil makakapag-ipon pa po kami para doon. Ang mahalaga po ay komportable ang paninirahan niyo rito sa probinsya,” nakangiting sabi ni Katarina.
Labis ang pasasalamat ng mga magulang ni Vicente sa mga sinabi ni Katarina.
Matapos ang kanilang kasal, nakabili rin ng bagong bahay ang mag-asawa. Mayroong mga sobrang kwarto sa bago nilang bahay kaya’t inalok agad ni Katarina ang kanyang biyenan na doon na manirahan sa syudad kasama nila.
“Naku Katarina, napakabuti mong bata. Ngunit tatanggihan muna namin ang alok mo sa ngayon,” sagot ng kanyang biyenan habang magkausap sila sa telepono.
“Sayang naman po. Maganda po sana kung magkakasama na tayo dito,” sagot ni Katarina.
“Magandang ideya nga yan, anak. Pero mas gusto sana namin na manirahan dito sa bahay natin sa probinsya. Ngayon kasi ay napakaganda at ayos na ng bahay na ito, mula nang maipagawa natin ito. Salamat ulit sa tulong mo, anak ha,” sagot naman ng kanyang biyenan.
“Naiintindihan ko po. Wala pong anuman. Bibisita po ulit kami diyan sa susunod na buwan,” nakangiting sagot ni Katarina.
“O sige hija, mag iingat kayo. Sana pag bisita niyo dito ay buntis ka na sa apo namin,” nagbibirong sabi ng biyenan.
Nagtawanan ang dalawa at tinapos na rin ang usapan. Laking pasasalamat ni Vicente sa Diyos dahil isang mabuting tao ang kanyang napangasawa. Para sa kanya, siya na ang pinakaswerteng asawa dahil kay Katarina.