Nawala ang Memorya ng Babae at ang Gwapo Niyang Bestfriend ang Kanyang Naging Gabay, May Nakakakilig Palang Itinatago ang Binata
Dahan-dahang iminulat ni Sheila ang mga mata. Medyo nasilaw pa siya sa liwanag na hatid ng ilaw ng ospital. Nang makapag-adjust na ang mata niya ay inilibot niya iyon sa paligid, nakita niya ang kanyang kanyang mommy na nakatungong natutulog sa gilid ng kama niya.
Napangiti siya at hinimas ang bumbunan nito, dahilan upang gumising ang matanda. Ah, na-miss niya ang kanyang ina. Sa Amerika ito naninirahan dahil doon ginagamot ang daddy niya.
“Shiela? Hay Diyos ko po, salamat! D-Dyan ka lang anak ha, tatawagin ko lang ang doktor.” halos maiyak na sabi nito.
Ilang sandali ang lumipas ay bumalik itong may kasunod na doktor at dalawang nurse, chineck siya at nakangiti itong bumaling sa mommy niya.
“Congratulations po, she made it,” sabi nito. Napatalon sa tuwa ang kanyang ina at noon niya lang napansin ang isang binata sa likod nito. Titig na titig sa kanya at nangingilid ang luha sa mga mata.
Nang mapansin ng binata na nakatingin siya rito ay ngumiti ito at lumapit.
“Hi,” sabi nito sa baritonong boses.
“H-Hi, sino ka?” sa tanong niyang iyon ay natigilan ito. Maging ang kanyang ina ay napatingin rin.
Nagpaliwanag ang doktor, “Grabe ang damage na tinamo niya sa aksidente. Ito ho ang posibilidad na sinasabi ko sa inyo, ang magkaroon siya ng amnesia. Swerte pa tayo dahil sa tingin ko ay temporary lang ito at may ilang parts ng buhay niya lang ang nakalimutan niya. Ang iba ay lahat nalilimot.”
Tulala namang nakikinig si Sheila, doon tumikhim ang binatang nasa tabi niya na pala ngayon. “A-Ako si James. James Kenneth Legaspi, bestfriend mo. Friends tayo since kinder..alam ko lahat tungkol sayo. Kahit ang crush mo, ang manliligaw mo..alam ko lahat.” nakangiting sabi nito.
Hindi alam ni Sheila kung bakit, pero napangiti na rin siya. Siguro ay bestfriend niya nga ang lalaki dahil ang gaan-gaan ng loob niya rito.
Mula noon ay si James na ang katulong ng kanyang mommy na bantayan siya. Hindi ito pumalya, nang kinailangang umuwi ng mommy niya sa Amerika ay ipinrisinta ng lalaki ang bahay nito.
“Mommy, hindi ba ako pwedeng sumama sa US?” tanong niya.
“Masyadong delicate pa ang sitwasyon mo anak. Pasensya kana talaga, kung hindi rin ako kailangan ng daddy mo ay hindi pa ako babalik. Panatag naman ako dahil alam kong hindi ka pababayaan ni James.”
“Nahihiya ho kasi akong maging pabigat sa kanya-“
“Hindi ka pabigat Sheila. Sige na po tita, ako na po ang bahala sa kanya.” sabi ni James na kanina pa pala nakikinig sa kanilang dalawa.
Hindi naman naging mahirap para kay Sheila na pakisamahan ang binata. Napakabait nito, may respeto, nakakatawa kausap. Bukod doon, sobrang gwapo. Di niya nga alam kung anong mabuti ang nagawa niya para biyayaan siya ng ganitong bestfriend.
“James, bakit hindi kita jinowa noon?” wala sa loob na tanong niya. Kasalukuyan silang naglalaro ng baraha, isa itong architect at wala itong kontrata sa mga kumpanya pero malaki ang kinikita. Freelance ito kaya maraming bakanteng oras.
Natawa naman ang binata sa tanong niya,”Hindi kasi kita type. Tsaka, beki ako.” biro nito.
Nanlaki ang mata ni Sheila,”Talaga ba?! Kiss nga, try ko nga kung beki,” nanghahamong sabi niya. Inilapit niya ang mukha rito at naramdaman niyang na-tense si James.
Tapos ay tumawa siya habang halos isang inch nalang ang layo ng labi niya sa labi nito,”O diba sabi sayo nagjo-joke ka. Hindi ka beki, affected ka sa akin-”
Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil hinalikan na siya ng binata.
Ilang linggo pa ang lumipas, alam ni Sheila na nahuhulog na ang loob niya kay James. Hindi ito naalis sa isip niya, mabanggit nga lang ang pangalan ito ay iba na ang tibok ng puso niya. Nakadagdag rin siguro na kahit na mahina siya ngayon ay di nito sinamantala ang kanyang sitwasyon. Magkahiwalay sila ng kwarto at ramdam na ramdam niyang naiilang itong katukin siya roon tuwing umaga.
Nagpipigil ito dahil ayaw nitong malagay sila sa alanganing sitwasyon.
“Okay, ganito. Magtatapat ka sa kanya. Tell him you love him. Kung ayaw niya, e-edi wag! Diba? Simple as that, friends kayo at maiintindihan ka niya Sheila. Come on girl, you got this.” sabi ni Sheila sa harap ng salamin.
Inayos niya muna ang buhok bago lumabas ng kwarto. Sabi ni James, mahalagang araw raw ngayon kaya ipagluluto siya nito ng dinner. Tapos ay manonood sila ng sine. Nasa hagdan palang siya nang makita itong may kayakap na babae.
“James, hanggang kailan mo ito titiisin? Nahihirapan na rin ako for you. Kailangang malaman ni Sheila ang totoo.” sabi ng babae.
“Not now. Kaka-recover niya lang Jenna, hindi natin pwedeng biglain. Wala namang ibang gagawa nito kay Sheila, kundi ako diba?” sabi ni James.
Tila siya napako sa kinatatayuan nang magkalas ng yakap ang dalawa. Medyo nagulat pa nga si James nang makita siya, ganoon rin ang kayakap nitong babae.
Kahit na nasasaktan ay nag-plaster ng pekeng ngiti si Sheila. Bumaba siya ng hagdan at lumapit sa mga ito.
“May ganap yata kayong dalawa. I’ll be going na,James..” sabi ng babae, tinanguan lang siya nito at umalis na.
Hindi na nagtanong pa si Sheila kung sino iyon, baka masaktan lang siya. Tsaka ano ba naman ang karapatan niya diba?
Tahimik silang nagdi-dinner nang tanungin siya ni James.
“Is something wrong?”
“H-ha? No, ang sarap nga ng luto mo eh. Dalian nating kumain, baka di natin maabutan ang movie.” sagot niya na hindi makatingin ng diretso rito.
“I know you. There is something wrong.” sagot ulit ng binata pero ngayon, hindi na iyon patanong.
Napabuntong hininga si Sheila. Di niya akalaing ang pinlano niyang pagtatapat ng pag ibig ay ganito ang kalalabasan. Pero narito na eh. Edi sasabihin niya na rin.
“Fine. I don’t think I can still live with you. This is just..not right.”
“And why?” kunot noong sabi ni James.
“Dahil binata ka, dalaga ako, hindi magandang tingnan. Kahit pa sabihin nating alam naman natin sa mga sarili natin na magkaibigan lang tayo-” pumiyok pa siya sa pagkakasabi noon. “Hindi pa rin magandang tingnan. Kung ikaw, sanay ka. Ako hindi ako sanay ng ganito. Uto-uto ako, kaibigan kita dapat alam mo yan. Madali akong m-mahulog.
Ayokong may masaktan, ayokong makasagasa ng ibang tao. Ayoko ring..ayoko rin tong nararamdaman ko para sayo.” hindi makatingin na sabi niya.
“Bakit, ano ba ang nararamdaman mo?” napaangat siya ng tingin sa binata. Sa dami ng sinabi niya ay iyon pa talaga ang naisip nitong itanong. Hindi niya rin alam kung ano ang nakakatawa at pinipigil nitong mangiti.
“What is so funny?! Akala mo joke joke ‘to? akala mo joke ako?! Mahal kita James! Hulog na hulog na ako sa’yo, o ayan, joke pa ba yan?!” halos maiyak na sabi niya.
Nagulat siya nang biglang tumayo ang binata, pumunta sa tapat niya at lumuhod. Tinitigan lang siya nito at parang amuse na amuse.
“Ano?! I’m your bestfriend pero you make me feel like trash. Kung ayaw mo sa akin, sana man lang sabihin mo na agad para hindi na ako napapahiya ng ganito. How dare you na pagtawanan ang feelings ng isang tao,” humihikbing sabi niya.
Hinawakan ni James ang dalawang pisngi niya at pinagtapat ang kanilang mga ilong. “Mahal rin kita.Mahal na mahal.” sasagot pa sana si Sheila pero hinalikan na siya ng binata.
Nang magkalas ang kanilang mga labi ay sobra ang saya niya, pero di niya mapigilang makunsensya. “S-Si Jenna..paano si Jenna?”
Napatawa si James, “Oh so that’s why. Kaya pala ganyan ang mahal ko, nagseselos pala. Jenna is my twin sister,” sabi nito at kumindat pa.
Oh my God, bakit hindi niya nahalata ang pagkakahawig ng dalawa?
“Tulad ko, nalimutan mo rin siya. Halos mabaliw ako nang maaksidente ka. H-Hindi ko alam na sosorpresahin mo ako noon sa opisina at nag-commute ka lang, nang malaman kong nabangga ang taxi na sinasakyan mo..gusto ko nang mamatay. Buti ay naisalba ka ng mga doktor, iyon nga lang ay nalimutan mo ang mga alaala nating dalawa.”
“Isu-surprise kita? James..ano ba talaga kita? Bestfriend lang ba talaga kita noon?” litong tanong ni Sheila.
Bilang sagot ay may kinuhang tambak na photo album si James sa basement. Nanlaki ang mata ni Sheila nang matitigan ang mga iyon.
Doon nagsalita si James, “Bestfriend at..asawa.”
Biglang-bigla siya nang yakapin siya ng lalaki mula sa likod.
“Mahal na mahal kita Sheila. Ikaw ang buhay ko. Ayaw kitang biglain kaya sinabi kong bestfriend mo ako- tutal ay doon rin naman talaga tayo nagsimula. Naniniwala kasi ako na kusang babalik ang alaala ng puso mo. Naniniwala ako sa ating dalawa.” bulong nito.
Ang laki ng ngiti ni Sheila at kinurot ang bewang ng mister. Loko-loko ito.
Isinuot ni James ang singsing niya, ilang buwan pa ang itinagal na walang maalala si Sheila pero hindi sila sumuko.
Tutal, kahit na hindi matandaan ng kanyang utak si James ay nakatatak naman ito sa puso niya. Bukod doon, handa naman silang gumawa ng mga bago at masasayang alaala na magkasama.