Inday TrendingInday Trending
Akala ng Mga Estudyante ay Makakalusot Sila sa Pandaraya sa Test, Tameme Sila nang Ibuking ng Isang Kaklase

Akala ng Mga Estudyante ay Makakalusot Sila sa Pandaraya sa Test, Tameme Sila nang Ibuking ng Isang Kaklase

Sa nalalapit na pangmalawakang exam ng mga hayskul na estudyante ay hindi mapakali ang isang grupo ng magkakaibigan. Oras kasi ng bumagsak sila sa exam na ito ay hindi sila mabibigyan ng grado para makapasok sa kolehiyo.

“Pag di ako pumasa dito baka ipatapon ako ng daddy ko sa probinsya namin, ayoko dun.” Wika ni Roxy.

“Ano pa ako? Hindi ako makakapag college, malulungkot ang nanay ko nito.” Sagot ni Fred.

Dahil sobrang tamad magsipag-aral ay madalas na mababa ang kanilang iskor sa mga quiz at tests. Isa naman sa kanilang magkakaibigan ang nakaisip ng solusyon para sa kanilang mga problema.

“Eto ah, atin-atin lang to, meron akong pwedeng mapagkunan ng sagot para sa eksam natin.” wika ng isa.

“Sino? Tsaka paano? Eh sabay sabay tayong mageeksam diba?” Tanong ni Fred.

“Basta, ang gagawin niyo lang ay babayaran niyo ako at ibabayad ko sa taong iyon, ibibigay niya sa atin ang lahat ng tamang sagot, ano game?”

Pinlano nilang mabuti ang gagawing pandaraya sa eksaminasyon. At dahil marami pa silang ibang kaibigan ay madaling kumalat sa iba pang mga estudyante ang balitang ito. Gaya ng inaasahan ay mayrong mga lumapit sa kanila upang manghingi rin ng sagot sa eksam.

“Uy Fred balita ko pwede niyo kami matulungan sa eksam, handa ako magbayad, magkano ba?” Bulong ng isa kay Fred.

“Saan mo naman nabalitaan iyan?”

“Marami ng nakakaalam, ano? Magkano ba ibabayad ko?”

Nasilaw na rin si Fred sa salapi at siningil ng doble ang estudyante. Sunod sunod na mga bata na nga ang lumapit sa kanila matapos noon. Sinisingil muna nila ang mga ito ng paunang bayad at ipinangakong ibibigay ang mga sagot dalawang araw bago ang eksam.

“Di kaya tayo mapahamak niyan Fred? Masyado ng maraming nakakaalam.”

“Hindi yan, basta walang magsasalita sa inyo ha. Satin lang tong mga estdyante.” Sagot niya.

Dalawang araw bago ang eksam ay dumating na ang mga sagot para rito. Isang hindi nagpakilalang tao ang nagbabahagi nito sa mga estudyante para pagkakitaan.

“Oh eto na, itago niyo tong mabuti, mas maganda kabisaduhin niyo para di kayo mahuli.” Bilin niya.

“Ayos to ah, siguradong hindi na ako babagsak.”

Dumating ang araw para sa kanilang eksam at gaya ng inaasahan ay pumasa silang lahat. Madali nilang nasagutan ang bawat tanong dahil sa kanilang mga kodigo.

Kinabukasan ay ipinatawag ang kanilang grupo kasama ang kanilang mga magulang sa opisina ng prinsipal. Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakapagsumbong na sa pandarayang ginawa nila.

“Napatunayan ng mga guro ang pandarayang ginawa ng inyong mga anak, kaya naman bilang kaparusahan ay hindi sila makakapagtapos sa taong ito.” Wika ng Principal.

“Paanong pandaraya ba ito?” Tanong ng isang magulang.

“Ipinamigay ng mga anak ninyo ang sagot sa kanilang eksam.”

Wala na ngang nagawa ang kanilang magulang upang maipagtanggol sila. Muli nilang uulitin ang taon na iyon sa kanilang paaralan at sa susunod na taon ay napagkasunduang bibigyan na sila ng espesyal na eksam kung saan ay hindi na sila makapandaraya.

“Sabi ko naman sayo eh, masyado kang maraming pinagbigyan ng sagot, nabuking tuloy tayo.” Wika ni Roxy.

“Bakit? Ako lang ba nakinabang sa mga bayad nila? Tayong lahat naman diba?” Sagot ni Fred.

Nagtalo-talo ang magkakaibigan at mula noon ay iniwasan na nila ang isa’t isa. Si Roxy ay ipinadala na ng kaniyang magulang sa malayong lugar upang magtino, habang si Fred ay pinahinto na ng kaniyang ina, ang iba sa kanilang mga kaibigan ay napilitang mag-aral ng mabuti upang hindi na maulit muli ang kanilang pagkakamali.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement