Inday TrendingInday Trending
Nagalit ang Tatay na Ito sa Doktor Dahil Hindi Agad Nagamot ang Anak Niyang Nasangkot sa Away Kalye, Natulala Siya nang Malaman ang Dahilan Nito

Nagalit ang Tatay na Ito sa Doktor Dahil Hindi Agad Nagamot ang Anak Niyang Nasangkot sa Away Kalye, Natulala Siya nang Malaman ang Dahilan Nito

Isinugod ang anak ni Mang Dionisio sa ospital dahil napasali ito sa gulo ng mga kabataan kaninang madaling araw. Masama ang tama ng bata at malalim ang mga naging sugat na kailangang tahiin, umiiyak ang 16 taong gulang na binatilyong si Ryle sa takot na baka ito na ang mga huling sandali ng buhay niya. Marami nang nawawalang dugo sa binatilyo, inaasistehan siya ng mga nurse pero hindi mapigilan ni Mang Dionisio ang maghysterical dahil kanina pa wala ang doktor. “Nasaan ba kasi ang doctor dito Miss?! Emergency ito hindi pwedeng tutulog tulog kayo!” sigaw niya sa mga nurse. “Ginagawa naman po namin lahat sir, andyan na po si Doc.” sabi ng nurse na nagsisimula na ring mataranta. Nawalan ng malay ang binatilyo at lalong lumakas ang kaba ni Mang Dionisio, sakto namang pasok ng doktor na nagkakabit ng kanyang medical gown. “Bakit naman ho ang tagal nyo? May trabaho kayo dito na magligtas ng buhay babagal bagal kayo, e kung may mangyari ho sa anak ko?” sabi niya rito. Kalmado naman ang doktor pero hindi ito nakatingin sa mga mata niya. “Pasensya na ho, gagawin ko ang lahat para iligtas ang pasyente.” nagkakabit na ito ng medical gloves. “Dapat lang dahil idedemanda kita kapag hindi umayos ang anak ko, hindi nyo naiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi mo naman anak ang nag aagaw buhay,” sabi niya ulit. Hindi na siya pinansin ng doktor at dire-diretso na itong lumapit sa pasyente, nakatitig lang kay Mang Dionisio ang ilang nurse doon. Makalipas ang isang oras ay ligtas na ang binatilyo at natahi na rin ang mga sugat nito. Nagmamadaling lumabas ang doktor at nagbilin pa ito sa nurse. “Mamaya ko na pipirmahan ang mga pending ko, pag may kailangan kayo just call me,” sabi nito sa nurse. “Yes doc, sorry po talaga wala kasing ibang available na doctor dito ngayon,” malungkot na sabi ng nurse na tinanguan lang naman ng doktor at umalis na. Samantala, kahit ligtas na ang anak ay hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo ni Mang Dionisio, inis na inis siya dahil late na dumating ang doktor. “Ano’ng klase kayo rito? May sinumpaan kayo na magliligtas ng tao lalo na pag kailangan kayo tapos ganyan ang mga asal nyo,” singhal niya sa nurse. “Sir nailigtas naman po ni Doc ang anak nyo, kaya sana po tama na ang pagsasalita nyo ng masakit. Tsaka ginagawa po niya ang trabaho niya kahit may mga sarili rin syang problema.” paliwanag sa kanya ng nurse. “Ano’ng problema niya? Malay niya ba sa ganito. Sabi ko nga kanina, hindi niya alam ang nararamdaman ko dahil hindi niya naman anak ang kritikal.” ayaw pa rin magpatalo ni Mang Dionisio pero napahiya siya sa sinagot ng nurse. “Namatayan ho si Doc ng anak mula sa parehong away kalye na kinasangkutan ng anak niyo, nagkakagulo pa ang buong pamilya nila nang tawagan namin siya upang asikasuhin ang anak niyo. Iniwan niya po yun para lang maoperahan ang anak nyo.” sabi ng nurse na hindi napigilang mapaiyak. Natulala naman si Mang Dionisio. Labis ang kahihiyang kanyang nadarama ngayon. Bilang isang ama, alam niyang sa kanilang dalawa, isang bayaning maituturing ang doktor na napagsalitaan niya ng masama. Sinunod nito ang pangakong sumagip ng buhay bago isipin ang sariling kapakanan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement