Tinulungan ng Batang Ito ang Matandang Naka-Wheelchair, Hindi Niya Lubos-akalaing Ito Pala ang Nawawala Niyang Lola
Si Aireen ay isang batang may mabuting puso sa mahihirap. Sa tuwing sumasama siya sa ina sa palengke ay hindi niya matiis na hindi bigyan ang nakikitang mga pulubi lalo na mga matatandang palaboy-laboy. Lumaki kasi siyang nangungulila sa pagmamahal ng lolo’t lola dahil bukod sa matagal nang pumanaw ang kanyang lolo ay nawawala rin umano ang ulyaning ina ng kanyang ama matagal na panahon nang nakalilipas. Pinaniniwalaang pumanaw na rin ito dahil sa katandaan. Ilang taon na rin kasi nila itong sinusubukang hanapin ngunit nagkapamilya nalang lahat si Allan at nag-iba ng tahanan ay hindi pa rin nito natagpuan ang ina. Kaya naman pinagpasa-Diyos nalang ang kalagayan nito. Isang araw ay sumama si Aireen sa pamamalengke ng kanyang ina. Habang nasa daan ay napansin niya ang matandang tila nahihirapan sa ilalim ng arawan. Hindi namamalayan ni Aling Helen na bumitaw na pala sa kanya ang kanyang anak at nilapitan ang matanda sa gilid ng kalsada. “Hello po, Lola!” magiliw na bati ng bata sa matanda, “Okay lang po ba kayo?” “Apo? Ikaw ang apo ko,” sinabayan iyon ng tawa ng matanda. Tila wala na rin ito sa katinuan. Ngunit imbes na matakot ay kinagiliwan pa ito lalo ng batang si Aireen. Bumili siya ng tinapay sa malapit na panaderya at binigay iyon sa matanda. Tuwang-tuwa naman iyong tinanggap ng lola. “Salamat, apo.” Kahit marumi ito ay walang pandidiring hinawakan ni Aireen ang kamay ng matanda. “Okay lang po ‘yun Lola. Nasaan po ba ang pamilya niyo?” Umiling ang matanda, “Wala. Hinahanap ko ang anak ko, pero wala na siya. Hindi niya na ako hinanap.” Naawa siya sa sinapit ng lola. Ngunit magsasalita palang sana siya ay bigla namang narinig niya ang tinig ng kanyang ina, “Diyos ko, Aireen! Nandito ka lang palang bata ka, kung saan-saan ka….” napatigil ang ginang nang makita ang mukha ng matandang kausap ng kanyang anak. “Nay?” tinitigan niya itong maigi, “Nay, ikaw nga! Diyos ko, salamat po at buhay ka pa. Matagal kang hinanap ni Allan, ‘Nay, ang anak mo. Matutuwa iyon na nakita ka mismo ng apo mo.” Gulat na gulat si Aireen sa narinig. Hindi niya lubos-akalain na sa kagustuhan niyang tumulong sa matanda ay siya pa pala ang matutulungan nitong maibsan ang kalungkutan ng amang nangungulila sa isang ina. Masaya rin siya dahil sa wakas ay malalaman niya na ang pakiramdam ng pagkakaroon ng lola. Iyon kasi ang pinapangarap niya noon pa. Sa buhay, hindi natin masasabi ang kapalaran ng tao. Kung minsan, dumarating at nagpapakita pa ang hinahanap natin sa oras at panahon na pinaka-hindi natin inaasahan. Masaya si Aireen na sa tagal ng panahon ay muli niyang nakita ang ngiti sa mukha ng kanyang ama. At iyon ay dahil sa muli nitong pagkakita sa matagal na nawalay na ina. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.