Inday TrendingInday Trending
Magaspang ang Ugali ng Manager at Mapagmataas, Nanlumo Siya nang Ipatawag Siya ng May-ari ng Kompanya

Magaspang ang Ugali ng Manager at Mapagmataas, Nanlumo Siya nang Ipatawag Siya ng May-ari ng Kompanya

Limang taon nang manager sa isang kumpanya si Mon, matalino ang lalaki ngunit masyado siyang mapagmataas. Palagi niyang ginigipit ang kanyang mga empleyadong hindi ganoon kagaling, grabe kung pagsalitaan niya ang mga ito. Pintas dito, pintas doon. Mura dito, mura doon. Hindi lang makaimik ang mga tao at kung hindi lang kailangan ng mga ito ng trabaho ay matagal na sigurong umalis sa kumpanya. “Good morning Ser,” bati ni Mang Rene sa kanya isang umaga habang nagma-mop ito ng sahig, ito ang kanilang janitor. Ni hindi nilingon man lang o tinanguan ni Mon ang matanda, ganoon siya araw araw. Hindi napapagod ang janitor na batiin siya at ni minsan ay hindi niya ito tinapunan ng tingin. Masyado siyang abala, at hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang walang kwentang taong gaya nito. Mga empleyado ngang nag oopisina hindi niya pinapansin, ito pa kaya na isang hamak na janitor lang? Diyos ko naman! Pagpasok niya sa loob ng kanyang opisina ay nagulat siya nang datnan roon ang may-ari ng kumpanya. “S-sir!” natatarantang sabi niya. “Mon, bakit parang hindi maganda ang performance ng mga tao mo? Dati ay ganado ang mga iyan, pero ngayon tignan mo ang resulta, nase-stress yata sa pamamahala mo ang mga tao!” galit na sabi nito. Wala namang naisagot si Mon, wala siyang maisip na dahilan kung hindi ‘bobo’ kasi ang mga tao pero syempre hindi niya naman pwedeng sabihin iyon sa amo. “Mon, you know what. I think you need a break. May na-interview na ako, magaling siya at hindi mainitin ang ulo. Siya na muna ang manager dito, ikaw ayusin mo ang sarili mo.” sabi ng lalaki. Teka, ano? Sinisisante siya nito? “Sir, ano hong ibig nyong sabihin?” litong sabi niya. “You’re fired Mon. Marami ang nagrereklamo sayo, gusto ka pa ngang idemanda ng iba. Bago pa madamay ang kumpanya, sorry umalis ka nalang. Tapusin mo lang ang araw na ito at wag ka nang bumalik bukas.” sabi lang ng lalaki at lumabas na ito. Naiwang nakatulala si Mon, hindi pa rin makapaniwala. Mabilis na lumipas ang araw, at sumapit ang oras ng uwian. Kinailangan niya nang iwan ang kotse dahil pinahiram lang naman sa kanya iyon ng kumpanya. Pag nga naman minamalas malas siya, naiwan niya pa sa bahay ang kanyang wallet at di niya napansin iyon kanina. Paano siya uuwi ngayon? Bahala na, maglalakad nalang siguro siya. Malapit lang naman ang kanyang tinitirhang condominium. Kaya lang ay di pwedeng may makakita sa kanyang empleyado, lalo siyang magmumukhang katawa-tawa. Kitang kita niya ang nang uusig na tingin ng mga ito nang kumalat ang tsismis na sisante na siya, ang ilan nga ay nakangisi pa pag nasasalubong niya. Hinintay niyang maubos ang mga tao, at lumabas na siya ng opisina. Dahil sanay na naka-kotse, mabilis siyang napagod at napaupo sa hagdan ng building. Napatungo siya, pilit na tinatanggap sa sarili ang sinasapit niya ngayon. Nagulat siya nang pagtingala niya ay may nakaumang na tinapay sa kanya, iyong mumurahin. “Pasensya na kayo ser, iyan lang ang pinabaon ng misis ko eh. Alam nyo na, gipit pa.” nakangiting sabi ni Mang Rene. Hindi nakaimik si Mon, nahihiya siya na may nakakita sa kanyang naglalakad. “Wag nyo na hong isipin iyan, ayos rin iyang naglalakad para may exercise. Ako nga ho eh, nilalakad ko rin. Sayang ang otso pesos na pamasahe ng jeep, aba’y dagdag baon rin iyon ng anak kong nag aaral sa kolehiyo.” kwento pa rin nito. Hindi namalayan ni Mon na nakikipagkwentuhan na siya sa matanda, sinabayan siyang maglakad nito hanggang marating niya ang condominium. Niyaya niya itong magmeryenda sa loob ngunit tumanggi ito, halatang nais lang talaga siyang samahan at hindi sumisipsip. Bago ito umalis ay nilingon siya nito, “Magiging maayos rin ho ang lahat. Minsan ay binibigyan lang tayo ng pagsubok, tipo bang inaalog lang tayo para magising, para matuto.” iyon lang at umalis na ito. Inisip naman ni Mon mabuti ang mga katagang iyon, tama si Mang Rene, nagkamali siya sa naging ugali. Nag-apply muli si Mon sa ibang kumpanya at sinimulan niya nang maging mabuti at mapagpakumbabang manager, marami ang nagiliw sa kanya at umunlad ang kumpanya. Pagkalipas ng maraming taon, nakapagtapos na sa kolehiyo ang anak ni Mang Rene at laking tuwa ng matanda nang ipinasok niya ang anak nito sa opisina kahit wala pang experience ang binatilyo. Ayos lang iyon kay Mon, alam niya na magiging mabuting empleyado ang anak ni Mang Rene dahil sa magagandang aral na itinuturo ng ama nito, mga aral na naibahagi rin ng matanda sa kanya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement