Takot na Takot ang Lalaking Ito na Malaman ng Striktong Ina na Bading Siya, Naging Madamdamin ang Pag-amin Niya nang Isiwalat ng Ina ang Sikreto Nito
Mahigpit at matapang ang mama ni Grant. Dahil na rin siguro iyon sa maaga itong nabiyuda at ito na ang tumayong ama at ina niya. Natatandaan niya noong binatilyo pa siya, pinapayagan naman siya nitong lumabas kasama ang barkada pero katakut takot na paalaman at pagpapaliwanag muna ang magaganap. Kahit ngayong binata na siya at may sariling trabaho ay takot na takot pa rin siya sa mama niya. Kaya nga hindi niya maamin rito ang pinakalilihim niya, na bakla siya. Baka itakwil siya, baka palayasin at hindi na kausapin kahit kailan. Kahit ganoon ang mama niya ay mahal na mahal niya ito at ayaw niya itong ipahiya. Isang hapon, may salu salo sa bahay nila dahil fiesta. Imbitado ang mga kumare ng mama niya, Kararating lang ni Grant mula sa trabaho at nadatnan niyang marami na ang bisitang naroon. “Pagkabihis mo sumandok kana ng spaghetti dito,” sabi ng mama niya. “Sige lang ma, busog pa ko. Kumain po kami nina Alex bago ako umuwi dito.” sagot niya naman na akmang maghuhubad na ng sapatos nang biglang magsalita ang Tita Myrna niya. Hindi niya ito kamag anak pero iyon na ang nakasanayan niyang itawag sa mga kumare ng ina. Bukod doon, anak din ni Tita Myrna niya si Jomart, ang kanyang bestfriend na tulad niya ay isa ring bakla. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa, alam ni Tita Myrna ang kabaklaan ng anak. “Uy, sinong Alex yan ha, boyfriend mo? Aba may jowa na si Grantie..maiinggit si Jomart sa ganda mo ineng.” panunudyo nito, nasanay na kasi itong biruin siya nang ganoon kapag nasa bahay siya ng mga ito. “Si Tita, palabiro.” sabi niya rito na pilit pinapatigas ang boses. Palihim niyang sinulyapan ang ina na tahimik lang na nakikinig. Pilit niyang sinesenyasan ang ginang ng hindi niya pa po alam, pero tila hindi nito naiintindihan iyon. “Aminin mo na. Tsaka bakit hindi ka na nakakapunta sa bahay. Sabi mo dati isang kembot lang andun ka na, bakit di mo na dinadalaw ang dalaginding kong si Joms, hahaha.” Tuluy tuloy ito, nakahalata lang ito nang mapansin nitong tila nanghihina siya. Wala na, alam na ng lahat. Kitang kita naman sa reaksyon niya na nagsasabi ito ng totoo. Tumakbo si Grant papasok sa kwarto at doon umiyak. Naisipan niya ring mag empake na sakaling palayasin siya ng ina, na hindi niya namalayan ay nasa likod pala niya. “Ma, alam mo na siguro. Oo, bakla ak-” naputol ang sasabihin niya nang magsalita ito. “Alam ko.Noon pa man, alam kona. Bago mo pa malaman sa sarili mo, alam kona.” sabi lang nito. “Alam mo? Bakit hindi ka nagalit?” tanong niya rito. Niyakap siya ng ina, at narinig niya ang mga salitang humaplos sa puso niya. “Alam ko dahil nanay mo ako. Atsaka, ako ang kakampi mo. Tandaan mo yan, kapag nakagawa ka ng kasalanan magagalit ako sayo pero kapag tinalikuran ka na ng mundo, gusto kong malaman mo na I am your safe place. Kakampi mo ako. At tanggap kita kahit ano ka anak.” sabi nito. Nagsisimula na siyang mapaluha nang magsalita ito. “Make-upan mo nga ako, fiestang fiesta ang pangit ko!” at nagtawanan ang mag ina. Hindi inakala ni Grant na ganoon siya kadaling matatanggap ng mama niya, iba talaga ang pagmamahal ng ina. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.